Devan told me everything. There's really a huge possibility that Alyanna is Rory. Buti nalang talaga nagsabi siya, dahil kung hindi, halos isang linggo pala akong nag-iisip. As expected, my boyfriend isn't giving me any clue or updates. Hindi ko alam kung dahil busy ba siya at baka nga may kailangan asikasuhin pa na mas importante kaysa sa pagsasabi sa akin ng lahat.
It sucks, huh? Because he knew I'd understand at the end of the day.
"I hope he's not the jealous type..."
Natigilan ako sa pag-iisip ng kung anu-ano nang may magsalita sa aking tabi. Sa kamay palang na pumatong sa mesa, at sa mabangong amoy na walang kahirap-hirap na sumakop sa ilong ko, alam ko na agad kung sino iyon. I bit the inside of my cheek when he occupied the seat beside me.
"Uh, sorry. Ano ulit iyon?" I asked.
Hindi ko gaanong nahinuha ang sinabi niya kanina dahil lumilipad na naman ang utak ko. Damn, I should focus! I shouldn't let this worries distract me. Mamaya, magsisimula na ang trabaho. Ayaw kong pumalpak dahil istrikto ang direktor.
Haze clicked his tongue, and a boyish smile plastered on his lips. I chuckled awkwardly, can't still comprehend why he was smiling. Tapos, humalakhak din siya at sumandal sa upuan.
"I mean, he's not the jealous type, I guess?" mapaglaro niyang wika.
I blinked when his deep stare didn't waver until he looked away for a second. Pero bumalik sa akin ang kanyang atensyon kaya napakurap muli ako sa intensidad ng kanyang mga mata. His eyes... are so expressive and intimidating. That's all I can say.
"Jealous type... Hmm, my boyfriend?" I stupidly asked. Alam kong iyon ang tinutukoy niya pero para sigurado, wala naman masama kung itanong ko iyon bilang kumpirmasyon.
He laughed cutely. "Yeah..."
Ngumiti ako at umiling. Hindi naman talaga seloso si Alexius. Ako rin naman, kaya hindi namin nagiging away ang selosan sa tatlong taon naming magkasama. Sometimes, we couldn't control it but the issue will cease eventually.
"That's good to know," aniya at huminga nang malalim na parang napanatag. Natawa ako dahil alam kong kabado siya sa shoot mamaya. Wala namang kissing scene but there's a lot of skinship like neck kisses and back hugs. Iyon lang naman at wala na masyado pa.
"Hmm, how about your girlfriend? Is she a jealous type?" pagbabalik ko sa tanong.
He raised a brow and chuckled hoarsely. Pinilig ko ang aking ulo sa pagtataka. Mali ba ang tanong ko? Of course, he has a girlfriend. Sa Ridgeview palang, madami nang pumipila sa kanya. And the way he write his music? He looked inspired.
"I can't have a girlfriend. It's written on our contract."
My lips parted.
Oh, I didn't know that.
"Solaire, Haze. Be ready in ten minutes..." pagpapagitna ni Pauline sa pag-uusap naming dalawa. She's the head of the crew.
Tumango ako at tumayo na sa aking kinauupuan para i-check muli ang sarili sa full-length mirror. For my first outfit, I'm wearing a crochet bralette top and a black denim shorts. Ang scene ay kukuhanin habang paakyat kami mamaya sa chocolate hill. Pray for my feet, then.
"Goodluck to us. Let's not be awkward after this," Haze uttered behind me. I smiled to give him assurance that I will not. This is work. Tumayo na rin siya at sinabihan ko rin na goodluck sa aming dalawa para sa mga eksena mamaya.
Pagkatapos tingnan ang sarili sa salamin, dinampot ko naman ang cellphone ko para i-check kung may reply ba kahit papa'no. I snickered in disbelief when I saw nothing. Still, my boyfriend isn't responding for three fucking days! Maging ang message ko noong nakaraan tungkol sa script, hindi man niya na-seen. Okay, fine. I'll take that as a yes. Trabaho ko rin naman ito, basta nagpaalam ako.
Kahit naiirita, pinili ko pa ring magtipa ng mensahe na magsisimula na ang shoot. I was on my way on the location when someone bumped my shoulder. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang likido sa aking katawan. Medyo may kalakasan ang pagkakabunggo ngunit hindi naman ako nasaktan. But I should worry more to the person I bumped into. Nahulog ang mga props at kahon na bitbit niya.
"Ulysses! Oh, God! What did you do?!" natatarantang sigaw ni Pauline na agad nakalapit sa aming dalawa. Napalunok ako nang bumalot ang kaba sa mukha nang nakabangga ko at lumuhod para ayusin ang mga gamit na nahulog.
"Solaire, are you fine? Kailangan mong magpalit agad. I'm sorry," Pauline muttered softly and tried to wiped the stains on my shirt and body. Props ito para sa pekeng putik mamaya.
"Ayos lang po. Magpapalit na lang ako," I assured and bored my attention at the production crew. Pauline called him Ulysses.
"Hmm, sorry. Ayos ka lang?" nag-aalala kong tanong at yumuko para tulungan siyang pulutin ang mga props na nagkalat sa paligid. It's my fault. Madami siyang bitbit kaya hindi na ako napansin na paparating. Habang ako naman ay nakapokus sa cellphone.
"Ayos lang..." Ulysses whispered shyly.
Ngumiti ako ng tipid nang mag-angat siya ng ulo. Ngunit napawi ang aking ngiti at napahinto sa pagpupulot ng mga props nang may maramdaman na kakaiba sa kanyang mata. From my face, his eyes went lower and lower. I automatically shivered from his weird gaze.
"Solaire, sige na. Kami nalang bahala rito. Magpalit ka na, hmm?" Ani ni Pauline at tinulungan akong makatayo.
Mabagal akong tumango at wala sa sariling naglakad patungo sa aking dressing room. Nang makarating na sa tapat ng pintuan, kinagat ko ang aking labi at binalik ang mata sa pwesto kung saan nagkalat ang mga props. But I regret bringing back my vision to them, nagtagpo muli ang mata namin ni Ulysses. I immediately looked away because I couldn't take his sheepish stares.
"There's really something in his stares. I couldn't fucking concentrate. Buti na lang last day na namin na kasama ang production team nila —"
I stopped mumbling my frustrations when I heard Alexius' chuckles. Akala ko aabot talaga ng isang linggo ang hindi namin pag-uusap. Gladly, he called on my sixth day of filming to update me. Iyon ang pinag-usapan namin kanina.
After Sister Aimee's burial, he approached Alyanna and they talked about their relationship with each other. Hindi ko alam kung naging maayos ba ang daloy ng usapan nila dahil agad niyang pinutol ang topic.
Sa tingin ko, hindi. Dahil masaya dapat siya ngayon kung maganda ang kinalabasan.
"Why are you laughing? Do you think it's funny?" I ridiculed.
I'm venting out my frustrations about that Ulysses guy. Tapos tatawa siya? I'm starting to feel unsafe, here, alright? Sanay akong titigan, pagmasdan at panoorin ng mga tao pero alam ko kung kailan may kakaiba o hindi. His eyes are full of malice! Damn it!
"Nothing. I just find it ironic," aniya at tumawa nang mapakla. I scoffed. Irritation flooded my veins which made the grip on my phone tighten.
"Ironic, what?" matigas kong tanong.
"You're reacting like that in a simple stare, Solaire. But the neck kisses you had from that bastard didn't made you uncomfortable. Mas malala nga iyon?" utas niya kaya napaawang ang bibig ko.
"Wow..." Tanging nasabi ko sa pagkawindang. Is there something wrong if I'm reacting like this? Since when did he invalidated my feelings? I couldn't believe him. At tinawag niya pang bastard si Haze.
"You know, what? If you're having a bad day again, pwede huwag mong ibuntong sa akin. I'm already tired, and our conversation should somehow lessen it pero mas napapagod lang ako," I stated as a matter of fact.
"Tired? We haven't talked in a span of six days, and I'm making you feel tired? It's my fault now?" pangangatwiran niya.
Napapikit ako sa kawalan ng pasensya. I sighed heavily and massaged my temple. Sumasakit ang ulo ko sa lahat nang nangyayari. Hindi ko rin alam kung magpapaliwanag pa ba.
Basta nakakapagod! Gusto ko na lamang matulog ngayon dahil madaling-araw na. Kailangan ko pang gumising ng alas-kwatro bukas. Apat na oras na lamang ang tulog na mayroon ako pero sa tingin ko, hindi pa ako papatulugin nitong pagtatalo naming dalawa.
"I think, we should talk tomorrow..." I suggested. Parehas kaming pagod at wala sa mood. Hindi na kami nagkakaintindihan kaya mas mabuting huwag na muna mag-usap dahil baka lumala lang. We can about this again in some other time.
"Yeah, tomorrow. So you'll have enough time to think for an excuse, huh?" sambit niyang muli na nakapagpaalis sa akin sa pagkakahiga. What did he say? Anong pinagsasabi na naman niyang excuse? Excuse saan?
"What the hell are you saying?" naiinis kong tanong at pinapakalma ang sarili.
What the heck is his problem now? Hindi ba dapat siya ang humihingi ng pasensya ngayon dahil ilang araw hindi nagrereply at tumatawag? Bakit parang may kasalanan ko? Anong ginawa ko? Ako na nga ang halos mukhang tanga na naghihintay kung may pakialam pa ba siya sa akin o wala.
"The script, Solaire. You agreed with that?" naiinis niya ring pahayag na parang hindi nagustuhan iyon. Ah, it's all about the music video now. Siguro nakita na niya ngayon.
"May rason ba kung hindi ako papayag?" I fired.
"You have a boyfriend, incase you forgot. Isn't enough reason?" Alexius frustratingly mumbled. Tila ba nagsisimula na rin siyang mairita talaga. Wow, siya pa talaga ang naiirita? Ang galing! Tangina.
"At may girlfriend ka rin, ha? Baka nakakalimot ka na rin, eh," panunumbat ko. Hindi ako kailanman nagreklamo pero iba na kasi ngayon. Kung dati, isa o dalawang araw lang. Ngayon, tangina? Anim na araw? Ni isa wala akong balita sa kanya?
"Why would I forget about that, huh? I didn't act like I was not in a relationship. Unlike you."
Napasinghap ako at mas nanggigigil sa narinig. Nais na lamang ibato ang cellphone. He didn't get what I mean?! At ako pa ang umaastang walang kasintahan sa aming dalawa ngayon?!
"Six fucking days, Alexius. Hindi isa o dalawa. Anim na araw ka lang namang hindi sumasagot sa mga text at tawag ko. Sobrang malaking abala ba ako kung sakali at hindi mo mabigyan kahit limang minuto sa 24 hours mo?"
He remained silent after I dropped those words. Hindi rin ako nakakibo at nakapagsalitang muli kahit marami pang gustong sabihin. Nanginig ang labi ko at nanlabo ang paningin. Hindi ko mawari kung tama ba ang katwiran ko.
Am I asking too much or I just know what I deserve? I'm damn aware he has been dealing a lot lately. Hindi na dapat ako dumadagdag pa pero normal naman ito 'di ba? Normal lang na maramdaman ko ito.
"Solaire..." he said softly when a couple of minutes had passed.
Hindi ako nagsalita at nanatiling umiyak sa unan. Kanina, nakinig ako. Pinakinggan ko siya. I lend all my attention. Tapos ngayong ako naman ang nagsasabi, inaaway lang ako? Sinusumbatan sa mga bagay na wala akong choice kung hindi gawin? Trabaho lang naman iyon, ah?
"Solaire, stop crying... please?" pakiusap niya sa malambot na tono.
"How can I stop, huh?!" asik ko at napapadyak sa kama. Sa tingin niya ganoon kadaling tumahan?
"Okay, I'm sorry... baby. I'm sorry..." aniya kaya umismid ako.
"I don't need your half-assed sorry, Alexius!"
He sighed on the other line as if he's worried about my cries. As if talaga! Baka nga iniisip niya ngayon, nag-iinarte lang ako. I heaved deeply and sobbed another minutes. Hindi niya pinutol ang tawag at tahimik na nakikinig. Hinayaan lamang niya akong umiyak nang umiyak hanggang sa tumahan ako at nakatulog.

BINABASA MO ANG
Tainted Melodies (Ciudad de Escalante #5)
Roman pour Adolescents𝐂𝐢𝐮𝐝𝐚𝐝 𝐝𝐞 𝐄𝐬𝐜𝐚𝐥𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟓/𝟖 𝗦𝘂𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀 𝗶𝘀 𝗴𝘂𝗮𝗿𝗮𝗻𝘁𝗲𝗲𝗱 𝗶𝗳 𝗼𝗻𝗹𝘆 𝗦𝗼𝗹𝗮𝗶𝗿𝗲 𝗙𝗲𝗿𝗴𝘂𝘀𝗼𝗻 𝗱𝗼𝗲𝘀𝗻'𝘁 𝗵𝗮𝘃𝗲 𝗮 𝗰𝘆𝗻𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗮𝗳𝗳𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗳𝗹𝗶𝗿𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝘂𝘀 𝗹𝗲𝗮𝗱...