"Are you sure this is really the place?" Alexius asked and gawked suspiciously at the building in front of us.
Ibinaba ko ang bintana ng sasakyan at nagpakawala ng hininga. He looked unsure about it. Well, the building looks... old. Hindi rin maganda ang impression ko dahil sa natutulog na security guard sa entrance.
"Can you see that? It says Conchordia. Siguro ito na nga," saad ko at tinanggal na ang seatbelt. For the nth time, I checked my face at the mirror if I still look presentable. Binalutan na rin ako ng kaba dahil sa agenda ngayong araw.
"Don't be nervous. They invited you here."
I smiled and nodded at him. Conchordia is an entertainment agency. I already checked if it's a legit company and it really is. May mga iilang artists akong kilala na galing dito. Sa loob ng ilang taon kong pagpe-perform sa stage at pagdalo sa gigs, nasa banda man o solo, ngayon lang ako nakatanggap ng offer.
May isang handler sa Conchordia noong nakaraan ang nakapanood sa akin na nagpe-perform sa Infinity Den. He told me that I was great. He also asked me if I'm already a talent in some agency. Sinabi ko wala at hindi kailanman nakatanggap ng offer kaya labis ang kanyang pagkagulat.
Their company is not that famous but as what I said before, wala naman sa kasikatan 'yan o tunog ng pangalan. Nothing will happen if I'll not try. That's why I'm here to check and decide if I'll sign a contract or not.
"I'll get going. Drive safely, baby..." I said sweetly and gave Alexius a peck on his lips. Dapat sasamahan niya pa ako sa loob ngunit may trabaho pa siya. I don't want him getting late for accompanying me. Besides, kaya ko naman.
I giggled when he patted my head.
"Let's have dinner later. Good luck..."
I nodded and smiled at him once again. Nagkaroon pa ng kaunting kalandian sa pagitan naming dalawa bago ako tuluyang bumaba ng sasakyan. I must say, after Alexius met my parents, he became consistent. There's a lot of changes too. Ibang-iba talaga sa Alexius na una kong nakilala.
"Oh, gosh! You came Solaire! Akala ko... hindi mo pag-iisipan, eh..." naiiyak na wika ni Jessie o Jesus Del Rosario nang makita ako. He's the talent scout I was talking about. He's also a music producer. Siya ang nag-offer sa akin na mapabilang sa agency nila.
Pinasadahan ko ang paligid bago nakangiting bumaling sa kanya. Maliit na ang building kung titingnan sa labas kanina pero mas maliit pa pala kapag nandito ka na sa loob. Sa apat na sulok, makikita mo na ang main office, recording area, dressing room, mini kitchen at dininig area. May second floor sa taas at sa tingin ko, doon pwedeng magpahinga at mag-practice ang mga artists nila rito.
"Tara dito! Dito tayo. Excited ka nang makita ni Tina," natutuwang pahayag niya at iginiya ako sa patungo sa recording area.
"Tina?" I asked. She's excited to see me? Siya ba ang may-ari? I heard the owner is a woman. Matalik na kaibigan ni Jessie at silang dalawa ang nagpapatakbo nitong Conchordia.
"Oo! Tina Maculada ng Tina Entertainment. Hindi mo matandaan? Dating pangalan ng Conchordia. Alam mo ba... in-offeran na pala kayo ni Tina noon. Noong nasa banda ka pa. Kaso, wala. Tinanggihan niyo," nanghihinayang niyang sabi kaya napaawang ang bibig ko.
I remember the name "Tina Entertainment" so clearly! Sa sobrang tuwa ko noon na may nakuhang imbitasyon ang banda, gustung-gusto ko nang tanggapin pero ayaw lang ng mga kasama ko. It is the same agency? Nag-iba lang ang pangalan? Dito rin pala ako dadalhin ng tadhana?
Wow... I couldn't believe it. I think I should really go for this.
"I guess, you remember Tina now. Kung alam lang namin na kumakanta ka, nagpadala pa sana kami ng panibagong imbitasyon para sa'yo. Mas bagay sa'yo ang solo artist," ani pang muli ni Jessie at binuksan na ang pintuan.
BINABASA MO ANG
Tainted Melodies (Ciudad de Escalante #5)
Teen Fiction𝐂𝐢𝐮𝐝𝐚𝐝 𝐝𝐞 𝐄𝐬𝐜𝐚𝐥𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟓/𝟖 𝗦𝘂𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀 𝗶𝘀 𝗴𝘂𝗮𝗿𝗮𝗻𝘁𝗲𝗲𝗱 𝗶𝗳 𝗼𝗻𝗹𝘆 𝗦𝗼𝗹𝗮𝗶𝗿𝗲 𝗙𝗲𝗿𝗴𝘂𝘀𝗼𝗻 𝗱𝗼𝗲𝘀𝗻'𝘁 𝗵𝗮𝘃𝗲 𝗮 𝗰𝘆𝗻𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗮𝗳𝗳𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗳𝗹𝗶𝗿𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝘂𝘀 𝗹𝗲𝗮𝗱...