Phase 35

230 9 0
                                    

Days after the argument I had with Alexius on that night, I just woke up that everything between us is fine like nothing happened. Balik kami ulit sa dati. Hindi ko alam paano nangyari at magkausap nalang kami bigla na parang bati na. Pero siguro dahil iyon sa bulaklak at regalo na pinadala niya sa akin kinabukasan kaya nawala ang inis at pagtatampo ko. I hate myself for being too fragile for him. Hindi ko kayang magalit nang lubusan at ayaw ko rin ng alitan sa pagitan naming dalawa.


"DNA Test? May results na?" I asked Devan.


Siya ang nagmamaneho ngayon sa sasakyan. Katatapos lang ng shooting para sa music video namin ni Haze. Dapat ihahatid niya ako sa bahay pero nagpumilit ako na dumiretso nalang sa CDA. I have a three-day rest and I want to spent it with my boyfriend. Buti nalang may gagawin siyang agenda malapit dito kaya hindi gaanong hassle ang paghatid sa akin.


"Wala pa, pero siguro darating na rin sa mga susunod na araw..." aniya at pinatay ang makina.


Oh, we're already here!


I couldn't contain my excitement when my eyes captured the familiar breathtaking view of Alexius' lair. Nagkukumahog akong nagtanggal ng seatbelt at bumaba ng sasakyan. Halos maipit pa nga ang kamay sa pintuan ng kotse dahil sa pagmamadali. Natawa si Devan sa nakitang reaksyon sa akin. I only pressed my lips and shrugged. There's no point in hiding that I really miss his friend.


Masaya akong tumakbo papasok ng bahay at dali-daling umakyat ng second floor. Wala akong nakitang gumagamit ng equipment sa first floor kaya panigurado nasa itaas siya. At times like this maybe he's already done in his workout routine.


At hindi ako nagkamali.


When I saw his back, I immediately ran in his direction to hug him.


"I miss you! You know what—"


I failed to continue my words when he placed his forefinger on my lips. I pouted when I realized he was with his phone, talking to someone on the other line. Pinagdampi ko na lamang ang mga labi ko at tahimik siyang niyakap. I giggled softly when Alexius hugged me back while talking on his phone.


"Sure, I'll wait for it. Give me a heads-up kapag malapit na," aniya bago ibinaba ang tawag.


As soon as the phone call ended, he darted his eyes at me and hugged me tighter. Sa sobrang higpit, naiangat na niya ako sa ere at walang sabi-sabing ipinahiga sa kama at pumwesto sa aking ibabaw. I smiled and without having second thoughts, I touched his nape and dipped his head on mine.


At doon nagsimula ang halikan naming dalawa. Intense and full of thirst. This is what we missed! This is the intimacy that phone calls and video chat couldn't offer.


"Shit, Alexius!" I mumbled when his hand crawled inside my top. Hindi ko napaghandaan at napapikit na lamang habang hinahalikan siya pabalik. My lips parted, and stop kissing him back for a moment when I felt his hand holding my left breast.


"Ahh," I moaned and bit my lower lip. Mas dumiin ang aking pagkakapikit nang bumaba ang kanyang labi sa aking panga pababa sa aking balikat.


"I miss you..." he whispered while kissing the sensitive skin near my collarbone.


"I... I miss you too," I replied, and it was almost in an erotic tone. He chuckled playfully, which made me open my eyes. Siguradong tinatawanan niya ang boses ko. He's always making fun of it whenever we're doing this!


"Nakakainis ka! Let's just continue, okay?" Paalala ko at hinawakan na ang dulo ng kanyang t-shirt.


I was about to pull it up when I noticed a shadow at my peripheral vision. Nang makilala kung sinong naroon, hindi na ako nagdalawang-isip pa na alisin ang pagkakahawak sa damit niya. Nataranta ako, umalis sa pagkakahiga at tumalikod muna para ayusin ang buhok at damit.


"Ah, Kuya? Kailan daw darating yung dressing table?" Alyanna asked.


Huminga ako nang malalim bago humarap sa kanya. I pretend unbothered and calm. We're couple. It's normal, right? Damn. How long she has been standing there anyway? Nakita niya ba talaga kami? Of course, she saw it! Ang lawak ng pagkakabukas ng pintuan.


"Hmm, I already talked to the delivery guy. Baka mamaya darating na. You're excited, huh?" panunukso ni Alexius at sumulyap sa akin.


"Oo naman! First time ko kaya magkakaroon ng dressing table. Sa bahay ni Sister Aimee, kahon lang yung lalagyanan ko ng gamit. Tapos sa probinsya, hindi naman uso ang ganoon. I can't wait for it! Siguradong bagay sa kwarto ko. Ang galing mo kaya pumili..." Pagkukwento niya at halata sa tono ang kasabikan.


I blinked when Alexius smiled at Alyanna. It was so pure and genuine. Pati ang mata, hindi maitatago na masaya siya sa kung ano man ang narinig. This was the first time I saw him smile like this. His eyes were screaming for fulfillment and contentment.


"Right now, you'll be able to experience that. Just tell me everything you need. By the way, you and Solaire knew each other already, right?" sambit ni Alexius at hinawakan ang bewang ko.


"Oo naman. We're practicing and having vocal trainings together for the past years," sagot ko at tipid na ngumiti.


Alyanna hissed. Parang hindi gusto ang narinig mula sa akin. I gasped from her reaction. What's the meaning of that? Alam kong hindi maayos ang huli naming pag-uusap at kailanman ay hindi kami nagkasundo sa mga bagay-bagay pero sana naman ay hindi siya umakto ng ganito.


"Hmm, is there a problem between you two?" Nagtatakang tanong ni Alexius at palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.


"Ah, wala naman..." Alyanna sarcastically replied. Makahulugan niya akong tiningnan ngunit agad ding bumalik kay Alexius ang kanyang atensyon.


"Siya nga pala, Kuya. Patulong pala ako sa pagbubuhat ng upuan. Inaayos ko na kasi study table ko..." Dugtong niya at tinalikuran na kaming dalawa. But before she totally turned her back at us, hindi nakatakas sa aking paningin ang pag-irap niya sa akin.


Wow.


What the hell is her problem?


"I'll be back. Let's talk later about this. Tulungan ko lang. I already prepared some food in the kitchen. It's all your favorites..." pamamaalam ni Alexius bago tumayo at lumabas ng kwarto.


I nodded and smiled. Nanatili muna ako sa kwarto ilang minuto pero nagdesisyon din kinalaunan na bumaba at kumain nalang ng mga hinanda niyang pagkain para sa akin.


"Huh? Renovation? Para saan?" nagtatakang tanong ko kay Devan. Hindi pa pala siya umalis dahil may pag-uusapan pa pala sila ni Alexius. Maya-maya rin ay darating si Rei dito dahil siya ang architect sa nasabing renovation. Rei is Devan's girlfriend, by the way.


"Well, Alyanna, I mean... Rory. Naliliitan daw sa kwarto niya," he said and shrugged.


Napasinghap ako nang hindi makapaniwala. It's not that I'm against about it. Hindi ko alam, kung ako lang. I just find everything too much. Kasi kaninang kababa ko sa kwarto, madaming boxes at packages ang hindi pa nabubuksan. Sa tingin ko, appliances at furnitures.


Sa first floor naman, sandamakmak na paper bags na naglalaman ng mamahaling damit, alahas at sapatos. Hindi ko napansin kanina dahil sa kasabikan na makita si Alexius pero ngayon? Parang sobra sobra yata ang mga ito? At wala pa namang results, ah? Paano kung hindi naman pala siya si Rory? Anong mangyayari sa mga ito? Oh, wait. I'm not wishing she's not Rory or whatsoever. Ewan ko! Ang hirap i-explain.


"Don't think about it too much. Ako rin noong una, I find it overwhelming but I think she's really Rory. Jael only wants the best for her," wika ni Devan. Marahil nabasa ang naiisip ko habang nakatingin sa mga paper bags.


I don't want to interfere in any of my boyfriend's decision. Oo, hindi niya problema ang pera pero baka pag-awayan lang namin ito. I only sighed and continue my meal. Hanggang ngayon, abala pa rin si Alexius sa pag-aayos ng mga gamit sa kwarto ni Rory.


At hindi ko inaasahan na mas magiging abala pala siya noong dumating si Rei, mga panibagong delivery na pinabili ni Alyanna at paglabas ng DNA results sa mga sumunod na araw.


"I'm sorry..."


"Hmm, for what?" nagtatakang tanong ko kay Alexius habang nakatingin sa kisame.


Magkasama kami sa kwarto at ngayon lang talaga nagkaroon ng oras para pag-usapan ang mga bagay-bagay na hindi namin napag-uusapan sa mga nakaraang araw. Bukas, balik-trabaho na ulit ako.


"For being busy and I couldn't spend much time with you..." he said softly. Napangiti ako nang maramdaman ang haplos niya sa aking ulo. We were about to sleep, but here he is, apologizing for something he doesn't have to. Naiintindihan ko. It is for Rory. It is her sister.


"Huwag mo ngang isipin iyon. Don't mind me, hmm? We could spend time each other kapag nagtugma ulit mga schedule natin. For now, mag-focus ka muna kay Rory. We finally found her!" masaya kong sambit at niyakap siya.


"Yeah, we found her. A-After how many years. I couldn't still believe it..."


I stilled in my place when Alexius' voice broke. Tumagilid ako kaagad para humarap sa kanya. Bumilis ang aking paghinga nang mapansin ang kintab sa kanyang pisngi. I smiled sweetly and touch his cheek. Banayad kong pinalis ang mga luha roon.


"You can give yourself the forgiveness you deserve now. Rory already forgave you. Hindi ba sabi niya, mag-restart kayong dalawa? It means everything is a new beginning," paalala ko at hindi napigilan ang pagpatak rin ng luha sa nasasaksihang pangyayari kanina.


The longing between the two siblings is really heartwarming. Sobrang saya ng lahat para sa kanilang dalawa. I'm very happy for the both of them too. I admired their strength through the years. Kahit hindi kami maayos ni Alyanna, hinahangaan ko pa rin siya dahil hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa kapatid. She said they're only both victims of an unfortunate fate. Ang mahalaga raw, magkasama na sila ngayon.


"Your past... it already burdened you too much. Don't blame yourself anymore. You deserve a peaceful heart. You deserve to heal..."


Pagkatapos kong sabihin iyon, ngumiti siya at mas hinila ako palapit sa kanya para mas mayakap ng buo.


"I don't know what to do if I'm not with you. Thank you for everything, Solaire..." he whispered.


I hope he'll have the happiness he doesn't have to question. Naniniwala ako na darating din siya sa puntong iyon. I'm excited to see the happiest version of himself, not because he has me, his friends, and Rory. He's happy because he finally sets himself free from the chains of his past.


Kinabukasan, ako ang pinakahuling nagising. Although, I'm not yet late for work. Mas maaga lang nagising si Alexius sa akin ng kaunting minuto. Pero parang si Rory ay sobrang aga gumising. Namataan ko siya sa kusina na nag-aayos ng pagkain.


"I was about to wake you up..." ani Alexius nang magkasalubong kami sa hagdanan.


"Rory cooked for us. Let's go?" anyaya niya at masaya akong tumango. Mas lumapad ang aking ngiti nang hawakan niya ang mga kamay ko at sabay kaming naglakad patungo sa dining area.


"Thanks," sambit ko nang ipanghila ako ni Alexius ng upuan. Umupo ako roon at sinundan na lamang ng tingin ang dalawa na naghahanda ng mga pagkain.


"No need, Kuya. Ako na ang bahala rito at umupo ka nalang doon. Hayaan mong pagsilbihan kita, pero ngayon lang ito, ah?" Dinig kong sabi ni Rory na may kasamang tawa nang sinubukan ni Alexius na galawin ang mga pagkain na nasa plato.


Alexius insisted to help her prepare for the table but Rory said she can do it. Walang siyang nagawa kung hindi bumalik sa dining area at okupahin ang upuan sa aking harapan.


"Pagbigyan na, ngayon lang daw ito..." natatawang wika ni Alexius nang makaupo.


Hindi rin nagtagal, bumalik na si Rory sa dining area. Una niyang nilapag ang mga ulam na kanyang niluto. It was Korean-style omelette and garlic pepper beef. They looked great! Nasa dugo rin siguro nila ang pagluluto. Alexius is a good cook too.


"Kain na tayo! Here... this is for you, Kuya." Si Rory at nilapag sa harapan ni Alexius ang kanyang plato kasama ng mga kubyertos.


Natigilan ako at napakurap nang plato naman niya ang inayos sa pwesto. Dalawang plato lang pala ang dala niya. I scoffed and looked at her. Hindi ko inaasahan na nakatingin na siya sa akin gamit ng mga makahulugang mata na tila sinasadya na asarin ako. Okay? I can prepare for my own plate.


Tatayo na sana ako para kumuha ng plato para sa sarili nang unahan ako ni Alexius.


"Let me, baby. Do you also want me to get you chopsticks?" tanong niya kaya umiling ako.


"Spoon and fork will do..." sagot ko dahil alam niya na gustung-gusto kong gumamit ng chopsticks kapag may omelette.


Hindi ako umimik hanggang sa makalayo siya para kumuha ng aking plato. I bit my lip when I saw him observing the two of us from afar. Sa tingin ko, nawe-weirduhan na siya sa aming dalawa. I sighed. Ayaw kong mag-isip siya ng kung anu-ano.


"Alyanna, pwede bang mag-usap tayo?" matigas kong tanong nang makaalis na ang sasakyan ni Alexius. Sabay niya kaming hinatid sa Concordia para sa trabaho.


Akala ko matatapos na ang nangyari kanina sa hapag-kainan pero nagtuluy-tuloy ang ugali niyang ganoon kanina sa paghuhugas ng plato at maging ang pwesto namin sa kotse ay nagawa pang pagtalunan. I don't mind sitting at the backseat. Pero sana hindi nalang siya nagsuplada kaya akala tuloy ni Alexius, magkaaway kaming dalawa!


Kapag sinupladahan pa naman ako, hindi ako nagpapatinag. That's why we had an heated argument a while ago. Sana pala hinayaan ko nalang siya. I don't want Alexius to think that we don't get along. Isa pa iyon sa mga iisipin niya. Ayaw ko nang makadagdag, pero itong si Rory ay hindi nakikisama.


"Tinatawag mo pa rin pala akong Alyanna. Ah, dahil hindi pa naman napapalitan ang pangalan ko kaya wala akong karapatan na tawagin na Rory? Wow, Solaire. Pati ba naman pangalan ko? Huwag kang mag-aalala. Sabi ni Kuya, ilang araw nalang maayos na lahat ng mga ID at dokumento—"


"Wala akong iniisip na ganyan..." giit ko at napapikit sa kawalan ng pasensya. I'm not thinking anything like that. Ni hindi nga iyon sumagi sa isip ko.


She chuckled and shook her head. Napalunok ako nang bumakas ang iritasyon habang nakatingin sa akin. She doesn't really like me. At hindi ko alam kung bakit. Matatanggap ko pa kung kung dahil sa hindi ko pagsagot ng tawag niya. Pero kahit noong una kaming magkita, ganito na niya ako pakitunguhan. Walang nagbago.


"Ano ba talagang problema? Why do you hate me that much? Why are you so eager to misunderstand me whenever you have the chance?" Diretsahan kong tanong.


"Hmm, wala lang?" saad niya at nagkibit balikat.


I gasped at her answer.


"Wala lang?" madiin kong tanong at humigpit ang kapit sa strap ng bag. She's treating me like that just because of that reason?


"Oo, wala lang. Simula noong unang apak mo palang sa Concordia. Ayaw ko na sa iyo..." dagdag niya kaya tumango na lamang ako. Okay, fine. I get it now. Madali naman pala siyang kausap. Diretsahan ang aking tanong, diretsahan din niyang sinagot.


"That's good to hear. Dahil kung may rason ka pala, sisisihin ko lang ang sarili ko. I will constantly think I should've done better. Thank you, hindi na makakadagdag iyan sa mga pagsisisi ko sa buhay," deklara ko at ngumiti sa kanya.


"But like what you said, wala lang. Ibig sabihin, ikaw yung problema. Hindi ako. Pero sana huwag ka nalang umaktong ganito sa harapan ng Kuya mo. Everything is going well, maki-cooperate ka naman at huwag nalang natin siyang bigyan ng iniisip pa—" dugtong ko ngunit hindi na natapos pa dahil tinalikuran na niya ako at nauna nang pumasok sa loob.


Wow, just fucking wow!


Hahakbang na sana ako papasok para sundan siya at ituloy ang sasabihin nang maramdaman ang pag-vibrate ng aking cellphone. I sighed and calm myself. Hindi dapat ako nagpapadala sa emosyon kapag kausap si Rory.


Patuloy kong kinakalma ang sarili habang hinahanap ang cellphone sa loob ng bag. But the emotion I was trying to cease only worsen when I read a message from an unknown number. Mas bumilis ang pintig ng dibdib ko habang paulit-ulit na binabasa ang mensahe.



From: 09267666696


Those sunglasses look good on you. You should wear it often.

Tainted Melodies (Ciudad de Escalante #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon