"Ah, si Kath Kath ba? Kahapon pa siya hindi pumapasok. Pero nakita namin siya sa canteen kanina, kaso hindi ko alam kung papasok ba sa klase ngayong araw," sagot sa akin ng estudyanteng pinagtanungan ko sa building ng college of nursing.
I was searching for Vejah Katherine Sartori for half an hour now here in Ridgeview University. Parehas kami ng eskwelahan na pinapasukan kaya hindi ako masyadong nahirapan sa paghahanap. I messaged her on Facebook but she's not replying. I stalked her account too so I knew that she's a nursing student.
"May kailangan ka ba sa kanya Solaire?" the female student asked. I was a bit surprise when she mentioned my name. Ngumiti na lamang ako sa kanya at mabagal na umiling.
"May bibigay lang po sana ako. Nahulog niya po kasi yung pitaka niya," I said and unzipped my bag to get the purse I keep inside.
Ilang araw na rin itong nasa akin dahil hanggang ngayon, hindi nagrereply si Vejah kaya nagdesisyon na akong ibalik na lamang sa personal.
"Ay, sige. Ako nalang ang magbibigay kapag pumasok siya. Sabihin ko nalang na ikaw ang nakapulot..." she volunteered and lend her hand at me.
Siya nalang ang mag-aabot? Napatingin ako sa pitaka at sa kamay na nakalahad sa harapan ko.
"Thank you po," I uttered in delight. She looked nice and trustworthy so I gave the purse at her. May cash sa loob at ATM card pero mukhang kaibigan naman siya ni Vejah dahil tinatawag sa palayaw na Kath.
"Sure, no problem. Ang ganda ganda mo pala talaga sa personal 'no? Parang pansamantala kong nakalimutan na babae pala ako," aniya at humagikgik habang nakatitig sa akin.
I smiled and laughed at her joke.
"Maganda rin po kayo..." I compliment back but she only shook her head and frown like she doesn't believe what I said. Inayos ko na ang aking bag at strap ng gitara na bitbit ko sa aking likuran para makapagpaalam na kailangan ko ng umalis.
"Okay, goodbye! Bigay ko nalang sa kanya," sabi ng estudyante at pumasok na rin sa classroom. She waved her hand at me before I stepped out their building.
Dumiretso na ako palabas ng university para makauwi na dahil half-day lang kami ngayong araw. Kauwi ko sa bahay, agad kong inatupag ang pag-aayos ng mga gitara na nasa aking music recording studio. Narito rin lahat ng mga equipments ko at collections gaya ng albums at posters.
Dumako naman ako sa parte ng malawak na kwarto kung nasaan ang koleksyon ko ng mga iba't-ibang klase ng gitara. I really love guitars for all the instruments I have here like piano and drums. Nanlumo ako nang kuhanin ang mga gitara na inalagaan ko ng ilang buwan.
"Goodbye, babies. I know you enjoyed here but you have to go back in your real owners, hmm?" malambing kong saad habang pinupunasan ang mga iyon.
I got teary-eyed when I already put them in their cases. These two electric guitars out of my thirty-one guitars were just here for the meantime—actually, these two electric guitars were owned by Xandreus Agravante of Heliocentric.
Ang sabi lang sa akin ni Marahuyo noon, kailangan lang ng kaibigan niya ng pera kaya sa akin isinangla muna pansamantala. Today, the money I lend will be going to pay back after long months so they also need to go back in their home.
Niyakap ko ang dalawang gitara.
I'll surely miss them so much...
"Don't forget me, okay? Don't forget these passionate hands. Don't forget the song we made. Keep helping us to produce music," paalala ko kahit hindi pa rin mapigilan ang manlumo dahil magkakahiwalay na kami ngayon.
BINABASA MO ANG
Tainted Melodies (Ciudad de Escalante #5)
Novela Juvenil𝐂𝐢𝐮𝐝𝐚𝐝 𝐝𝐞 𝐄𝐬𝐜𝐚𝐥𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟓/𝟖 𝗦𝘂𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀 𝗶𝘀 𝗴𝘂𝗮𝗿𝗮𝗻𝘁𝗲𝗲𝗱 𝗶𝗳 𝗼𝗻𝗹𝘆 𝗦𝗼𝗹𝗮𝗶𝗿𝗲 𝗙𝗲𝗿𝗴𝘂𝘀𝗼𝗻 𝗱𝗼𝗲𝘀𝗻'𝘁 𝗵𝗮𝘃𝗲 𝗮 𝗰𝘆𝗻𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗮𝗳𝗳𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗳𝗹𝗶𝗿𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝘂𝘀 𝗹𝗲𝗮𝗱...