Phase 44

237 10 0
                                    

"Air, you all right? Wala ka bang gana kumain? Favorite mo 'to hindi ba?" Tanong ni Ranti habang kuryosong tumitingin sa akin.


I heaved heavily and move the plate of my favorite cake away from me. May kung ano sa hitsura ng cake ang ayaw ko. Wala pa man, nauumay na ako dahil parang sobrang tamis. Pero noon naman gustung-gusto ko ito. Well, that's life. Everything is capable of change.


"Air, sobrang stressed mo yata lately. Uso magpahinga, ha? I know you're at the peak of your blooming career but take care of yourself, too. Grabe, tingnan mo ang mata mo," nag-aalalang komento naman ni Harriet habang ngumunguya.


We're at our usual hanging out place outside our university. Nagkataon na wala na kaming pasok lahat kaya nagkita-kita saglit.


"Hindi ka pa uuwi niyan 'di ba? Didiretso ka na Conchordia para mag-practice?" Tanong ni Cosette na tinanguan ko.


They're convincing me earlier na mag-stay dito dahil sobrang dalang nalang naming magsama-sama. But I have a lot of priorities to fulfill. Malapit na ang pangatlong concert tour ko. Kailangan kong mag-practice para maipakita sa lahat na tutuloy ako sa pangarap kahit madaming hadlang. I want to prove that I'm more than the issues.


"Aww, sayang. Anong oras kasi? 4:00 'di ba? Oh no, it's already quarter to four!" Malungkot na sabi ni Ranti.


"Hindi ba pwedeng sa susunod na araw nalang? It's not because I want you to stay with us. We badly want to spend time with you pero hahatid ka nalang namin pauwi para makapagpahinga. Sobrang tamlay mo kanina pa. Namumutla ka rin at walang nagagalaw sa mga pagkain. Seriously, I'm getting worried about you..."


My eyes widened. Natawa ako at umiling kay Cosette. I gasped when Ranti and Harriet were looking at me, too, with worries.


"Ano ba kayo, I'm fine. Syempre, may times talaga na haggard ako pero wala ito. I'm doing great, I promise," I assured and tried to be bubbly. Ayokong makadagdag sa iniisip nila. We're adult now. May kanya-kanya na kaming problema at responsibilidad na dapat atupagin.


"Stop lying, Solaire. Your body is already betraying you. Sobrang putla mo na talaga at halatang kulang sa pahinga at tulog," dagdag ni Harriet na nakapagpanguso sa akin.


"Maawa ka sa sarili mo, Air. Don't overwork yourself. Tatawagan ko si Jael. Siya lang ang nakakapagpasunod sa'yo. Papasundo na kita ngayon din. You really need a rest," deklara ni Ranti at akmang kukuhanin ang cellphone nang agad kong pigilan.


I forgot to tell them about our status. We didn't broke up but our relationship is barely hanging. Hindi ko alam paano ipapaliwanag iyon sa iba sa dami ng kaguluhan na nangyayari.


"He's busy. Nasa trabaho siya," pagdadahilan ko.


They sighed in unison. Napaisip ako at walang nagawa kung hindi ilapag na ang bag sa mesa at ayusin na ang aking mga gamit.


"Ito, na. Magpapahinga na. I'll tell my managers about it."


Siguro nga, tama sila. Wala naman masama kung magpapahinga. Ako lang ang may ayaw dahil kapag hindi ako nagpa-practice, naiisip ko na baka mangalawang ako at magsisisi sa huli na hindi ko nagawa ang best ko. Saka kanina ko pa rin ramdam ang panghihina at hilo. I didn't get enough sleep because I cried the whole night.


"Let's go, at umuwi na rin tayo. Mag-send ka ng picture na nasa bahay ka na talaga, Air. Kapag hindi, ako mismo kakaladkad sa'yo palabas ng Conchordia at iuuwi talaga kita," pananakot ni Ranti at tumayo na.


Nang maayos ko na ang nga gamit ko, nagdesisyon na rin akong tumayo. Ngunit hindi pa ako nakakatayo talaga, bumagsak ako sa kinauupuan. Nabitawan ko ang aking bag at nahulog iyon sa sahig.


"Air! Damn it! Iyan na nga ba ang sinasabi ko. Ayos ka lang? Saan masakit?" Si Harriet at inalalayan ako para makatayo ngunit hindi ko na matulungan ang sarili.


It feels like all my strength vanished. Ang paningin ko rin ay unti-unti nang nanlalabo hanggang sa kadiliman na lamang ang nakikita ko. On that moment, all I can perceive is Ranti was panicking and keep asking me what I'm feeling. Si Cosette naman ay may tinatawagan na batid kong emergency hotline.


Then after that, everything totally went blurry. May malay pa ako pero hinang-hina lang. I can still process what's happening. Dinala ako sa malapit na ospital at ang huling maalala ko bago ako makatulog ng tuluyan ay ang pag-check sa akin ng doktor sa aking mga vital signs.


I don't have an idea how many hours it took me to regain an energy. Nagising ako na may lakas na kahit papa'no hindi gaya kanina na matutumba anumang oras. Sinikap kong makaupo sa kama para alamin kung nasaan ako.


I'm inside a private room.


May nakalagay na dextrose sa aking tabi. Hindi rin ako naka-hospital gown kaya siguradong wala namang malalang nangyari sa akin at hindi na kailangan i-confine. Makakauwi ako mamaya at sa bahay nalang itutuloy ang pagpapahinga.


"Alexius?" Gulantang kong tanong at hindi naitago ang kaunting saya nang makita siyang may kausap sa intercom. Narinig ko ang pagbibigay niya ng update sa nurse na gising na ako at sinabi rin na magtawag na ng doctor.


He's here...


He still cares about me?


I hope so...


"Let's wait for your doctor," deklara niya nang makalapit sa akin. Wala ng ibang sinabi pa at umupo nalang ng tahimik.


I pursed my lips in his emotionless expression. It's not time to become emotional but I'm tearing up again from how he talked and looked at me. Kapag ganito, magagalit siya kapag nagkakasakit ako pero ramdam mo pa rin ang pag-aalala. He'll constantly ask too, where I'm hurting, if I'm okay... if I need something.


Ngunit ngayon, wala. Nakaupo lang. Hindi ako magawang tanungin kung maayos na ba ang pakiramdam ko at ano bang ginagawa ko lately kung bakit humantong sa ganito. It's not that I'm expecting him to do that. Alam kong hindi kami maayos at nakasakitan kaming dalawa.


"I didn't see any serious issues about your health, Ms. Ferguson. You're just exhausted, and you need enough rest for now. Don't stress yourself too much. Baka maapektuhan ang baby..."


My eyes widened.


"P-Po?" I voiced out in surprise.


Baby? Napatingin ako kay Alexius na gulat din sa narinig.


The doctor chuckled.


"You're pregnant. One of the major causes why you collapsed. You've been struggling with the symptoms, right? Morning sickness, sensitivity, mood swings... something like that. Your boyfriend or anyone in your household will probably notice. That why your friends asked your sister..."


Nabingi ako pagkatapos niyang sabihin iyon.


I'm pregnant? Kaya laging may kakaiba sa pakiramdam ko? No, I can't. It's impossible! Dinatnan ako ngayong buwan. Katatapos lang ng regla ko kahapon.


"Medyo late na nga na ngayon niyo lang nalaman. You're young and still a student. Magpahinga ka muna ngayon. Baka naapektuhan ang bata sa labis mong pagpapapagod sa trabaho..." Suhestiyon ng doktor kaya nanlulumo akong umiling.


"Hindi, hindi ako buntis. I had my period three days ago..." I cried.


I'm not yet ready for that! I didn't imagine myself having a child. At paano iyon? Kung buntis ako, titigil ako sa pag-aaral? Pati sa pagtatrabaho? At this age? Hindi ko kaya humawak ng ganoong kalaking responsibilidad. I'm not yet suitable to be a parent. I'm not yet mature enough to raise a kid. Kawawa lang ang bata kung ako ang magiging nanay.


"This is not my specialist, but bleeding is common in pregnancy. I suggest you consult right away in an OB-Gyne—"


"No!" I shouted in frustration and looked ridiculously at the doctor in front of me.


Umiling ako nang paulit-ulit at umiyak sa takot. I know, I made this. Kasalanan ko. I should've listen to Ate Solana. Para sana agad kong nalaman. Pero magagawan pa rin ito ng paraan. I couldn't afford to face the consequences. Wala pa man nakikita ko na ang dismayadong mukha ni Mommy at Daddy. Naririnig ko na ang sasabihin ng iba. Nakikita ko na anong mangyayari. Masasabihan akong sayang at mawawalan ng future.


"Solaire..." Alexius whispered and tried to calm me down. But I remain hysterical and tense.


"What are you saying, doc? What OB-Gyne? You should have advised us where and how we can get rid of this in the safest way possible—"


"Solaire!"


Napapitlag ako sa gulat nang tumaas ang boses ni Alexius. Mas lumala ang hagulgol ko nang humarap sa kanya. Why he's shouting? Galit na naman ba siya siya akin? Para sa aming dalawa lang itong ginagawa ko. I know he's not yet ready too!


"Doc, I'm sorry. Please, excuse us for a moment. Mag-uusap lang po kami," pakiusap niya at nang makaalis ang doktor, galit muli siyang tumingin sa akin.


"The hell, Solaire! What the fuck are you saying?" mamomroblemang pahayag niya at napasabunot sa buhok. Matalim ko siyang dinapuan ng tingin.


"Bakit? Ano na naman ba ang sinabi ko? May ginawa na naman akong mali?"


He scoffed and licked his lower lip. Nanahimik saglit at hindi makapaniwala akong tiningnan.


"Tinatanong mo sa akin kung anong pinagsasabi mo? Anong ginagawa mong mali? Putangina talaga!" He scowled and turned his back at me.


Napalunok ako nang panoorin ang kanyang balikat na tumataas-baba. Nanatili siyang nakatalikod habang nasa noo ang isang kamay. My lips parted when I started to hear his sobs. Hindi rin nagtagal ay humarap siya sa akin at namataan ko ang namumula niyang mata at basang-basang pisngi.


"We're having a kid, Solaire. Our child! Alam kong kaunti nalang ang pag-asa na maisalba ang relasyon nating dalawa pero huwag naman ang anak natin," he said softly and tears flowed in both of his cheeks.


"So, do you want me to continue this?" I cried too.


"Having a kid is one of my dreams. It is one of my plans to have a great future with you..." he whispered in his most disheartening tone.


"We're not prepared for this..." giit ko.


I bit my lip when he smiled weakly, and his expression was masked with pain and disappointment. Another set of tears streamed down his eyes.


"You're not prepared? You didn't prepare yourself for the possibility of having sex with me? W-Well, I am..." His voice broke, and he walked closer.


Napapikit ako nang lumuhod siya at dahan-dahang ipinalupot ang kamay sa aking bewang. Then, I felt his head leaning on my stomach.


"I'm already prepared for this. I already prepared myself since the night you gave yourself to me," pagpapatuloy niya at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa aking tiyan.

Tainted Melodies (Ciudad de Escalante #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon