Phase 43

241 8 0
                                    

Alexius and I made up. Or I thought so? He listened to my reasons. He said he understood. He even reprimanded me that I should have told him about it. Ang sabi din niya, he'll file a case against Ulysses. But it feels like we're still not completely fine. O nag-o-overthink na naman ako?


"Solaire, nabasa mo na ba ang script?" Tanong ni Jessie habang nagrereview at nag-aayos ng mga appointments ko.


Gladly, everything is slowly coming back to its place. Humuhupa na rin ang mga issue at nagsisimula na naman akong makatanggap ng offers. Sana talaga hindi na maulit pa ang mga nangyayari noong nakaraan. It was really a chaos.


"Ah, iyong bang in-email mo sa akin kagabi? Yup, tapos ko nang basahin. And I highlighted some scenes pala na hindi ko gagawin..." sambit ko at nagpatuloy sa pagtotono sa gitarang hawak. I'm writing a new song for my next single.


"Scenes? Itong mga ito? It's only holding hands and hugs, Solaire. Highschool students naman ang mga characters niyo kaya walang masyadong intimate scenes," aniya habang pinapakita sa akin ang parte ng script na tinanggihan kong gawin. I'll shoot another music video again.


"Pati iyong kay Direk Rodriguez, tinanggihan mo na noong nakaraan. Dati, pumapayag ka naman. Is it because of your boyfriend, Solaire? Nagiging seloso ba? Napaka-istrikto naman! Kahit mga after parties natin hindi ka na sumasama," nagtatampo niyang saad at nginitian ko na lamang.


Alexius is not jealous. He's not strict either. Ngunit kahit hindi niya ako pinagbabawalan pagkatapos naming mag-usap tungkol sa naging problema sa aming dalawa, parang may nag-iba. I understand what's happening and I'm adopting the changes. He's taking his time to trust me fully again. It's hard. I know I'm at fault.


Kaya ang magagawa ko ngayon ay huwag siyang bigyan ng kahit anong rason para magduda at gumawa ng mga bagay na maaari naming pag-awayan. For more than three years of being in this relationship, we didn't ask each other's private accounts. Maging ang password ng mga cellphone ng isat-isa ay hindi namin alam. Pero nagbigayan na rin kami ng accounts noong nakaraan para mapanatag siya na wala na ulit mangyayaring gano'n.


"No, it's not like that, Alexius! Alam ko ako ang nagkamali at nasaktan kita but I have my reasons why I did that. Ngayon, ikaw? Bakit m-magkasama na naman kayo?" Naiiyak kong tanong habang kausap siya sa kabilang linya.


I'm doing my best here not to give him any reason to be jealous. Kung pwede lang, kahit sinong lalaki hindi ko na kausapin para lang hindi siya mangamba. Kasi kahit hindi niya sabihin, alam kong pinagdududahan niya pa rin ako at hindi pa rin kayang magtiwala sa akin ulit ng lubusan.


I know how his mind works. I witnessed how severe his trust issues is! Kaya ginagawa ko lahat para bumalik sa dati. Tapos siya? Hindi man lang iniisip kung anong mararamdaman ko?


"God, Solaire. We're not going out alone, okay? Xandreus and the whole Counterclockwise are with us earlier. Hinatid ko lang siya—"


"Bakit ikaw ang kailangan maghatid? At anong oras na? Madaling-araw na, magkasama pa rin kayo! Gaano ba kalayo ang bahay niyan para abutin kayo ng ilang oras, huh?" Nanlulumo kong pahayag.


"Iori is my friend, Solaire. It's been a long time since we talked. Napahaba lang ang usapan naming dalawa—"


"Putangina..." Natatawang sabi ko sa narinig na rason.


Napahaba ang usapan, wow! Magkasama na sila noong nakaraan hindi ba? Lumabas silang dalawa na sila lang! Hinayaan ko. Tutal, magkaibigan naman at ilang taong hindi nagkita. Pero hindi pa pala sapat iyon? May pag-uusapan pa? Miss na miss ang isa't-isa?


"Catching up, gano'n? Deep talks? Madaling-araw, nakainom at nasa loob ng putanginang sasakyan mo?" Dagdag ko at pabalik-balik ang lakad sa pwesto. Ako lang ba ang may problema? Ako lang ba ang nakakakita na hindi tamang tingnan ang ginagawa nila?


"Is there a problem with that? Kung anu-anong naiisip mo! We're not doing anything..." He uttered in frustration. Napapikit ako nang marinig ang mahinang paghampas niya sa steering wheel. Ano? Galit na naman siya? Siya pa itong galit ngayon?


"Naiisip ko? Anong naiisip ko?! Are you seriously asking me that? Alam mo noon pa na ayaw na ayaw ko na nagsasakay ka ng mga babae sa kotse mo. You like fucking your girls inside your car!"


He knew this is one of my fears. My traumas. Pero palagi niyang ginagawa.


"Oo, kaibigan mo nga siya. Hindi mo magagawa iyon. You respect her! Kaso anong gusto mong isipin ko? Madaling-araw at nakainom kayong dalawa! Ano pa bang gagawin ng lalaki at babae kapag gano'n, huh?" wika ko sa gitna ng hikbi.


Mas lumakas ang iyak ko nang magmura siya at tumawa sa kabilang linya.


"Do you hear yourself, now? Yeah, I fucked my girls before inside my car. But Solaire, that was years ago! Nagbago na ako noong naging tayo hindi ba? Why are you thinking I can do that again? Ikaw pala talaga ang mas walang tiwala sa ating dalawa," paninisi niya sa akin.


Wow. Why am I thinking he can do that? Palagi ngang bumabalik ang anger issues niya! Sa mga bisyo niya! Paano ako hindi mag-aalala?! Pakisabi nga, paano?!


"Pwede mo akong sumbatan ng ganyan at palalampasin ko kung sa tatlong taon natin nagloko ako at nagsinungaling sa'yo. But I didn't! Lahat ng binabato mo, that was my fucked up old self before I commit to this..." Nahihirapan niyang pahayag at hindi ko na nakayanan pang hindi manghina.


Napaupo ako sa malamig na sahig nang maramdaman ang kanyang pag-iyak. Alexius is also breaking in this argument. Pero anong magagawa ko? I'm hurting too! I'm hurting from everything!


"Y-You said I shouldn't chain myself to that. I should free myself from my past. Pero binabalik mo palagi kapag ganito. Alam ko nagkukulang ako, pero putangina talaga. Ganyan pa rin ang tingin mo sa akin?" He sobbed.


"Tell me, Solaire. Tell me, honestly. Where do you think this relationship will go? What do you want us to do?" dugtong niya na nakapagpatahimik sa akin.


Tila nawala ang boses ko o sobrang pagod ko na talagang ipaglaban ang sarili ko dahil hindi naman kami nagkakaintindihan magmula pa kanina.


He inhaled roughly.


"Nothing? Then, I'll decide," deklara niya na labis nakapagpatulo ng aking luha. Hindi maganda ang kutob ko sa kanyang seryosong tono.


"For now, let's take a break from each other. I still love you. But you don't trust me all along. I couldn't trust you again too. This isn't working..." aniya bago patayin ang tawag.

Tainted Melodies (Ciudad de Escalante #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon