Phase 36

224 9 0
                                    

Aside from the workload I had from school and on my career, there are so many things bothering me as time passed by. One of them is about my relationship with Rory. Kahit wala siyang partikular na dahilan kung bakit hindi niya gusto ang presensya ko, I didn't stop making an effort to have a good relationship with her. Dapat wala akong pakialam pero iniisip ko para kay Alexius nalang. I don't really want to give him another thing to think about.


And the other one is the mysterious message. It creeped me out to the extent. Alam niya na hindi ko naman palagi ginagamit ang sunglasses na iyon. Akala ko na-wrong send lang noong una pero sa mga sumunod na linggo, nakakuha muli ako ng mensahe galing sa parehong numero.


This time, it wasn't a simple message. May kasama ng larawan ko. And that bothers me... literally a lot. Puro stolen pictures at close-up shot ang iba na hindi naman nakukuha sa magazine o internet.


Those pictures are taken by himself!


Nagsisimula na akong ma-paranoid. I couldn't sleep at night too thinking about it. Sa sobrang pag-o-overthink, umabot na ako sa punto na ayaw ko nang umusbong pa ang career ko. Popularity is really poisonous. Hindi pa ba sapat ang halos araw-araw na pagtapat namin sa camera? Why does someone have to do this? It's making me feel unsafe.


"I think cooking is for me. What do you think, Kuya? Should I really pursue cooking? Hmm, I worked hard for my music passion throughout the years. Sayang kung titigil ako..."


Only few people have my real contact number. Sa pag-alam palang ng number ko, nakakabahala na. Mga kaibigan ko lang, pamilya at mga tao sa Concordia ang alam kong may alam. And I couldn't think who among them gave my phone number to someone. It's impossible. We valued each other's privacy. At alam naman ng karamihan na in a relationship ako.


"You don't have to give up music. I think you can pursue both. Don't limit yourself from the things you can do. Right, Solaire?"


I think I should do something about this. Ilang araw na akong binabagabag nito. Hindi nakakatulong dahil marami akong kailangang gawin at tapusin. This action can be considered as stalking. And stalking is an offense. It is a crime.


"Tsk, of course sasabihin ni Solaire na sumuko nalang ako sa musika. Hindi naman talaga ako makakapantay sa level niya. It's impossible to have a recognition like what she's having at this moment. Pati international artists, gusto na rin siya maka-collab..."


Tila nabura ang mga iniisip ko nang pumagitna ang boses ni Rory. Nangibabaw ang kalituhan at iritasyon sa akin. Pinilit ko munang kumalma at pinoproseso ang mga nangyayari. Oh, we are here at the kitchen. Free day ko kaya inanyayahan ako ni Alexius ni pumunta sa bahay nila.


He said, Rory prepared something for us. Kaya may saffron risotto at ravioli sa hapag-kainan. I heard she's taking culinary classes now. Gustong patikman ang mga bagong natutunan na pagkain at iyon ang naging usapan. Kaya paano napunta roon ang topic? Why is she making me bad in front of Alexius?


"Wala akong iniisip na ganyan. Huwag kang mag-imbento. And the progress in my career will not hinder yours. Tama ang Kuya mo, you can pursue both," I said coldly and paid a glance at Alexius who's staring quietly at us.


Alam ko na ang pumapasok sa utak niya. That's why, I'm sorry. Hindi ko na nagawa pang magpanggap dahil naiinis talaga ako. Ilang buwan na rin akong nagtitiis sa ganito. It's your sister, I know. But sometimes, I couldn't just pretend it's fine. Lalo na't madami akong iniisip ngayon at huwag na siya makisali pa.


Marahil naramdaman na rin ni Rory ang pagkainis ko kaya iniba niya ang usapan. Nanatili akong tahimik. My mood suddenly stirred up. Parang gusto kong sumigaw sa inis pero mas gusto kong manahimik nalang dahil mapapagod lang ako. Also, I felt something wrong in my body. Parang nahihilo ako sa hindi malamang dahilan.


"So, how's the food? It's good, right?"


I blinked when Alexius asked that. Sa akin siya nakatingin. He's trying to involve me in the conversation. Napatuwid ako sa pagkakaupo at dinapuan ng tingin ang mga pagkain na hinanda ni Rory. Nalunod na naman pala ako sa iniisip magmula kanina at wala pa ni isang natitikman.


"Aish, kung ayaw mo sa mga hinanda ko, pwede mo namang sabihin," pagsusuplada muli ni Rory at sumimangot.


I only sighed at her immaturity.


"It's not like that, Rory. Solaire loves Italian cuisine," sambit ni Alexius at nilapit sa akin ang kutsara at tinidor. "Give it a try, baby. Trust me, they all taste good..." he added and smiled at me. Hindi ako ngumiti pabalik at walang ganang dinampot ang mga kubyertos.


I decided to taste the ravioli first. Ngunit hindi ko pa lubusang nailalapit nang maasiwa ako sa amoy ng tomato sauce. It was so strong and intense. Naubo ako at parang bumaligtad ang sikmura. Hindi ko nakontrol ang naging reaksyon ng aking pandama at katawan. There's something about the smell of heavily flavoured sauce.


"Air! Are you alright?" Nag-aalalang tanong ni Alexius habang hinahaplos ang aking likuran.


Hindi ko alam kung paano siya agad nakalapit sa akin. I shook my head as a response. Hindi ako makapagsalita dahil takip ko ang aking bibig. Naduduwal ako. Gusto kong magsuka. The ravioli looks good but the smell of it? It disgusts me for no reason.


"C-Cr lang ako..." Nahihirapan kong sambit habang pigil na pigil ang pagpapakawala ng kung ano mang nasa loob ng aking tiyan. Am I having an indigestion? I only had veggies in my breakfast. I didn't have any protein at this day.



From: 09267666696


Sent a photo.



"Solaire, can you tell me what's going on? Rory keeps saying I should ask you. Can we please talk about it? You two are always like that for months now..."


Nanubig ang mga mata ko nang buksan ang bagong mensahe na natanggap. It was a photo of me again taken by the unknown person. I am at parking lot of Concordia. Nakatayo ako sa tabi ng aking sasakyan. It was captured this morning. Kung anong suot ko sa picture, iyon ang suot ko ngayon.


Fuck, this is not good!


"Solaire, are you listening?" Namomroblemang tanong ni Alexius at hinawakan ang cellphone ko.


I panicked when he hold my phone. Akala ko kukunin niya at titingnan kung anong pinagkakaabalahan ko ngunit ibinaba niya lamang ito sa aking hita. I don't want him to know about this yet.


"S-Sorry, ano nga ulit iyon?" namamaos kong tanong na nakapagpakunot sa kanyang noo. Imbes na sagutin ako, inangat niya lamang ang kanyang kamay para idampi sa aking leeg.


"You're sick! Jesus, why aren't you telling me?" He uttered worriedly and stopped the car.


Sakto na nasa tapat kami ng drugstore. Hinawakan ko rin ang aking leeg at noo para ma-check ang temperatura. Hindi naman gaanong mainit pero parang lalagnatin yata ako. Kaya ba kanina pa masama ang pakiramdam ko?


"I'll tell your manager about this. You should take some rest. Wait me, here. I'll buy you medicines..." aniya.


Hindi na ako nakatutol para sabihin na maayos lang ako at hindi na kailangan lumiban sa trabaho nang bumaba na siya ng sasakyan. I sighed and rest my head against the window. Doon ko mas lalong naramdaman ang bigat ng aking ulo. Habang nakapikit nanumbalik muli ang aking pagiging emosyonal.


Consequently, I just found myself crying silently while waiting for Alexius. Hindi ko na alam kung anong ang pinakadahilan kung bakit ako umiiyak ngayon. Dahil ba lalaganatin lang ako? O dahil lang sa pagod? O baka dahil sa sagutan namin ni Rory kanina? Nakokonsensya ako kahit papa'no. I didn't mean to feel disgusted at her dish.


Nakakahiya at sa harapan pa kami ni Alexius nag-away. Iyon ang pinakamalalang sagutan na nangyari sa pagitan naming dalawa. O baka sa putanginang stalker na ito? It's making me terrified already. Hindi ko alam kung anong dapat gawin.


I badly want to tell Alexius about it. Pero sa mga nangyayari lately, baka makadagdag pa ako. He's already busy with their businesses, Rory, his modeling career, and his graduating student na siya. He has a lot of responsibilities to take care of.


"Ano ka ba, Solaire. Kinausap na kami ni Jael. Huwag mo nang isipin pa at pwede naman i-move ang practice para sa Asian tour mo. For now, take a rest and kami na ang bahala rito, ha?"


Nagpakawala ako ng hininga sa sinabi ni Jessie. Hindi ko inaasahan na agad silang kakausapin ni Alexius. A one day rest is enough. Pero binigyan ako ng tatlong araw na pahinga. Hindi na muna ako nagreklamo at aabalahin ang sarili sa iba pang gawain na kailangan gawin.


"Sige, thank you Jessie. Sorry sa abala. Bawi ako sa practice."


"Sure! No problem, Solaire. At anong abala? Walang abala abala sa superstar ng Concordia!" pagbibiro niya na tinawanan ko na lamang.


Hindi ko na pinatagal ang tawag dahil pumagitna ang pagkatok ni Ate Solana sa aking pintuan. I thought she's going to say something important. Kailangan ko nang magpahinga. Mabuti naman at ipinapasok niya lang sa kwarto ko ang mga pinadalang packages mula sa mga iba't-ibang brand at may iba rin na galing sa mga fans.


"So how's Jael's evil sister? Hanggang ngayon ganyan pa rin ba?" tanong ni Ate habang chinecheck ang mga packages. May iba palang package na nadala ni manang sa aking kwarto na dapat sa kanya.


"Yeah. Nagkasagutan kami kanina. It was the worst," Pagkukwento ko at umupo sa aking kama. Bukod kina Ranti, si Ate Solana ang napagsasabihan ko tungkol doon. Dahil kung pati ang bagay na iyon ay kikimkimin ko, I don't know what will happen. Baka mabaliw ako.


"And Rory has a name, Ate. Don't call her like that," paalala ko kahit sobrang nakakairita siya. She's still Alexius' sister after all.


"Tsk. Whatever," she hissed and rolled her eyes. Natawa na lamang ako at pinanood siyang magsort-out ng mga packages. May mga brands kasi na kailangan niyang bigyan ng review sa YouTube channel at i-promote sa Instagram.


"Oh, this is cute! Para sayo yata 'to, Air. Alam ng mga supporters ko na may allergy ako sa mga ganito..." ani muli ni Ate at ipinatong sa aking dressing table ang isang regular size na teddy bear.


My breathing became rigged and passive when I observed the stuffed toy. Kusa na lamang pumasok sa utak ko ang mga napapanood sa pelikula at drama. Extreme nervousness surge within me. Hindi na ako nagdalawang isip pa na kuhanin ang teddy bear at dinampot ang gunting sa gilid.


"Solaire! What are you doing?!" Gulantang na tanong ni Ate Solana. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang pinapanood akong sinisira ang teddy bear na iyon. I felt something weird about this toy! There's something demonic from its presence. I don't find it cute.


Nakahinga ako nang maluwag nang mabuksan ng tuluyan ang stuffed toy at walang nakitang hidden camera o device. Pagkatapos, inipon kong muli ang mga nagkalat na laman ng teddy bear. Wala ako ni isang tinira sa mga parte at lahat ay tinapon ko sa basurahan. It's better to be safe.


"Solaire, what the fuck is that? It's from your fan! Handmade iyon," naguguluhang saad ni Ate at ipinakita sa akin ang handwritten letter na kasama ng Teddy bear.


It was from my fan. A teenage girl, in specific.


My knees weakened from what I read in the letter. Project nila sa school at ilang linggo pinagtrabahuhan. Nanlalabo ang aking paningin habang nakatitig sa basurahan kung saan ko tinapon ang teddy bear. It is an innocent stuffed toy. Napaupo ako sa kama at napatakip na lamang sa mukha para pigilan ang paghikbi.


Why did I even do that? Damn it!

Tainted Melodies (Ciudad de Escalante #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon