Phase 24

247 10 0
                                    

Alexius:

What are you wearing?


Ako:

The white vintage dress.

After sending that message, I hissed when I received a call from him. Tatayo na sana ako upang sagutin ang kanyang tawag nang magsalita si Ferida sa aking harapan. Ferida is Elliot's friend which is Tristan's teammate. Sama-sama kaming nakaupo ngayon sa isang sofa dahil kanina pa nagsisimula ang party.

Agad kong pinindot ang decline button at humarap sa mga taong kasama. I should have fun with them, not stressing about him who's telling me to go home already.

"Pinapauwi ka na yata ng Daddy mo Air? 'Di ba hindi naman strict ang parents mo?" tanong ni Ferida habang kuryosong nakatingin sa cellphone ko.

I smiled and shook my head. Alam kong kanina pa rin nila napapansin na panay tingin ako sa aking cellphone. Paano ba naman kasi, Alexius is already calling me! Well, I said, I'll be home at nine but of course, hindi naman nasusunod talaga ang mga ganyan.

Pero siya, sineryoso talaga na hanggang alas nuebe lang ako. He's already waiting outside for an hour now. Late na nagsimula ang party kaya halos parating palang ang iba. Nakakahiyang magpaalam kung gayong nag-uumpisa palang ang kasiyahan.

"Uh, hindi naman. It's just... someone. A friend," I stated and shrugged. Ngumiti akong muli at itinago na ang cellphone sa bag.

Tumango si Ferida at bahagyang tumaas ang kilay. Pinilig ko ang aking ulo sa pagtataka dahil bumaling din sa akin ang ibang kasama sa mesa. I pressed my lips when Daniella, Eros' girlfriend, smirked before sipping on her alcoholic drink. Eros is also a member of the Chesterford's basketball team.

"It looks like he's your boyfriend? A possessive one perhaps? Kanina pa yata nagte-text," aniya matapos sumimsim. Natawa ako at kaagad umiling. Napagtanto ko na iyon ang naiisip ng lahat.

"Hindi, wala akong boyfriend..." I chuckled.

"Oh, then that means... you're up for this? Wala naman palang magagalit," natatawang tanong ni Xavier na nasa harapan ko bago idapo ang mata sa bote na nasa mesa.

I almost forgot that we're playing a game. Naging abala ako masyado sa pakikiusap kay Alexius na hintayin pa ako saglit sa labas. I gulped when I saw the tip of the bottle. It was pointing directly at me. Hindi ko alam kung bakit laging natatapat sa akin ang bote. Napatingin naman ako sa katabing si Tristan na nakatulog na. Kanina pa niya sinasalo ang mga shots na para sa akin dahil hindi talaga ako umiinom.

Their questions are too sensitive. First sex, worst kiss and such. I mean, masasagot ko naman ang mga iyon kung may karanasan talaga ako sa mga tanong na ibinabato sa akin. They don't want "nothing" or "no one" as a response so I need to take a shot. Wala naman talaga pero ayaw maniwala ng iba.

"Hmm, dare," sabi ko para maiba naman. Kanina pa ako nagtu-truth. Kung magtatanong muli sila ng mga tanong na gaya kanina, siguradong mapapainom na ako. Tumikhim ang mga kasama ko sa table na tila nag-iisip kung anong pwedeng ipagawa sa akin. Hindi naman tumagal ng isang minuto nang ibuka ni Daniella ang kanyang bibig.

"Kumakanta ka 'di ba?" she asked and stared at the mini stage.

Kinagat ko ang aking pang ibabang labi nang mapagtanto ang nais niyang ipahiwatig. I smiled when the girls cheered for me. Kinantyawan din ako ng mga lalaki at wala akong nagawa kung hindi tumayo mula sa kinauupuan at natagpuan na lamang ang sarili na nasa mini stage habang hawak ang isang gitara.

Unti-unting naglalapit
Ang ating mga mundo
Pag-asa ay ating bitbit
Maligaya't walang takot

Tainted Melodies (Ciudad de Escalante #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon