"One year?! Are you serious, Solaire? A one-year break amid your growing success? Nandito na tayo. Kakagawa mo palang ng pangalan sa industriya. This is too risky. Maaaring wala ka ng balikan pagkatapos ng isang taon..." Hindi makapaniwalang wika ni Jessie at napaupo sa swivel chair.
"Solaire... You should think about this. Pwede naman na isang buwan kung masyado ka nang napapagod. Or three months! I'll give you three months..." Si Tina at hinawakan ang mga kamay ko.
"Sorry po, buo na ang desisyon ko. I know I might lose everything after this. Pinaghandaan ko na and it's fine with me—"
"But it's not fine with us! Ano na naman itong pakulo mo, Solaire? Oo, malaki ang naitulong mo sa Conchordia. At nakakairitang aminin na dahil sa'yo nagkaroon ako ng opportunity at ang iba na ma-discover. So para saan ang break? Ang ayos ng career mo. Idadamay mo pa ang amin," singit naman ni Rory.
Damn it. Why does she have to take everything personally?
"Alyanna, lumabas ka muna. Kakausapin lang namin si Solaire..." Ani Tina na labis ang pamomroblema sa desisyon ko. Rory hissed. Nagdadabog siyang naglakad palayo at malakas pang sinarado ang pintuan.
"Air, I can't accept this. I'll support your decision if it's good for yourself. Pero tama si Alyanna, ikaw ang nagdadala ng Conchordia. Madami ring maapektuhan na projects, schedule at iyong Asian Tour mo? We can't cancel it, right? Iyon ang nilaban natin simula pa noong una..."
I pressed my lips into a thin line.
My baby is my priority...
Makasarili na kung makasarili pero hindi ko na dapat ba pasanin ang Conchordia kahit dito ako nangarap at nag-improve. I'm willing to give up my success for my baby. Silang dalawa ni Alexius ang importante sa lahat.
"I'm sorry, Ma'am Tina and Jess. Thank you po sa lahat. Thank you sa pagtitiwala sa makakaya kong marating. Pero buo na talaga ang decision ko. I hope you understand. May mas mahalagang bagay akong kailangan unahin kaysa sa career," I declared and bowed my head.
Hinintay kong may sabihin sina Tina at Jessie pero nanatili silang tahimik. Tila hindi pa nainiwala or pinoproseso ang gusto kong mangyari sa takbo ng career ko. I'll stop for the meantime. Kailangan kong mag-focus sa pagbubuntis.
Gusto kong ingatan ang sarili ko at huwag muna magpapagod. I need to prepare myself, mentally and physically. I want to become a deserving mother to my child. Bukas na bukas din ay aasikasuhin ko na ang mga check-up ko at diet. I'll ask Alexius to come with me in an OB-Gyne.
"I'll get going. Thank you po ulit sa lahat..." I said before I turned my back.
You know when you're decision is right when you're heart is not getting heavy. Sobrang nanghihinayang ako na talikuran muna ito pansamantala pero mas nangingibabaw sa akin ang anumang haharapin na responsibilidad kapag nanay na ako. Parang iyon nalang ang mahalaga sa akin ngayon.
Alexius' excitement is contagious. I'm still scared, and my mind was clouded with many doubts, but knowing he's here with me, I know everything will be all right. Siguro ngayon, papuntahin ko muna siya sa bahay para makausap nina Mommy and Daddy. I'll tell everyone too that I'm deciding to continue the pregnancy.
"So, totoo nga? Talagang desidido ka na sa one-year break?"
I sighed and looked boredly at Rory. Siya ang sumalubong sa akin kalabas ko ng office ni Tina. Buti naman hindi pa sinabi ni Alexius sa kanya na magkakaanak na kami. Dahil baka ipagkalat niya iyon sa lahat. It's not that I'm ashamed about my situation. I really want to keep everything private for now. My mental health is still fragile. Hindi pa ako lubusang nakaahon sa mga issues. Ayaw ko munang dagdagan ang mga pasakit sa ulo.
"Rory, malalaman mo rin bakit. And if you knew, I'm sure you'll be happy and you'll support me with my decision," giit ko at akmang aalis na nang marahas niyang hilahin ang aking braso para paharapin muli sa kanya.
"Ako? I'll support you? Bakit naman? Eh, sinisira mo na nga ang mga pangarap naming mga nasa Conchordia! Sa'yo na nga napunta lahat ng budget para sa Asian Tour mo tapos hindi naman pala itutuloy. Dapat sana nailaan nalang sa aming mga artist dito!" she spat angrily.
I scoffed in her remarks. Isa ba 'yan sa mga dahilan kung bakit ayaw niya sa akin? Dahil parang nagbibida-bida ako at nasasapawan siya? I calmed myself. Napansin ko rin na nakuha namin ang atensyon ng mga ibang artist. Kung papatulan at papantayan ko ang init ng ulo niya, walang mangyayaring maganda.
"Rory, pwede huwag tayong gumawa ng eksena rito? Let's talk about it outside—" kalmado kong pakiusap at hinawakan ang kamay niya para maigiya palabas ngunit hindi pa naman ako lubusang nakalapit nang itulak na niya ako.
Nawalan ako ng balanse at hindi agad nakakuha ng suporta sa malapit na mesa.
"Solaire!" Janella screamed in worries. Napatayo siya sa kinauupuan at tumakbo patungo sa aking direksyon. Halos malukot ang mukha ko sa pagbagsak ng pwetan sa sahig. Rory became violent! Hindi na tama ito. Namimisikal na siya!
"Okay ka lang? Hawak ka rito sa akin," si Janella at yumuko para maabot ako.
"Ano ba naman 'yan, Alyanna. Kailan ka ba magbabago, ha? Nananakit ka na. Tingnan mo ang ginawa mo kay— shit, Solaire! Nasugatan ka ba?" natatarantang saad ni Janella at may tinuro sa aking hita.
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita ang pulang likido sa gitna ng mga hita ko! Hindi ako nakapag-isip ng mabuti at binalutan ng takot at pag-aalala. Medyo malakas ang pagkakabagsak ko sa sahig. Nothing serious will happen, right?
Fuck.
My...
My baby!
Damn it!
"Anong nangyayari? Ang O.A. mo naman! Tumayo ka na nga riyan," Asik ni Rory nang makita akong umiiyak habang hawak ang aking tiyan.
"Rory, b-buntis ako..." I cried. Nanginginig na ang aking buong katawan sa pangamba. Nang marinig ni Rory ang sinabi ko, namutla siya at napaawang ang bibig habang pinagmamasdan ang dugo sa aking hita.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa na pakiusapan si Janella na ipag-drive ako para dalhin sa ospital. I need to check if my baby is fine. Sa buong biyahe, umiiyak lamang ako at hindi maikalma ang sarili. Hindi ako makapag-isip ng tama at hindi na rin makahinga ng maayos.
Sumama si Rory sa pagdala sa akin sa ospital. Ang tanging naalala ko bago mawalan ng malay ay ang paghingi niya ng patawad nang paulit-ulit. When I woke up, it feels deja vu. Nasa loob muli ako ng isang pribadong kwarto ng ospital at hindi ko alam kung anong oras na.
Ang kaibahan lang, noong nakaraan ay si Alexius ang nadatnan ko pero ngayon ay si Rory na umiiyak. Tumayo siya agad at nag-aalalang lumapit sa akin nang makita akong umupo sa kama.
"Solaire! I'm so sorry... H-Hindi ko alam. Sorry..." she cried and held my hand. My lips parted when I felt how cold her hands were. She's shivering too.
"H-How's my baby? Anong sabi ng doktor? Maayos lang ba?" sunud-sunod kong tanong at hinaplos ang aking tiyan. Wala namang masakit sa akin kaya siguradong maayos lang ang lahat. Nag-panic lang talaga ako kanina.
Natigilan si Rory sa aking mga tanong. Magsasalita na sana nang unahan siya ng tunog nang pagbukas ng pintuan. Nanuyo ang lalamunan ko nang mamataan ang matigas at galit na mukha ni Alexius na naglalakad papunta sa amin.
"Alexius. Nakausap mo ba ang doktor? What did he say? Ang baby natin... kumusta—"
Alexius snickered bitterly.
"You have no right to ask like that if you're planning to kill our kid, Solaire!" he thunderously said.
Napapikit ako sa kanyang galit na boses. Pagkatapos, hinagis niya sa aking kama ang mga dokumento para sa abortion sana na gagawin. My lips parted. Where did he get this? Pinakialaman niya ang mga gamit ko sa kotse?
"Tangina. Itutuloy mo talaga, huh? Are you that eager to get rid of our child? My child?! You don't even have the plan to tell me?!" sigaw niyang muli.
Mabilis akong umiling habang salo ang mga luha na nagsisimula na namang mag-unahan. Mali... Mali ang naiisip mo.
"It's not like that. P-Please, believe me. Nagbago ang isip ko. I regret thinking about it! I love our baby so much. I realized I can't do it..." I wept.
Pinagsisihan ko na naisipan ko iyon noong una. Natakot ako. Pero hindi ko pala kayang gawin. Hindi ko magagawa iyon. I'm choosing to keep it. Pinag-isipan ko nang maayos. I'm willing to sacrifice everything now.
"Love? You love our baby? If you love him you'll not fucking think about killing him! At ngayon siguro, masaya ka na. It's gone! Our baby is gone, Solaire! Hindi mo na kailangang mag-effort pa. Putangina!"
Nanikip ang dibdib ko nang mapaupo si Alexius sa aking kama dahil sa panghihina. Seconds have passed and all I can hear was his painful sobs. Nakayuko siya at takip ang mukha gamit ng dalawang kamay. Nanginginig din ang mga iyon. My breathing hitched. My heart constricted in pain when I process what he just said.
Our baby...
Our baby is gone?
"Paano... Paano nangyari? Hindi iyan totoo! I'm fine! Walang masakit sa akin. Hindi naman ako nasaktan sa pagbagsak ko kanina..." Umiiyak kong pahayag sa pagkalito. It's not true. My baby is still here! Anong mawawala? Bakit mangyayari iyon? I can feel it! Nandito siya.
"How did it happened? Because you're careless and selfish! Ano pa bang aasahan ko sa'yo? You didn't even consider my feelings and decisions. You only think about yourself!" aniya at punung-puno ng dismaya ang kanyang mata habang nakatitig sa akin.
My lips trembled from my cries. Bawat salita mula sa kanya parang sinasaksak ako nang ilang beses. At hindi ko na pa kayang ipaliwanag ang sakit na nababasa sa kanyang mata. They're different kind of pain. It is intolerable. Na kahit walang bigkasin, at sa paraan palang kung paano niya ako titigan ay mas nakakadurog.
His dark and intense eyes told me he regretted loving a woman like me. He's questioning himself so much why a woman like me became his girlfriend for more than three years.
"C-Careless? Selfish? Why don't you ask your sister, huh?! Kung hindi niya ako sinaktan... hindi mangyayari ito!" I said and glared at Rory who's also crying. Hindi ko kasalanan ang lahat. I didn't kill our baby.
I should defend myself atleast. Ngunit kahit anong pagpapaliwanag ko hindi naman niya tatanggapin. Hindi naman siya maniniwala na nagbago ang isip ko at gusto nang ituloy ang pagbubuntis. He'll not fucking believe everything I'm saying because he doesn't trust me anymore!
"Don't fucking put the blame on my sister or to anyone, Solaire! Ayaw mo talaga sa anak natin simula pa noong una. The accident happened today has nothing to do with it. Our baby died a week ago!" aniya at tumayo.
Panibagong luha ang dumaloy sa magkabilang pisngi ko. Our baby d-died a week ago? Ano'ng ibig sabihin no'n? Why would my baby die?! Hindi dahil sa nangyari ngayon?
Then...
My baby is gone because of me?
Is it my fault?
BINABASA MO ANG
Tainted Melodies (Ciudad de Escalante #5)
Genç Kurgu𝐂𝐢𝐮𝐝𝐚𝐝 𝐝𝐞 𝐄𝐬𝐜𝐚𝐥𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟓/𝟖 𝗦𝘂𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀 𝗶𝘀 𝗴𝘂𝗮𝗿𝗮𝗻𝘁𝗲𝗲𝗱 𝗶𝗳 𝗼𝗻𝗹𝘆 𝗦𝗼𝗹𝗮𝗶𝗿𝗲 𝗙𝗲𝗿𝗴𝘂𝘀𝗼𝗻 𝗱𝗼𝗲𝘀𝗻'𝘁 𝗵𝗮𝘃𝗲 𝗮 𝗰𝘆𝗻𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗮𝗳𝗳𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗳𝗹𝗶𝗿𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝘂𝘀 𝗹𝗲𝗮𝗱...