Phase 42

227 8 0
                                    

Due to my overgrowing issues, Tina and Jessie decided to cancel all my appointments for this month. Taking a break is the only solution we need to settle this. Maging ang pagpa-practice ko dapat para sa pangatlong tour ko na gaganapin sa Vietnam ay ipagpapaliban muna pero nakiusap ako na huwag talaga galawin ang mga naka-schedule sa Asian Tour.


Kahit iyon lang, maging successful sa kabila ng nga nangyayari. Dito lang naman sa Pilipinas mainit ang issue. Sa ibang bansa, hindi naman gaano kaya sa tingin ko walang problema kung itutuloy. But I don't know for the recent one. Baka nakarating na sa karatig-bansa dahil mas malala ito gaya ng nauna.


One of the reporters got hurt from the commotion happened yesterday. Hindi sinasadya ng driver ng aming van na may matamaan nang sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan. Paano ba naman kasi! A basher became extremely aggressive. May dala nang baseball bat at binasag ang windshield. Hindi na sila nakuntento sa paghahagis ng itlog at kamatis.


Lahat kami nataranta at ang tanging gusto na lamang namin no'n ay makaalis sa lugar na iyon. But an unfortunate thing happened. Humarang ang isang reporter. Laking pasasalamat nalang at hindi gano'n kalala ang casualties. Ngunit nagkaroon siya ng injury. That's why it became an issue again. Kanino pa ba ang sisi kung hindi sa akin?


"I don't have time to deal with your shits, Rory. Where's Alexius?" Matigas kong tanong at pinasadahan ang paligid ng bahay.


I controlled my fueling anger when she crossed her arms and raise her eyebrows at me. Tila walang balak na sumagot ng matino. I sighed in frustration. Please, have some participation. Kahit ngayon lang. I've been dealing a lot lately. Kung ang career ko masisira na, ayaw kong pati itong relasyon namin madawit pa.


Sobrang gulo at hirap na hirap na ako sa mga nangyayari. I can't lose both of my dreams and him. Pero kung ang pangarap na ito ay hindi para sa akin ngayon, I can work for it again. I'll accept and try my best to move on. But Alexius is more important than anything else. Nag-iisa lang siya. I'll never find someone like him. I don't see myself loving someone other than him.


"Ang bait pala ni Ate Riona, no? May something na pala sa kanila ni Kuya dati. Magiging sila na dapat pala kung hindi ka lang dumating..."


I stiffened from where I'm standing when I heard that name. Isang pangalan na sobrang malaki ang epekto sa akin kahit marinig ko lang. I swallowed and bring back my composure. What's with Iori? I know she and Alexius are still friends.


"So what about it?" tanong ko at kinuha ang cellphone upang magtipa ng mensahe kay Alexius. I'll tell him I'm waiting for him. Kahit anong oras o kung pwede magpalipas ako ng gabi dito gagawin ko basta makapag-usap na kami. I really miss him. It's killing me whenever I'm thinking we're not yet fine.


"Wala lang. Gusto ko lang sabihin na dapat silang dalawa nalang ang nagkatuluyan. Not with a cheater like you," aniya kaya napasinghap ako nang hindi makapaniwala.


Me? A fucking cheater?


"You don't know anything, Rory. Manahimik ka nalang," giit ko at tinawagan na si Alexius. Bakit pala ako nag-abala pang magtext kung alam ko naman na hindi ako rereplyan. He's ignoring me for damn two weeks now!


"Hindi sasagot si Kuya kung siya ang tinatawagan mo. He's with Ate Riona right now. Huwag kang mang-istorbo. Lumabas silang dalawa."


Nanghina ang aking kamay at kusang naibaba ang cellphone. Nanubig ang mata ko at unti-unting pinanlabuan ng paningin.


Lumabas... silang dalawa?


"Oh, ano? Kumusta sa pakiramdam na may kasamang iba? Ganyan ang ginawa mo. Hindi lang isa, ilang beses pa nga. Tsk," dagdag ni Rory at nagmartsa paakyat ng hagdan.


Hindi ako nakapagsalita para sagutin iyon dahil may punto siya. Tama naman na may kasalanan nga ako pero hindi ko intensyon na manakit o mangaliwa! I have my reasons. I don't have any choice. That's what I'm trying to explain if they only listen to my side.


Pinilit kong hindi pangunahan ng emosyon at mag-isip ng kung anu-ano. I don't want Rory's words to take over me. Kahit alam kong noon pa, gusto na ni Iori si Alexius. Pero hangga't hindi ko nakikita o naririnig mula mismo sa kanya hindi ako maniniwala.


I spent the remaining hours of the day on waiting and calling him to ask where he is and why they're together. Pero ano pa bang inaasahan ko? Na magrereply? Na sasagutin ang mga tawag? I've been doing this for two weeks now. Kung galit pa rin siya, matatanggap ko pero sana huwag ganito.


Nababaliw na ako.


Napapagod na ako.


Akala ko aabutin ako ng umaga kakahintay sa kanya. Ngunit nang sumapit ang alas-dos ng madaling-araw, nagkumahog akong bumaba sa kama at tinakbo ang labas. Nakarinig ako ng tunog ng kanyang sasakyan at siguradong siya na iyon.


I gasped when my eyes captured the scene outside his house. Tila nabagsakan ako ng kung anong mabigat nang makita si Iori na akay-akay si Alexius. Nanlambot ang mga binti ko nang mapagtanto na wala siya sa katinuan.


"Solaire..." Iori called softly when she noticed me.


She was having a hard time helping Alexius to walk properly. So magkasama nga sila? Bakit? Para saan? I heard Counterclockwise is really busy. Pero may panahon pa siyang makipagkita sa taong may girlfriend na?


Nakalapit na sila sa main door kung saan ako nakatayo. Hindi ko siya binalingan ng tingin at ang atensyon ko ay nasa kay Alexius na lasing ngayon. Hindi makatayo ng maayos at amoy na amoy ang alak sa kanya. Bumilis ang aking paghinga habang pinoproseso ang mga nangyayari. Kanina nakokontrol ko pang hindi maging paranoid at emosyonal pero ngayon ay hindi ko na kaya dahil sa nasasaksihan ko.


Girl. The reek of alcohol. The smell of cigarettes.


Just like the old times.


A picture of him which I fear the most.


"Dito nalang..." Mahina kong sabi habang tinutulungan si Iori na ihiga si Alexius sa kama. Naningkit ang mata ko nang makita na pati ang pag-aayos ng comforter sa kanyang katawan ay nais niyang gawin.


"Hmm, ako na. Thank you for taking care of him, Iori," madiin kong sabi at pinagpatuloy ang pag-aayos ng comforter. I gasped when she's still standing beside me. I mean, there's nothing wrong with that. Pero wala ng kailangan gawin pa. May girlfriend naman na nandito para mag-asikaso.


"Sa susunod— uh, no. Wala na dapat susunod. Dapat tinawagan mo nalang ako. Naabala ka pa tuloy," wika ko nang matapos sa pag-aayos. Tumuwid ako sa pagkakatayo at humarap sa kanya. May karapatan naman akong sabihin iyon hindi ba?


Iori smiled and that irritates me more. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit hanggang ngayon hindi ako komportable o naiinis ako sa presensya niya. It's been years since the issue with her and my bandmates.


"Okay lang, Solaire. It's not bothersome or what. Kahit noon pa man kapag nalalasing 'yan, naasikaso ko na," aniya na nakapagpaatas ng kilay ko. Gusto ko matawa. So? Anong gusto mong iparating? Na noon pa man girlfriend material ka na?


Iori noticed my reaction.


"Uh, nagtutulungan kami ni Xandro gano'n. Kapag talaga nakakarami ang Heliocentric. Lagi kami ang nag-aasikaso madalas sa kanila..." Dugtong niya na halatang nagdadahilan na lang.


I scoffed. You already said it, Iori. Halatang gusto mo na ipamukha sa akin ngayon na wala akong kwentang girlfriend. At 'yung noon? Oo, na. Mas nauna kayo maging close at kung hindi lang ako umeksena, may pag-asa na sana kayong dalawa? Gano'n ba?


"Hmm, ito pala ang cellphone niya. I really want to answer your calls but he said I shouldn't," she said once more which made my head boiled. Siya pala ang may hawak? Wow? Gano'n ka-komportable si Alexius sa kanya pata ipagkatiwala maging ang cellphone?


"Pero dapat ginawa mo pa rin. Hindi mo ba naisip na baka nababaliw na ako ako sa pag-aalala?" Pangangatwiran ko at nagpakawala ng buntong hininga. Dapat alam niya iyon! O baka naman gusto talaga niya na hindi sagutin ang tawag ko.


Iori blinked and laughed quietly. Kumunot ang noo ko sa kalituhan. Bakit siya tumatawa? May nakakatawa ba sa sitwasyon ngayon?


"Solaire, do you have a problem with me? I mean, even before. I could feel it. Pero huwag na natin ibalik iyon. Itong ngayon na tayo magpokus. You should be thanking me, right? Pero bakit ikaw pa itong galit?"


Napaawang ang bibig ko. I couldn't believe why she's asking what's obvious.


"If you have personal issues with me. Let's settle that between the two of us. Hindi na dapat pa madamay ang pagkakaibigan namin ni Jael," aniya kaya ako naman ang natawa.


"Really? Friendship? Pagkakaibigan lang ba talaga o hanggang ngayon, umaasa ka pa rin? We're together for more than three years now. Uso mag-move on," I uttered.


"At hanggang tatlong taon nalang 'yan. You cheated, remember?" aniya na nakapagpasinghap sa akin.


Bakit alam niya ang bagay na iyon? Did Alexius told her? Or baka si Rory!


"Shut up. You don't know the whole story..." sambit ko.


"What's the story, then? That you feel sick about this relationship? You're not happy anymore, so you searched for another guy to fulfill my shortcomings as a boyfriend?"


Nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig ang boses na iyon sa aking likuran. Naramdaman ko ang dahan-dahang pag-upo ni Alexius sa kama. I breathed deeply before I turned my back at Iori so I can face him.


"Alexius..." I called and swallowed the lump inside my throat.


"It's not like that. Baby, believe me..." Pakiusap ko dahil hindi ko kailanman magagawa ang naiisip niya. I'm already the happiest when I'm with him. He's the only guy I want to be with. Nahirapan ako sa susunod na sasabihin dahil hindi alam kung saan uumpisahan.


Huminga ako nang malalim at umupo rin sa kama— exactly infront of him. Ngunit bago magsalita muli, humarap ako kay Iori para makiusap na bigyan muna kami ng oras na mag-usap na kaming dalawa lang. I sighed in relief when she didn't say anything and she just walked silently out of the room.


"Alexius..." I traced and touched his hand. Tears pooled my eyes when his expression hardened. Hindi rin siya nakatingin sa akin at ang paningin ay nasa balcony lang. It feels like he still doesn't want to see any sight of me.


"Look at me, please? Let me explain. Please, hear me out..." I whispered, almost begging.


"Just talk, Solaire. Don't make this hard for me. Your eyes could easily deceive me. I don't want to get fooled again," he said softly.


A tear rolled down. I'm not deceiving you. I'm not fooling you. I can't do that...


Mabagal akong tumango at hindi na namilit pa na tumingin siya sa aking direksyon. I cleared my throat and hold his hand properly. Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak bago ibuka ang bibig at simulan ang eksplanasyon.

Tainted Melodies (Ciudad de Escalante #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon