Phase 33

249 12 0
                                    

The next morning, I woke up due to my alarm clock. Agad kong pinatay dahil sa ingay ng tunog. Alexius is still sleeping beside me. Kapwa parehas kaming may trabaho ngayon pero mamaya pa naman. Sinikap kong hindi gumalaw habang chinecheck ang cellphone ko. I gasped when I saw a a lot of messages and missed calls. Agad kong tiningnan kung kanino galing ang mga iyon.


"Hmm," Alexius groaned and hugged me tighter.


Mas nagsumiksik siya sa aking dibdib. Naalimpungatan yata sa alarm ko kanina. Nahirapan ako saglit sa pagbabasa ng mensahe dahil sa aming posisyon. Nothing's weird from my inbox. It's all about work and my future appointments.


Ngunit namilog ang mga mata ko nang dumako sa call logs.


There are a lot of missed calls from Alyanna. Really, a lot. Shit, I missed her calls! Napaawang ang bibig ko nang makita kung anong oras iyon. She was calling me at two in the morning. Damn, why is she calling me? May nangyari ba?


Pinangunahan ako ng kaba at tinawagan agad ang kanyang numero. Akala ko sa pangatlong tawag ko, hindi na niya sasagutin at laking gulat ko na lamang na sinagot niya.


"Desiree?" I asked in confirmation. Hindi si Alyanna ang sumagot. Why's Desiree holding her phone? Bumisita ba siya sa ospital ngayon? I updated them yesterday about Alyanna's whereabouts.


"S-Solaire..." she cried.


Napalunok ako nang mas humikbi siya at hindi nakapagsalita. Desiree... is crying. Napatulala ako sa natutulog na Alexius sa aking tabi habang hinihintay ko siyang magsalita. Humigpit din ang pagkakahawak ko sa cellphone.


"Desiree, calm down... please?" I requested.


Namawis ang aking mga kamay at nagsisimula nang manlamig. Kinakabahan na rin ako ngayon sa pag-iyak niya. Why is she crying? May nangyari ba? Wala naman 'di ba?


Everything is fine...


"S-Sister Aimee died, Solaire. Alyanna's grandmother died. She's her only family tapos... n-nawala pa. K-Kaninang madaling-araw daw..." Desiree sobbed.


Parang binagsakan ako nang kung anong malamig at mabigat na bagay. Nanigas ang buong katawan ko dahil sa narinig. It took me a minute to recover and digest what Desiree said. Sister Aimee. It was Sister Aimee. Yeah, Alyanna's grandmother. She what? S-She died?


Sister Aimee died...


Oh, God.


"Nasaan... Nasaan ka n-ngayon? Si A-Alyanna?" nagkukumahog kong sambit at umalis sa pagkakahiga. Dahil sa aking agresibong galaw, tuluyan nang nagising si Alexius na masarap ang tulog kanina. Namumungay ang kanyang mga mata habang pinapanood akong nagmamadali.


I quickly walked towards Alexius' closet. Dito rin nakalagay ang mga gamit at damit ko. Habang naghahanap nang masusuot, nakikinig ako kay Desiree. She's telling me now what happened and where's Alyanna. Sister Aimee was cremated earlier. Malala na pala talaga ang cancer niya. Ngayon, inaayos na ang burol niya sa simbahan kung saan siya nagse-serve dati.


"You'll get going already?" Alexius asked while putting his shirt on. Humikab siya na tila inaantok pa pero nakuha nang damputin ang susi ng koste sa bed table.


Napamura ako nang mahina nang mapagtanto na wala rin akong saplot ngayon. Damn! That's why I missed Alyanna's calls. After our deep talks last night, I was busy doing it with him again. I sighed, and conscience ate me up. I even told her that I'm just one call away. Tapos iyon ang inaatupag ko. Fuck.


"Uh, matulog ka na ulit. May pupuntahan lang ako. I'll text you when I get there," nagmamadali kong saad habang nagbibihis.


"I'll drive you there —"


I cut him off and smiled.


"Get some rest, hmm? Punung-puno schedule mo hanggang mamayang gabi," sambit ko at sinuot ang pinakahuling damit. Nang matapos, humarap muli ako sa kanya at naglakad patungo sa kama.


"I'll get going. Don't forget to eat breakfast, okay?" paalala ko at yumuko para patakan ng halik sa labi.


He smiled after the swift kiss and nodded obediently. Napapikit ako nang umamba siyang muli ng halik. Mas mabagal at matagal kaysa sa kanina. As if one kiss isn't enough.


"Drive safely..." he said after breaking the kiss.


"I will..." I uttered, and he planted a kiss on the top of my head again.


Agad ko nang tinahak ang daan palabas. Luckily, there's no traffic on my way to the church. Kababa ko sa sasakyan, nakaayos na ang lahat sa loob para sa burol. May picture ni Sister Aimee sa tapat ng entrance. May mga madre na rin na nakaupo. Hindi pa ganoon karami ang tao. I bit my lip and hesitant if I'll continue walking further. Alyanna is calling me earlier and I failed to take any of those.


"Anong ginagawa mo rito?"


Umigting ang aking bagang nang marinig ang boses na iyon sa aking tabi. It was Alyanna. Hindi ako nakapagsalita agad dahil sa tigas at lamig ng kanyang boses. Dahan-dahan akong lumingon at nakasunod sa kanya ang nag-aalalang si Desiree. Kapwa mugto at namumula ang kanilang mata. Ngunit ang mas kapansin-pansin sa mata ni Alyanna ay galit at sakit ngunit mas nangingibabaw ang anumang hinanakit na mayroon sa mundo.


I gulped.


She is mad at me...


"Alyanna..." I tried to touch her hand, but she swiftly moved it away from me.


She chuckled bitterly.


"Go away, Solaire. I don't need any apologies or explanation," madiin niyang pahayag at nilagpasan ako. Susundan ko pa sana upang humingi kahit papano ng pasensya pero pinigilan ako ni Desiree.


"Let's just let her for now..." pabulong niyang saad at tinapik ang aking balikat.


I sighed and nodded. She's mourning. Kaunting pasensya lang din ang gusto nila. Siguro sa susunod na lamang ako magpapaliwanag. I can always wait and adjust. At kahit ayaw ni Alyanna na naroon ako, nananatili ako at umupo sa likurang parte ng simbahan hanggang sumapit ang lunch time. Nagtrabaho ako saglit at nang sumapit ang gabi, sabay-sabay kami nina Tina at ng ibang artists na dumalaw upang magpakita ng simpatiya.


Until the third day of Sister Aimee's wake, Alyanna is still ignoring me. Gusto ko sana siyang kausapin na, dahil bukas, luluwas ako papuntang Bohol para sa shooting ng music video kasama si Haze. Magtatagal ako roon ng ilang linggo and I might not get the chance to make up with her. Hindi rin ako makakadalo sa libing. It is the day after tomorrow.


"Alexius?" I whispered, quite unsure if he was really the one I was seeing.


Napatayo ako sa kinauupuan nang makumpirma na siya nga. Kapapasok lang niya sa loob ng lay formation, luminga-linga na tila may hinahanap. Mukha siyang aligaga at natataranta. Nanlaki ang mata ko nang kasunod niya si Felix, Devan at Zyris. Devan is trying to calm him down by whispering something but Alexius isn't listening. Patuloy ang kanyang mata na pumapasada sa paligid.


"Solaire, that's your boyfriend, right? Hinahanap ka yata?" bulong sa akin ni Janella, singer din na katulad ko. Kasama ko rin siya sa Conchordia.


"Uh, oo. Puntahan ko lang," pamamaalam ko at naglakad na patungo sa kanila.


"Solaire?" Felix mouthed in surprise when he noticed me. Gulantang din akong tiningnan nina Devan at Zyris. I tilted my head in confusion. Anong ginagawa nilang apat rito? Mas nalito ako nang hindi bumaling sa akin si Alexius at abala pa rin sa pagsusuri sa paligid.


"Jael! Damn it," namomroblemang bulong ni Devan nang inalis ni Alexius ang hawak sa kanyang braso.


My lips parted when he walked away from us. Mabilis siyang naglakad palayo, then he stopped in front of the mourning Alyanna. Nakaupo siya sa unahan at nakatulala sa larawan ni Sister Aimee katabi ng urn. Alyanna's eyebrows creased when he's standing in front of her, saying nothing. Napalunok ako at hindi alam ang gagawin.


Nagbulungan na rin ang mga tao dahil agaw-pansin ang kanyang pagtayo sa harapan. Damn, what's happening to him? Bumuntong-hininga ako at tutungo na sa kanilang dako ngunit napako na lamang sa kinatatayuan nang yakapin ni Alexius si Alyanna! As if my heart was pressed into pieces when he hugged her tightly. I blinked in shocked. What... what is the meaning of that?


Mas lumakas ang singhapan at bulungan ng mga tao. Halos lahat ay nagtatanong at nalilito sa nakikita.


"Solaire," Zyris whispered and held my wrist. Tila nahinuha ang gagawin kong aksyon. Hindi makapaniwala ko siyang tinignan sa pagpigil niya sa akin. What does he wants me to do, then? Hayaan silang magyakapan sa harap ng maraming tao?!


"Ano ba?! Lumayo ka nga!" Alyanna shouted, which caught everyone's attention. She pushed him too to get away from the hug.


Pagkatapos, iritable niyang tiningnan si Alexius at umiiyak na tumakbo papasok sa isang kwarto. Alexius tried to follow her but Felix stop him. May binulong siya sa kanya at pinaliwanag. Alexius nodded. Mukhang kumalma sa pagpapaliwanag ni Felix kaya hindi kami nahirapan na ayain na siyang umuwi muna.


I was confused until we reached his house in CDA. Ni isa sa biyahe, walang nagtangka sa kanila na magpaliwanag sa nangyari sa burol. I control myself not to ask. Kahit halos mabaliw na ako sa kakaisip kung bakit sila naroon at kung bakit niyakap niya si Alyanna, pinigilan ko dahil mukhang ayaw nilang pag-usapan muna. Damn it! How many times do I have to do this? I deserve an explanation, right?


"Aww!" I shrieked when I accidentally touched the handle of the casserole. Agad kong binuksan ang faucet at tinapat doon ang kamay kong napaso ng kaunti. I was too occupied, and I forgot to use the potholder.


"Ayos ka lang?" Devan asked and paid a glance at my reddish hand.


Hindi ako kumibo at nakatitig lamang sa aking kamay na nakatapat sa gripo. Do I look like I'm fine? After what happened there? Without even hearing any explanations? Lumapit siya sa kaserola at pinagpatuloy ang paghahalo sa crab soup na niluluto ko. Kaming dalawa ang nagdesisyon na magluto sa hapunan. Zyris and Felix went out to finish some errands. Habang si Alexius naman ay nasa kwarto niya, gusto mapag-isa.


"May ointment sa itaas, ipahid mo para hindi lumala," Devan suggested.


I didn't respond. Hindi ko alam, basta nakakapagod ngayong araw maski pagsasalita. Hindi ko rin alam kung saan mabigat ang loob ko. Kung kay Alexius ba na may niyakap kanina o sa mga kaibigan niya na hindi man lang ako binibgyan ng kahit katiting na ideya sa mga nangyayari. I guess I'll just sleep like this, as usual. Maghihintay na may eksplanasyon na bababa sa kalangitan. At habang wala pa, mababaliw muna ako sa kakaisip.


"Hey..." Devan called.


Agad kong pinunasan ang luha sa aking pisngi pero walang saysay dahil unti-unti na akong bumigay. Nanghihina kong pinatay ang gripo at napahawak na lamang sa counter bilang suporta. It's just that, I'm emotionally, mentally and physically drained right now. School, work, and this relationship are all tiring. Pero kaya ko pa naman eh, basta isang sabi lang na huwag ako mabahala at mag-alala, magiging maayos ako. Kaso, ni isa wala akong naririnig na ganoon sa kanila. Nakakapagod mag-isip at maghintay sa totoo lang. Napapagod din akong umintindi.


"She might be Rory..." Devan stated and scratched his left eyebrow.


Umurong ang luha ko sa narinig na pangalan.


"R-Rory?" I asked in a broken voice.


He licked his lower lip. Tila nagdadalawang-isip sa anumang sasabihin pero dahil nakikita niya akong litong-lito ngayon, buti naman nakaramdam siya.


"Alyanna Villaflor. She might be his sister. Didn't know she was in the same company as you..."


Nanuyo ang lalamunan ko sa unti-unting napagtanto. The dimples. The lonely eyes. The nun who took care of Rory. Sister Aimee...


Alyanna... my co-artist.


She's Rory?


How did it happen? 


Tainted Melodies (Ciudad de Escalante #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon