Phase 45

300 11 0
                                    

"Solaire, alam ba ni Jael ito? Did he agree with this?" bulong ni Ate Solene sa aking tabi.


Tumikhim ako at mabagal na umiling. Pagkatapos, ibinaling kong muli ang atensyon kina Mommy at Tita Carolina na nag-uusap ngayon. We consulted Tita Carolina Ferguson about my case. Siya ang may alam at madaming koneksyon para maayos ang problema ko.


Magkakasama kaming lahat ngayon pwera kay Daddy na pabalik palang ng bansa pagkatapos malaman ang kondisyon ko. I don't have any plans to keep it a secret with them. Kauwi ko ng bahay mula sa ospital, agad ko nang ipinaalam. Alexius and I had a huge fight. Hindi ko kayang sabihin pa sa mga kaibigan ko. I don't have anyone to ask for help.


Mom is quite disappointed but she's still eager to help me. Walang kaso sa kanya kung ipagpatuloy ko ba o hindi ang pagbubuntis. She believes I can handle this lifelong responsibility if I decided to keep the baby. At kung ayaw ko naman, gagawan namin ng paraan kaya ngayon nagkakaroon sila ng diskusyon ni Tita Carolina.


"What? You should tell him about it! Hindi pwedeng ikaw lang ang magdedesisyon para rito. Anak niya rin iyan, Air..." agap ni Ate Solene.


I know. I'm planning to. At hindi pa naman talaga ako gano'n kasigurado sa gagawin. Abortion is a sin according to the bible and Fergusons are agnostic. Pero wala akong pakialam kung kasalanan ba o hindi. Ako ang magdadala at mahihirapan, at inaamin kong madami pa akong pagkukulang ngayon.


I already feel sorry to my kid. Hindi ko talaga deserve magkaanak at ayokong mabuhay siya na ganito ang nanay niya. I'm reckless. Broken. Not yet mature. I'm not at my good shape. And I know this is my fault. Dapat inisip ko muna ang mga gagawing aksyon. Hindi dapat padalus-dalos.


"I'm still undecided, Ate. Kakausapin ko ulit si Alexius tungkol dito..." I whispered back.


This abortion is only my back-up plan. Pero hindi ibig sabihin no'n, gusto ko nang ipagpatuloy ang pagbubuntis. Kapag ginawa ko iyon, madami akong kailangan isakripisyo. My studies, career and my youth. My life is on line. I'm still young. Madami pa akong gustong gawin.


Pero kung gusto ni Alexius na ituloy ito at kung hindi ko siya mapapakiusapan sa pangalawang pagkakataon... Then, I guess that's it. I will sacrifice my life. Ginusto ko ito at kasalanan ko nga. And I love him. I want to spend the rest of my life with him. Napangunahan ako ng emosyon noong nag-usap kami sa ospital pero mas importante sa akin kung anong gusto niya. This is also his kid. I shouldn't be selfish.


Pagkatapos ng ilang minuto, natapos din ang diskusyon ni Tita Carolina at Mommy.


"Here, Solaire. Nakalagay na rito kung paano kayo makakuha ng appointment. I already told my friend about it. Clear your schedule. Two to three days will do. Asikasuhin na agad ang flight. Don't worry, it's really safe and you won't feel the pain..." paalala ni Tita Carolina at iniabot na sa akin ang mga dokumento.


"Thank you po, Tita..." I uttered and paid a glance at the papers. Naglalaman ito ng detalye tungkol sa clinic at anong gagawin na proseso.


"Sure, no problem. Talk to your boyfriend about it, hmm?" paalala niya at tinapik ang balikat ko.


Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na si Tita Carolina sa amin dahil may gagawin pang trabaho. Iyon na rin ang ginawa ko at nagpaalam na kina Mommy, Ate Solene at Ate Solana na aalis muna para mag-usap kami ni Alexius.


There's a huge chance that he'll disagree with this. At kung iyon nga talaga... wala na akong magagawa pa.


As soon as I reached his lair in CDA, I immediately get off in my car while holding the papers in my hand. Bukas ang pintuan ng main door at napakunot ang noo ko nang makita si Architect Klevoreign Carjaval sa living room. Parang wala yata si Rory dahil kung nandito siya, siya agad ang bubungad sa akin.


"Hi, Solaire! Congratulations. I heard from Jael that you two are having a baby! I'm happy for both of you!" masayang sabi niya at niyakap ako. Bakit alam niya? I hugged her back and forced myself to be happy about it.


So, pinagkakalat na nga ni Alexius na magkakaanak kami? Damn... It's too early. At hindi pa nga kami nagkakasundo kung itutuloy ba. Hindi pa nga namin naaayos maging ang relasyon naming dalawa.


"Uh, hindi. I mean hindi pa alam ng iba talaga. He said I should not yet tell others too..." ani Architect at natawa dahil baka nabasa ang ekspresyon ko.


"Look, he's really excited, huh? Nagpapagawa na agad ng disenyo ng playhouse sa backyard. Hindi ko pa alam kung anong balak niya talaga. But I'm sure it's for your kid kaya nalaman ko," dagdag ni Rei at ipinakita sa akin ang mga draft ng plates para sa project.


He's planning what? Playhouse? Napasinghap ako nang makita na may draft din ng design para sa kwarto ni baby. My hands trembled while holding the documents for the abortion.


"Where's he pala?" tanong ko at pinasadahan ang paligid.


"Hmm, lumabas saglit. May dumating na delivery truck kanina. Hindi mo yata napansin noong papasok ka," sambit ni Rei at pinagpatuloy ang pag-aayos sa mga plates.


"Okay, thank you. Puntahan ko lang..." pagpapaalam ko at nagdadalawang-isip kung kakausapin ko pa ba tungkol sa mga dokumento.


I became hesitant to propose this to him. He looked very excited. He's already preparing for it.


Nang makalabas, tama nga si Rei na may delivery truck pala rito. At mas lalong nanginig ang kamay ko nang makita ang mga kahon at packages na isa-isang inilalabas sa truck. Alexius is helping the employees to transfer all of them. Hindi pa niya napapansin ang presensya ko na nanonood sa kanila sa malayo.


Umawang ang bibig ko nang makita ang isa sa mga gamit. Akala ko mga luho at gamit ni Rory ang mga ito ngunit hindi. They're all equipment when you're having a newborn child. Nanghihina akong tumingin sa mga hawak na papel. There's a growing desire inside me that I should throw this and making this decision is such a harsh thing.


Bakit ko ba ito naisip?


Napahawak ako sa aking tiyan at tumingin muli kay Alexius na nakangiti ngayon habang nakikipagbiruan sa mga empleyado. His eyes are glistening as he stared at the packages. May listahan din siya na hawak at chinecheck kung kumpleto ba ang nga pinadala. Fuck. He's really looking forward for this. I couldn't destroy his smile. His happiness. I can't do this to him.


I'm sorry, Alexius.


And especially to you, my baby. My the one who couldn't speak. I'm very sorry. Your mommy will be brave from now on.  

Tainted Melodies (Ciudad de Escalante #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon