"Don't forget to bring your invitations, ha? Para sa inyong dalawa ni Jael 'yan. Kumusta na pala kayong dalawa? Hindi ko ine-expect na magtatagal kayo!" Marahuyo exclaimed in happiness.
Kausap ko siya ngayon sa FaceTime. Kahit ilang taon na ang nakalilipas, hindi nagbago ang pagkakaibigan naming dalawa. Nasa ibang bansa siya ngayon dahil doon nakagawa ng pangalan sa industriya. Ngunit babalik na rin sa ciudad para sa kanyang engagement party. She's getting married. I'm so happy for her. Heliocentric and Counterclockwise are invited too.
"We're doing good..." I breathed in.
Alam kong madami na akong kasalanan at dapat hindi na ako nagsisinungaling pa pero hindi ko maiwasan. I don't want to conclude that Alexius and I already broke up. Hangga't hindi kami nag-uusap sa personal tungkol doon, para sa akin kami pa rin. I waited five hours for him last time yet he didn't came.
"Stay strong! Hindi pala public ang relationship niyo no? I watched Jael's interview yesterday. Ang sabi, he's single and he's not seeing anyone. Gosh, I'm so proud for both of you. Ang hirap talaga kapag naka-public. Buti natago niyo sa loob ng apat na taon..."
I smiled. Ginawa ko ang makakaya ko upang maitago ang naramdamang hapdi. That's true. Sinabi ni Alexius sa press na single siya at parang masaya pa siya sa bagay na iyon.
And speaking of years.
Our anniversary is in two days! Apat na taon na kami at kung hindi lang nangyari ang mga kaganapan na ito, siguro naghahanda lang kami kung paano iyon ice-celebrate. We're still happy.
Tumagal ang pag-uusap namin ni Marahuyo. Mostly it's about music, career and our boyfriends. Hindi ko na nakwento pa ang parte na nakunan ako at ibang problema na dumating sa mga nakaraang buwan. She looked happy. Maganda rin ang usapan kaya ayaw kong masira ang mood.
"Baka nasa condo. Ilang araw na rin na hindi umuuwi," sagot ni Rory nang siya muli ang madatnan ko sa bahay nila.
I decided to talk to Alexius again despite of everything. Hindi ko matatanggap ang gusto niyang paghihiwalay. I should atleast explain. Kung hindi magbabago ang isip niya pagkatapos kong magpaliwanag, rerespetuhin ko iyon.
I pressed my lips and nodded slightly at Rory. Dapat pala sa condo muna ako dumaan para hindi na ako napalayo pa.
"Pwede naman na iwan mo nalang dito at ako nalang ang mag-aabot..." Dagdag niya nang makita ang hawak kong invitation.
Umiling ako. Hindi lang naman iyon ang dahilan kung bakit ako nandito. And... something is off. Naitagilid ko ang aking ulo habang nakatitig sa kanya. She looked calm and her tone? It sounds gentle. Hindi rin ako sinusungitan. Tsk. Nagpapakabait na ba? She was deeply sorry last time. Pero ano naman? Wala nang magbabago. Lumaki ang away at hindi pagkakaintindihan namin ni Alexius dahil sa pakikialam niya.
"Okay. Mauna na ako..." malamig kong sambit at tatalikod na sana nang magsalita siya.
"Solaire..." She traced.
Nagtiim ang bagang ko.
"I'm sorry ulit. Sorry sa lahat..."
I faintly smiled. Hindi pilit o peke. Mahirap lang ngumiti talaga para ipakita na tinatanggap ko ang sorry niya kung gayo'y hindi naman. Everything is ruined already. At hindi okay na ako nalang ang lumalaban para rito. But I'm glad Rory acknowledged her fault. Hindi lang talaga ako lubusang matutuwa ngayon dahil masakit ang mga nangyayari.
Hindi na ako kumibo pa at tinahak ang daan patungo sa aking sasakyan. Huminga ako nang malalim nang makapasok sa loob. I bit my lip while staring at the box of cake and my gift for him. The present I decided to give on our 4th anniversary is my unreleased album. Next year palang ilalabas at gusto kong siya ang unang makarinig. After all he's been always the subject of my music.
Bitbit ko ang cake at regalo habang naghihintay na makarating sa tamang floor. I was on my way now in his unit. I hope he's not yet sleeping or nakauwi na mula sa trabaho. Medyo ginabi na ako dahil sobrang lala ng traffic sa Amores. Buti naman nakapag-order na rin ako ng mga pagkain para sa dinner at siguro darating na maya-maya.
I hope he remembers that it's our anniversary. I also hope that this day will be the day to save our relationship.
My eyebrows furrowed when no one opened the door after I pressed the doorbell. Nagtipa ako ng mensahe para sabihin na nasa labas ako ngunit ilang minuto na ang lumipas ay wala pa ring reply. I breathed in and stared at the password buttons.
Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako nang tuluyang bumukas. He didn't change the passcode. Kaming dalawa lang ang may alam. Then what does it means? Na pwede pa ako pumasok at welcome pa ako rito kahit binalik na niya ang mga gamit ko?
No.
Don't get ahead of yourself.
I shouldn't expect or assume anything.
Napalunok ako nang walang madatnan sa loob ng condo. I roamed around to search for him but no one in his room and bathroom. Wala siya sa kahit anong sulok ng unit na ito. I heaved heavily while thinking what should I do next. Baka nasa trabaho pa?
At parang narinig nga ang tanong na nasa isip ko. I got an answer when my eyes darted at the sticky notes on the refrigerator. Nasa trabaho pa nga siya at baka aabutin ng madaling araw ayon sa schedule na nakasulat sa note.
Custardpen - 7:00 to 9:40.
Pinili kong manatili sa condo at inabala ang sarili sa pag-aayos ng dekorasyon at pagkain. Few hours remaining and it's really our anniversary. Dumadagundong ang kaba sa aking dibdib habang lumilipas ang oras. And when the clock struck at 10:15 PM, at kasabay no'n ang pagbukas ng pintuan I immediately stood up from my seat.
I gulped when I saw a tired Alexius walking towards my direction. Gaya ng katawan, gano'n din kawalang buhay ang kanyang mata habang tinitingnan ang mga hinanda ko sa kusina. Binalik ko ang aking postura at naglakad palapit sa kanya.
"Hi! Uhm... kumain ka na? Nag-order pala ako ng mga pagkain. This is all your favorites..." I said and tried to be bubbly.
Hindi ko hinayaan na mabura ang ngiti ko nang walang emosyon siyang tumingin sa akin. No... He's not emotionless. He's hurting as he looked at me. Kumirot ang puso ko nang makita ang pamilyar na mga matang iyon. The same lifeless eyes when he's longing for his late mother and Rory. The eyes of a young Alexius who's in deep pain. Eyes that showed he's suffering again.
They're back. The wounded Alexius is back. And it's because of me. I brought it back...
I walked closer. Pero hindi pa ako nakakalapit sa kanya nang marinig ko siyang tumikhim at umismid. Nilagpasan niya ako at hindi pinansin. I was rooted from where I'm standing due to his cold treatment. Napasinghap ako nang marinig na lamang ang pagsara ng pintuan sa kanyang kwarto.
I sighed and followed him.
"A-Alexius..." I called but he didn't respond. Kumatok ako nang paulit-ulit pero hindi pa rin niya binubuksan. Nanginig ang labi ko sa nagbabadyang pag-iyak. Bumaba ang aking kamay sa doorknob ngunit maging iyon ay naka-lock.
He doesn't really want to see me? Is he fucking sure about breaking up with me?
Nagpatuloy ako sa pagkatok at pagtawag sa kanya.
"Alexius. K-Kausapin mo naman ako. Ayusin natin ito..." I begged for I don't know how many times now. Ang alam ko nalang nanghihina ako at namamaos na sa pagmamakaawa na buksan niya ang pintuan. My forehead was already leaning against the door. Nakaluhod na rin ako at sa pader nalang kumukuha ng suporta para hindi bumagsak.
Bumalik na lamang ako sa kusina nang mapagod. Hindi ko namalayan ang oras at nagpabalik na lang sa akin sa realidad ay ang tunog ng alarm ko. It's quarter to twelve already. Few minutes to go and it's our fourth anniversary. Gano'n na pala kabilis tumakbo ang oras at hindi pa lumalabas si Alexius sa kwarto niya.
Kanina pa rin pala ako nakatulala at hindi na alam ang gagawin. I don't know what should I do. Should I still fight for this? Is this even worth it? Should I still hope for a chance? Nakakapagod na at mas nasasaktan lang siya kapag nandito ako. Sa paraan kung paano niya ako tratuhin at tingnan parang mas nakabubuti sa kanya kung wala ako. Ipagpipilitan ko pa ba? I couldn't also afford to read what I see in his eyes. They can't lie to me. I know I'm the reason why they're like that.
I paid one last glance at his door.
Siguro nakatulog na siya dahil pagod na pagod sa trabaho. Lumandas ang aking luha nang dumapo ang mata sa cake. Hindi kailanman sumagi sa isipan ko na darating ang araw na mag-isa lang akong mag-aabang at magce-celebrate. Sobrang nakampante ako na lagi siyang nandiyan at kami na talaga. I shouldn't be very confident that nothing will break us.
Nanginginig ang mga kamay ko habang sinisindihan ang kandila ng cake. I looked stupid at this moment. Nakangiti ako habang umiiyak nang sumapit ang alas dose. Ang saya isipin na umabot kami ng apat na taon at nakakalungkot na hanggang dito nalang siguro. Maybe four years is already enough.
"Happy fourth anniversary..." I whispered and hot tears streamed down my cheeks again.
I'm so grateful that someone like him became my first boyfriend. Thank you, Alexius. For four years... I experienced the best moments of my life. Give me some time to earn the courage to let go. Be patient one last time. Promise, it wouldn't take really long to grant what you want. Huwag muna ngayon dahil hindi ko pa kaya. Hindi ko pa matatanggap. Our decision will become mutual again. Pangako iyan. Hindi ka na mahihirapan pa...
"Solaire! I'm glad you came! Ang saya. Kumpleto tayo!" Marahuyo exclaimed and hugged me tightly.
Niyakap ko siya pabalik at hindi napigilan ang kasiyahan nang makita ko sa personal pagkatapos ng ilang taon. Her engagement party will be held next week. Sobrang laki nang pinagbago niya pero alam mong siya pa rin ito. It's obvious that she adapt the lifestyle abroad.
"Ang ganda mo!" I shouted. Masyadong maingay sa bar kung saan niya napagpasyahang magkita kaya hindi maiiwasan ang pagtaas ng tono.
Hindi ko mapigilan na purihin siya dahil sobrang ganda talaga niya. She's so hot with her black dress and glam make up. While me? I chose to wear a simple cocktail dress. Habang sa makeup naman ay hindi ko na masyadong pinabongga pa. Natural make-up will do. Maganda pa rin ako kahit walang ayos.
Marahuyo rolled her eyes and shook her head. Tila may narinig na kakaiba sa akin.
"Says the prettiest herself! Mas maganda ka kaya! Noon hanggang ngayon. Walang kupas!"
I chuckled. Iginiya na rin niya ako kung nasaan ang mesa pagkatapos ng maikling kumustahan sa pagitan naming dalawa. I heard Counterclockwise and Heliocentric are already here. Hindi ako masyadong kinabahan dahil nagkikita naman kami sa mga guestings at iilang show. Civil nga lang namin patunguhan ang isa't isa. But since Marahuyo is here... we should act just like the old times to lessen the awkwardness. Papakilala rin kami sa boyfriend niya or soon to be fiance.
"Solaire is here!" Marahuyo screamed happily.
Ngumiti ako sa mga taong narito na sa mesa. My eyes darted first at Sydney who approach me. Siya ang unang bumati sa akin. Habang sina Aubrielle at Carly naman ay ngumiti lang ng tipid.
On the other side, Iori is just silent but eventually she smiled at me. Ramdam ko agad ang gap at invisible barriers mula sa mga dating kabanda ko. Pero hindi ko na lamang pinagtuunan ng pansin iyon. Hindi na iyon mababago pa at huwag na lamang ipilit.
Buti naman ay hindi na umusbong ang ilangan nang batiin ako ng Heliocentric. Gumaan ang paligid dahil si Zyris ang nagbubuhat ng usapan sa mesa. Alexius is not yet here. Baka nasa trabaho pa at hindi ko sigurado kung darating ba dahil alam niyang pupunta ako.
"Air, upo ka..." Xandro uttered and gestured the available space infront of him. Ngumiti ako kay Devan. Nasa kaliwa ko siya at bakante naman ang kanan kaya maluwag pa.
"Solaire, si Augustine nga pala. You can call him Gus. He's my future fiancé..." Pagpapakilala ni Marahuyo sa lalaking katabi. He looked nice. Magaling talaga pumili si Marahuyo noon pa.
"She's Solaire? I thought she only has the same name with the famous singer. Siya pala talaga iyon..." Gulantang na sabi ni Gus nang suriin ang mukha ko.
I only smiled and accept his hand. Nagkaroon din ng maikling introduksyon sa pagitan naming dalawa bago ako ayain ni Zyris ng shot. Hindi ko tinanggihan at agarang ininom. Nagsisimula na ang kasiyahan. Hindi dapat ako magpaka-KJ.
"Hey. Don't make her drink too much. Jael is not yet here..." puna ni Devan kay Zyris nang medyo bumibilis ang pag-inom namin.
Pagkatapos sabihin ni Devan iyon, si Xandro naman ang nagtanong sa akin kung nasaan na ba ang kaibigan nila at bakit wala pa. Hindi ako nakasagot. I only laughed from what I heard. Bakit sa akin nila tinatanong ang bagay na iyon? They don't know yet? I thought they tell each other everything?
"Baka mamaya pa raw makarating. May tinatapos lang na layout sa Custardpen..." Iori asserted.
Zyris and Xandro are both surprise when they looked at Iori. Nagkibit-balikat lamang siya at natawa sa kalituhan nila. Habang si Devan naman ay tumuwid sa pagkakaupo at nagtaas lang ng isang kilay.
Kinontrol ko ang anumang reaksyon. Bakit alam niya iyon? So, nagtetext sila? They update each other already? Habang ako malaking himala na magreply siya sa akin. Wow... Sabihin natin na break na kami para sa kanya pero sobrang bilis naman yata kung may iba na?
Ganoon ba kadaling talikuran ang apat na taon? I know I hurt him and everything is my fucking fault. Hindi dapat ako magreklamo kung sakaling meron na nga. Sumimsim ako sa inumin para pigilan ang mapaklang ekspresyon. I don't want to make a scene here.
"Pero makakarating pa rin naman siya hindi ba, Air? Akala ko nga sabay kayong darating..." Ani Marahuyo.
Natigilan ako nang itanong niya sa akin iyon. I didn't yet tell her about our complicated status. At mas lalong lumakas ang tensyong naramdaman ko nang lahat ng mata sa mesa ay bumaling sa akin na parang hinihintay ang sagot ko. Everyone in this table knows we're in a relationship. Kaya expected na ako ang tatanungin dahil ako ang girlfriend.
I chuckled. Ibinaba ko ang shot glass bago magsalita.
"Why don't we ask Iori? Parang mas updated pa yata siya sa akin?" I stated and smiled.
Huminga ako nang malalim at pinatili ang kalmadong postura. Kakasabi ko palang na hindi ako gagawa ng eksena. Damn you, Solaire.
Iori laughed when almost everyone looked at her. Ang tensyon na naramdaman ko kanina ay nailipat sa kanya at hindi ako nakokonsensya dahil doon. She deserves it. She knew our relationship is in chaos right now. Kung nagtetext sila dapat hindi na niya pinapangalandakan iyon dahil nakakaragdag lang sa sakit. Kahit respeto lang bilang ex-girlfriend kung sinabi ni Alexius sa kanya na wala na kami.
"Hmm, I think he'll surely come. Nagpapili ng damit na susuotin last time. Saka malapit lang naman dito ang Custardpen..." pagpapaliwanag niya kaya hindi ko na napigilan pang mapatayo sa kinauupuan.
Hindi ko alam kung masyado ba akong sensitive o insensitive talaga siya. I don't know! Iori is just irritating eversince! Konting kibot lang talaga niya kahit noon pa, kumukulo na ang dugo ko at mas lalo akong nagagalit sa mga pinagsasabi niya ngayon. Nagpapili ng damit? Fuck her!
"Solaire..." Devan whispered and stopped me from walking out.
"Powder room lang..." pagpapaalam ko at sinabihan din ang mga kasama na saglit lang ako at babalik din. I need to calm down. Ayoko talagang gumawa ng gulo. Kahit para kay Marahuyo nalang.
Hindi ko na inabala pa na tingnan ang reaksyon nila at tumalikod na. Gaya ng sinabi ko kanina, hindi na ako nagtagal pa sa loob. Inayos ko lang ang make-up ko at nagpakalma sa loob ng banyo. I think I was finally fine when I came out.
Hindi ko lang talaga makontrol ang emosyon ko at madaling maapektuhan sa mga bagay-bagay. I dealt a lot of things these past few months. I know that I shouldn't use my traumas and problems to justify my bad behaviour but I couldn't just help it. Nasasaktan talaga ako. Sobra. Ang hirap magpigil dahil parang sasabog ako.
"Iori, you shouldn't have said that. Choose your words. Baka ma-misinterpret ni Solaire at pag-awayan nila mamaya..."
I halted from making any step when I heard Xandro.
"Bakit pag-aawayan? Didn't you know yet? Wala na sila," giit ni Iori na nakapagpagulat sa lahat. I scoffed in disbelief. How could she?! Anong karapatan niyang ipagkalat iyon? Sino siya para pangunahan kami?
"What? Anong wala na?" Nalilitong tanong ni Devan. Kung gaano siya kalito at kagulat, ganoon din ang mababakas sa mukha ni Xandro. Silang apat lang ang nag-uusap at ang ibang kasama namin ay may ibang topic.
"Iori, malabo iyan. Alam natin kung gaano kaulol iyang si Jael kay Solaire. Kulang nalang gawin niyang relihiyon at pagawan ng santo..." Pagbibiro ni Zyris at tumawa.
Iori hissed and rolled her eyes. "Bahala kayo. Just ask Jael about it—"
"Ask me what?"
I gasped when Alexius intervened the conversation. Mukhang pati ang iba ay hindi napansin ang presensya niya. Tumingin lahat sa kanya nang magsalita siya. Pagkatapos ay umingay bigla ang mesa dahil sa kumustahan at biruan. Habang ako ay nanatiling nakatayo rito at nagdadalawang-isip kung makikisama pa ba. They looked happy. Sumigla at naging energetic ang Counterclockwise. Hindi gaya kanina noong dumating ako, parang napipilitan lang.
I smiled weakly. Now, I get it.
Siguro mas mabuti kung umuwi nalang ako. My presence is not needed here just like before. May posibilidad pa na masira ko ang kasiyahan dahil hindi ako maayos. I'm very sensitive and emotional. Ayoko ng gulo. I don't want to have an issue with Counterclockwise. May mauungkat pa na nakaraan at pagpipiyestahan ng mga tao iyon. I don't want that to happen.
I sighed deeply and moved a step backward.
I should go...
Babawi nalang ako kay Marahuyo sa mismong engagement party niya.
Pero bago ako tuluyang humakbang, narinig ko pa ang boses ni Alexius na kinukumpirma kina Xandro na wala na talaga kaming dalawa. Tangina. Para sa kanya talaga, wala na kami. His friends were all shock and confused. Then, if that's the case, we should have a formal talk about it. We should make this breakup official and a mutual decision. Para hindi na ako masaktan pa.
My eyes watered when I witnessed the next scene in that table. He took a sit beside Iori at ang mga walanghiyang former bandmates ko ay tinutukso pa silang dalawa. My knees weakened when he only shook his head from the teasing. Nakangiti rin siya at nakikisabay sa biruan.
He looked happy. He's smiling again. Hindi gaya noong nakaraan na makita lang ako, parang papatayin ko siya sa sakit. His happiness is what only matter for me. Kahit hindi na ako ang dahilan.
BINABASA MO ANG
Tainted Melodies (Ciudad de Escalante #5)
Ficção Adolescente𝐂𝐢𝐮𝐝𝐚𝐝 𝐝𝐞 𝐄𝐬𝐜𝐚𝐥𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟓/𝟖 𝗦𝘂𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀 𝗶𝘀 𝗴𝘂𝗮𝗿𝗮𝗻𝘁𝗲𝗲𝗱 𝗶𝗳 𝗼𝗻𝗹𝘆 𝗦𝗼𝗹𝗮𝗶𝗿𝗲 𝗙𝗲𝗿𝗴𝘂𝘀𝗼𝗻 𝗱𝗼𝗲𝘀𝗻'𝘁 𝗵𝗮𝘃𝗲 𝗮 𝗰𝘆𝗻𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗮𝗳𝗳𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗳𝗹𝗶𝗿𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝘂𝘀 𝗹𝗲𝗮𝗱...