Mga kilalang tao at personalidad sa Ciudad De Escalante ang namumukhaan ko nang makarating sa Pavillion. Karating ko kanina, kilala na agad ako ng moderator sa entrance at sinabihan na maghanda na sa dressing room para sa aming mga naimbitahang magpe-perform ngayong gabi.
If you're wondering why am I here, Marahuyo just called me yesterday. She convinced me not to leave the band. Sabi niya, nakausap na raw niya sina Aubrey kaya wala na dapat akong ipagaalala sa pagpasok ko sa Pavillion kahit eighteen palang ako.
I don't know what to feel. I was excited, anxious and really happy. May mga talent managers mula sa iba't-ibang company ang narito kaya mas dumagdag ang kaba ko. And of course, I'm nervous to meet my bandmates again.
Kahit hindi ako nag-practice kasama nila, natugtog na rin namin noon ang ipapakita ngayong iba. Red by Taylor Swift is our best performance. As well as Little Mix's songs and Marahuyo's mashups.
"Solaire? What are you doing here? Hindi ba umalis ka na sa banda?"
May kung anong bigat ang tumama sa dibdib ko nang sabihin iyon ni Carly. Siya ang unang nakakita sa akin na kapapasok lang sa dressing room. May mga make-up artist din na narito at stylist para sa susuotin nilang apat ngayong gabi.
Bumaling din sa aking direksyon sina Aubrey at Sydney na inaayusan ngayon ang buhok. Habang si Iori naman ay nakapikit dahil nilalagyan ng eyeshadow. Marahuyo will not be here because she's busy for her upcoming CVX Project audition.
"Ah, nagpatulong ka kay Phoenix para makapasok dito 'no?" Aubrey ironically uttered.
I gasped.
Anong sinasabi niya? Why they seemed surprised that I'm here? Hindi ba babalik na ako sa banda at sama-samang magpe-perform ngayon? Marahuyo told me everything is fine. Dumapo ang paningin ko sa mga damit na nakahanda. Bakit apat lang ang denim jacket na nakasabit? It has Counterclockwise printed at the back and the names of the members.
I didn't see my name.
Wala ako?
"Kuya Phoenix doesn't even had an idea I'm here..." mahinang saad ko at napahigpit ang hawak sa strap ng aking gitara na dala-dala sa aking likuran. Leftover is a special guest for tonight too. It was Kuya Phoenix's band.
I bit my lip when Sydney chuckled.
"So bakit ka nandito? Paano ka nakapasok?"
I gulped, still confused about what was happening.
"I know I've been rude the last time we talk, but I miss performing with all of you..." sambit ko bilang panimula. I should apologize and ask for a chance if we can bring back whatever we had. Napangunahan ako ng emosyon kaya nasabi ko ang mga bagay na 'yon.
"Well, sorry to say... we are good, and we didn't miss you that much."
Bumagsak ang balikat ko sa sinabi ni Aubrey. I stilled from where I'm standing. Pinigilan kong hindi panghinaan pero hindi ko nagawa. Hearing that statement from her and others didn't even deny that they didn't miss me, it was insanely painful. Words couldn't express it. Ayos lang talaga na wala na ako? That my part as a band member is done? Ayos lang na hindi na nila ako kasama para magpapatuloy?
"But still, we started Counterclockwise altogether. Kung para sa inyo madaling itapon iyon, sa akin hindi —"
"Ma'am Solaire Calliope Ferguson?"
My speech was cut-off when a refined and feminine voice spoke behind me. Napalunok ako nang makita ang isa sa mga moderator ng event. Parehas sila ng uniform ng lalaking nagpapasok sa akin kanina. Napatingin din sa kanya sina Aubrey.
BINABASA MO ANG
Tainted Melodies (Ciudad de Escalante #5)
Teen Fiction𝐂𝐢𝐮𝐝𝐚𝐝 𝐝𝐞 𝐄𝐬𝐜𝐚𝐥𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟓/𝟖 𝗦𝘂𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀 𝗶𝘀 𝗴𝘂𝗮𝗿𝗮𝗻𝘁𝗲𝗲𝗱 𝗶𝗳 𝗼𝗻𝗹𝘆 𝗦𝗼𝗹𝗮𝗶𝗿𝗲 𝗙𝗲𝗿𝗴𝘂𝘀𝗼𝗻 𝗱𝗼𝗲𝘀𝗻'𝘁 𝗵𝗮𝘃𝗲 𝗮 𝗰𝘆𝗻𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗮𝗳𝗳𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗳𝗹𝗶𝗿𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝘂𝘀 𝗹𝗲𝗮𝗱...