My hand is trembling when I touch the flash drive. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, mapapanatag, o patuloy na mangangamba. Hindi ko lubusang pinagkakatiwalaan si Ulysses. And even though I'm doing my best to save my dignity, hinahanda ko pa rin ang sarili ko kung sakaling isang araw may kumalat na lamang sa social media.
"How can I be sure you have no copies aside from this?" I asked and failed to hide my worries.
Kakatapos lang ng huling dinner na kasama siya. And I hope I could set myself free from this. Pero hindi maalis ang pag-aalala sa akin dahil baka hindi siya tumupad. Gaya nang napagkasunduan, pagkatapos nito hindi na ako aabalahin pa. He'll not stalk me and he'll surrender all the pictures and videos he took.
Ulysses laughed and lean against my car. Nasa labas na kami ngayon ng mini resort kung saan kami patagong nagkikita. It's my condition that no one should know about this. Mukhang tinupad naman niya ang usapang iyon.
"Like what I said, I'm not greedy, Solaire. Having three dates with you is already enough. I know my place," aniya at ngumiti.
I didn't smile back. Bumaba ang tingin ko sa flash drive na hawak. Ito lang daw ang mga kopya na meron siya. Habang nakatitig doon, taimtim akong nananalangin na sana totoo lahat itong sinasabi niya. At sana pagkatapos nito, wala na akong aalalahanin pa.
"It's so nice to spend time with you. Your boyfriend must be very lucky. Don't worry. I won't bother you anymore. Alam kong sa kanya ka masaya. I'm sorry for doing this to you either. And aside from the kiss, wala talagang sex video. You can check the flash drive. I can't do that to you. I'm sorry for lying," dagdag niya.
Nanlaki ang mata ko.
"Is that true?" My hope arise. Walang magiging scandal kung sakali?
I gasped when he nodded. It seems like he's not lying. Pero kahit ano pang sabihin niya, hindi mabubura ang katotohanan na ginamit niya ang kahinaan ko. Mabuti naman at nagkaroon pa siya ng lakas ng loob na humingi ng tawad. Nanatili akong walang kibo hanggang sa umalis siya sa pagkakasandal at lumapit sa akin. Kanina, nagpresinta siyang ihatid ako. But I declined.
"And I'll be back at Bohol tomorrow. I know you don't want to see me again. I guess I'll be back at my old self. It was also nice to be your silent fan. Admiring you from the screen and listening to your voice on Spotify already makes me happy..." Mahabang litanya niya at hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa.
I stiffened when Ulysses planted a kiss on my right cheek. Nanlaki ang mata ko at kusang umangat ang kamay upang masampal siya ngunit naunahan ako ng isang kamao.
"Motherfucker!"
Napaatras ako sa gulat nang pumagitna sa aming dalawa si Alexius. Namumula at nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Ulysses. Halos sumabog ang puso ko sa kaba. I panicked and couldn't think of anything. What the hell he's doing here? Paano niya nalaman na nandito ako? He followed me?
"Oh, akala ko ba dapat walang makaalam?" Natatawang sambit ni Ulysses sa akin habang pinapahid ang dugo sa labi. Nawalan ako ng boses at tila napako sa kinatatayuan. My knees wobbled when Alexius is still balling his fist while glaring sharply at him.
"A-Alexius... I'll explain," nahihirapan kong wika.
His jaw hardened after I dropped those words. Namuo ang luha sa gilid ng aking mata nang magtiim din ang kanyang bagang. Hindi man siya bumaling ng tingin sa akin na parang ayaw akong masulyapan man lang.
"Siya nga, Kuya! Siya ang lalaking iyon! I told you, Solaire is cheating on you!"
Panibagong boses ang aking narinig. Si Rory iyon habang tinuturo si Ulysses. Tumulo ng tuluyan ang nga luha ko nang makita siyang naglalakad palapit sa aming direksyon. Pati siya, nandito? And she told Alexius what?! So she's behind this! Sino siya para makialam?!
"Sabi ko na nga ba. Buti nalang sinundan kita noong nakaraan. Pasalamat ka at hindi kita agad sinumbong pero gagawin mo pa rin pala ulit. Ang landi mo! Hindi ka na nakosensya—"
"Shut up!" I screamed in anger. Hindi ko na nakontrol pa ang galit ko at lumipad na lamang ang aking palad sa kanyang pisngi.
Naitagilid ni Rory ang kanyang ulo dahil sa lakas nang pagkakasampal ko. Naramdaman ko rin ang pamamanhid ng aking kamay. I wasn't able to slap Ulysses earlier. Siguradong malakas iyon dahil doon ko nabuhos ang lahat. Makokonsensya na sana ako nang marinig ko ang pag-iyak niya. Marahil sobrang nasaktan. But I don't care! She fucking deserves it!
"Solaire, what the fuck?!" Alexius growled at me and walked near her sister.
Napapitlag ako sa gulat nang isigaw niya sa akin iyon. I know I don't have to cry and to feel this pain because I made this scene and this decision to keep everything from him. Pero wala akong nagawa kung hindi takpan ang mukha gamit ng mga nanlalamig at nanginginig na kamay.
"Solaire..." Bulong ni Ulysses at akmang hahawakan ako ngunit agad kong hinawi ang kanyang kamay palayo sa akin.
"Don't touch me! Please, umalis ka na..." Pakiusap ko sa gitna nang pag-iyak. Kung mananatili pa siya rito, everything will only get worst. Napanatag ako kahit papa'no nang humakbang siya palayo hanggang sa mawala na ang kanyang presensya.
"Rory, take my car. Solaire and I will talk," Alexius announced and anger is very evident in his tone. Punung-puno iyon ng kaseryosohan. Nanlalabo ang aking mata nang alisin ang kamay sa mukha pero sapat na para makita ang pag-abot ni Alexius kay Rory ng susi ng kanyang sasakyan.
Pagkatapos, dinapo niya ang paningin sa akin habang may matigas na ekspresyon. Masyadong mabilis ang mga sumunod na pangyayari at ang alam ko nalang ay hinihila niya ako patungo sa aking sasakyan. May pwersa ang pagkakahawak niya sa aking pulsuhan at pagalit na pinaupo sa passenger's seat.
"A-Alexius..." I called when he started the car. Hindi ako natatakot sa kung anumang pag-uusap ang mangyayari sa pagitan naming dalawa pero dahil galit siya at lagay na ito ay pinapaandar pa ang kotse, hindi ko maiwasan ang mag-alala. I know how he's like when he's mad.
"Alexius! Please... Let's just talk. No driving—"
"Putangina? Sa tingin mo susundin pa kita pagkatapos mo akong tarantaduhin?!" He shouted and punched the steering wheel.
No... It's not like that...
Nagtuluy-tuloy ang luha ko at pinagdampi ang nga labi upang pigilan ang sarili na iparinig sa kanya ang anumang paghagulgol. For the second time, I tried to convince him not to drive. Pero gaya ng nauna, sinigawan lamang ako dahil sa galit.
I couldn't do anything but to cry silently. Nang tuluyan nang mapaandar ang kotse, pumikit na lamang ako at mahigpit na kumapit sa seatbelt. Kasabay no'n ang walang sawa kong pananalangin na hindi kami maaksidente sa kanyang walang ingat na pagmamaneho.
BINABASA MO ANG
Tainted Melodies (Ciudad de Escalante #5)
Fiksi Remaja𝐂𝐢𝐮𝐝𝐚𝐝 𝐝𝐞 𝐄𝐬𝐜𝐚𝐥𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟓/𝟖 𝗦𝘂𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀 𝗶𝘀 𝗴𝘂𝗮𝗿𝗮𝗻𝘁𝗲𝗲𝗱 𝗶𝗳 𝗼𝗻𝗹𝘆 𝗦𝗼𝗹𝗮𝗶𝗿𝗲 𝗙𝗲𝗿𝗴𝘂𝘀𝗼𝗻 𝗱𝗼𝗲𝘀𝗻'𝘁 𝗵𝗮𝘃𝗲 𝗮 𝗰𝘆𝗻𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗮𝗳𝗳𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗳𝗹𝗶𝗿𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝘂𝘀 𝗹𝗲𝗮𝗱...