That fucking stalker is crazy and insane. Sino bang nasa matinong pag-iisip ang gagawa no'n? Wala. Because no one in his right mind will secretly film a video of someone who's doing their private thing.
Hindi lamang ako ang maapektuhan kung hindi si Alexius na may malaking trauma sa mga bagay na ganoon. It took him years to move on from his scandals before. Nagsisimula palang niyang ayusin ang sarili niya. Hindi ko hahayaan na maulit pa.
I sighed as I stared at the mini resort where he wanted us to talk. Hindi ko lubusang mahanap ang lakas na bumaba ng kotse ngunit mas nakakatakot ang mangyayari kung hindi ako tutupad sa napagkasunduan. Once I break it, baka bukas laman na kami ng balita at kung saan saan na kumalat ang pribadong video naming dalawa.
It wasn't only kissing. Alexius and I had sex after and that bastard used that to blackmail me. Just three dates. When he called me last time, he said if I had three damn dates with him, he'll delete it. Hindi na rin niya ako aabalahin pa at ititigil na ang pagkuha sa akin ng mga larawan basta pagbigyan ko lang siya sa mga kondisyon na iyon.
Breathe, Solaire.
Breathe...
Bahagyang nanginginig ang aking mga kamay nang buksan na ang pintuan ng kotse. Awtomatikong napayakap naman ako sa aking sarili nang umihip ang malamig na hangin. I maintained my posture and remind myself to be calm as much as possible. Hindi dapat ako makitaan na natatakot o naapektuhan.
Sa huling pagkakataon, huminga ako nang sobrang lalim bago tuluyang pumasok sa loob. I think he rented the whole place. Nanlalambot ang aking binti habang tinatahak ang daan. Wala akong maramdaman na presensya bukod sa aking sarili. Pero hindi mo naman mararamdaman ang pag-iisa. The ambiance is cozy and well decorated.
Halatang pinaghahandaan para sa araw na ito, para sa akin. Even so, this ain't flattering nor it will make me happy.
Huminto ako sa paglalakad nang matagpuan na ang eleganteng mesa na nakahanda sa gitna. May pagkain na rin roon at isang bote ng wine. Maganda ang pagkakaayos ng lahat at parang nasa fine dining ako. Medyo nawala ang aking takot dahil sa nakikita sa paligid. Madaming open space at kung may mangyari man na hindi maganda, makakatakas ako kaagad o makakatakbo ng walang kahirap-hirap.
"Akala ko hindi ka pupunta..."
I stilled and my anxiousness came back in a snap when I heard a voice behind me. Nanatili akong nakatalikod at nagsisimula na ring lumakas ang dagundong sa aking dibdib. Mariin akong napapikit nang marinig na ang yapak ng kanyang paa na papalapit sa aking direksyon.
His voice is not familiar. Noong nakausap ko, wala ako ni katiting na ideya kung sino siya. Ang alam ko lang, he's my fan. An obsessed fan boy. A certified freak. Douchebag. A perfect example why men are trash. Nang maramdaman ko na tuluyan na siyang nakalapit, unti-unti kong binuksan ang aking mga mata.
The first thing I saw is his black shoes. He's wearing a formal attire. Nasa loob ang dalawang kamay niya sa kanyang bulsa. Tapos, dahan-dahan kong pinasadahan pataas ang aking paningin. Mula sa paa, binti, katawan at ang panghuli... ang mukha.
My breathing stopped when I could finally familiarize who he was.
"Ulysses..." I whispered.
I swallowed hard when he smiled.
"Buti, natatandaan mo pala ako," aniya at tumawa.
Bumilis ang aking paghinga at pilit na pinoproseso ang lahat. Itong taong ito ang nagpapadala ng mga mensahe at larawan ko? I met him in Bohol. Doon palang hindi na ako naging komportable sa kanya. Sinundan ba niya ako rito? Fuck. He's really creepy!
"Here, take a sit..." he uttered and pulled a chair for me. Napalunok ako at walang nagawa kung hindi umupo nalang at ibaling ang atensyon sa mga nakahanda na pagkain sa mesa. Are these food even safe? Paano kung may pampatulog o hinalong gamot dito?
"I didn't put anything if that's what your thinking. Bigyan mo lang ako ng oras at kumain kasama ko, iyon lang. I'm not a greedy person, Solaire. Sapat na sa akin ang ganito kaya ito lang ang kondisyon ko," wika ng taong nasa aking harapan habang nilalagyan na ng pasta ang aking plato.
So this is what he only wants? Have dinner with him?
"Three dates, right? Tapos okay na 'di ba?" paninigurado kong muli.
Walang alinlangan siyang tumango.
"Oo. Just keep your word and I'll keep mine," dagdag niya kaya nabawasan ang bigat na dala-dala ko magmula kanina.
I don't want to trust him but I hope he's true to his word. Na pagkatapos nito, hindi na niya ako guguluhin at i-de-delete na ang mga larawan na kinuha niya. At ang pinakaimportante, ang video na maaaring makasira sa pagkatao namin ni Alexius.
"Ah, by the way. Pinapaimbestigahan mo na pala ako. Tell your investigator to stop, or things might go wrong..." He said as he opened the wine and poured it into his glass.
"Sure, I'll tell him..." tipid kong sagot at pinaikot na ang noodles sa aking tinidor.
I don't trust anything especially this food infront of me but this is the only way to know if he's sincere. I should take a risk. Kapag nakauwi ako ng ligtas at walang nangyaring masama pagkatapos nito, malaki ang chance na tumutupad talaga siya sa kasunduan naming dalawa.
"So, where do you want to go for breakfast?" tanong ni Alexius habang sinisimulan nang paandarin ang makina ng sasakyan. Parehas ang oras ng unang klase namin ngayong araw kaya sinundo niya ako sa bahay.
"Hmm, sa Coffee Shack nalang," sambit ko na nakapagpakunot ng kanyang noo.
"Coffee Shack?"
"Yup. Their cappuccino taste really good..." Dugtong ko at inayos na ang seatbelt.
"Okay, let's go there. I haven't tried anything in their menu. Or we had already?" Hindi sigurado niyang tanong kaya nanliit ang mata ko upang alalahanin din.
Alexius and I are fond of coffee and pastries. Sa bawat lugar na napupuntahan o tina-travel namin, hindi pwedeng hindi kami dumaan saglit sa mga nadaanan na coffee shop. We like the scent inside and also, to capture an aesthetic pictures.
"Hindi pa yata natin napuntahan. Nitong nakaraang araw ko lang din sinubukan doon. First time..." ani ko at tumingin sa labas.
"With who?" Panibagong tanong niya na nakapagpatigil sa akin.
With who...
I was caught off guard for a moment when I remembered that Coffee Shack was where and I Felix met to talk about the investigation. Hindi kasi masyadong kilala kaya doon ang napili kong lugar. Damn, why did I even suggest it?
"I'm with Ranti..."
Nanliit ang aking boses nang sabihin iyon. Suddenly, I became uncomfortable in my seat. Nakahinga ako nang maluwag nang tumango lamang siya at nagpokus na sa pagmamaneho. Wala ng karugtong ang tanong kanina at napunta na lamang sa ibang usapan.
Habang ako sa passenger seat ay patuloy na pinanlalamigan ng tiyan dahil sa pagsisinungaling. I looked away and bit my lower lip. I couldn't look at his face knowing I just fucking lied minutes ago. But for now, this is the right thing to do. Sasabihin ko naman agad kapag maayos na.
"See? I told you their cappuccino taste good. Ano pa kaya ang best seller nila rito? I want to try another one too..." pahayag ko at tumingin sa menu na naka-display.
Labis ang pasasalamat ko nang walang masyadong customer sa Coffee Shack. Bukod sa sobrang aga namin na narito, nakakuha kami ng magandang pwesto na medyo tago sa mga tao. Someone might recognize us. Although, we don't mind if someone will see us together. Mas maganda lang na kahit relasyon namin ay pribado kahit papa'no.
"Ah, mga frappé din po namin, Sir, ay highly recommended," dinig kong sambit ng waitress na tinawag pala ni Alexius para magtanong.
"How about your donuts? What would you recommend?" tanong ko sa waitress dahil hindi pa ako nabubusog sa mga in-order kanina. Madami pa naman oras at hindi naman kami male-late sa klase kaya maganda na manatili muna rito. It's been such a long time since we spend our morning together.
"Oh my gosh! Solaire Ferguson? Hala, kayo nga si Solaire! Shit!"
I smiled when the young waitress become hysterical while observing my face. Patuloy na sinusuri kung ako ba talaga ito. Natawa kami ni Alexius sa kanyang reaksyon dahil nanginginig ang mga kamay nito habang hinahawakan ang cellphone.
"Pwede po selfie? Idol ko po kayo! Promise!"
"Sure, sure..." Nakangiti kong sabi at pinagbigyan ang gusto niyang selfie. She asked for an autograph too. Ngumiti muli ako nang malapad habang nilalagdaan ang bondpaper. Ang waitress naman ay nasa tabi ko at namamangha akong pinapanood sa pagpirma.
"Sobrang ganda niyo po talaga sa personal! Kayo po pala talaga 'yung nakita namin last week dito. Grabe ang swerte naman po ng boyfriend niyo—"
I gasped when the young waitress stopped talking and looked confusedly at Alexius.
"Hmm, is there something wrong, Miss?" Tanong ni Alexius at iniabot na sa kanya ang autograph na hiningi.
Marahil ramdam na rin ang makahulugang titig ng waitress. I pressed my lips and the uncomfortable feeling I'm dealing with earlier came back. Parang may kung anong tumatakbo sa isip ng empleyado habang nakatingin sa kasama ko.
"Kayo po siguro 'yung boyfriend ni Ms. Solaire, no? Sabi ko na, eh. Hindi kasi sila bagay. Mas gwapo po kayo sa lalaking kasama niya noong nakaraan. Ang swerte niyo po sa isa't isa and thank you po pala sa autograph!" masayang wika ng waitress bago bumalik sa trabaho.
I blinked from what I heard. Halos mabingi ako sa pintig na nagkakarerahan sa aking dibdib. Napalunok ako at unti-unting naramdaman ang kahirapan sa paghinga. Bumaling ako kay Alexius na nakatingin na sa akin. His eyes are full of questions and confusion.
Nablanko ang utak ko at hindi alam anong dapat sabihin. I couldn't afford to say another lie. Ayoko rin na tumahimik pa dahil mas mahahalata na may mali sa mga nangyayari. Yumuko ako at hinayaan na pumagitna ang katahimikan sa aming dalawa.
Pero hindi iyon nagtagal. Alexius chuckled playfully to break the deafening silence.
"Maybe, she's mistaken. You just went here once, and you're with Ranti, right?" aniya na nakapagpaangat sa aking ulo.
My lips trembled, but I still managed to speak.
"Y-Yup..." nanghihina kong sambit at sumimsim na lamang sa kape na in-order.
Gaya kanina sa kotse, tumango lamang siya na parang hindi bigdeal iyon. Hindi na nagtanong pa ng kung anu-ano. Ngunit tila mas gusto ko na lang na magtanong siya para wala akong choice kung hindi magsabi. He's just accepting my answers without a doubt. He's not pressuring me. And that's what makes my heart heavier than what it was. He trusts me so much and I hate myself for doing this to him. I hate myself for lying. I hate myself from keeping these things. I hate being like this.
![](https://img.wattpad.com/cover/250002618-288-k415552.jpg)
BINABASA MO ANG
Tainted Melodies (Ciudad de Escalante #5)
Teen Fiction𝐂𝐢𝐮𝐝𝐚𝐝 𝐝𝐞 𝐄𝐬𝐜𝐚𝐥𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟓/𝟖 𝗦𝘂𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀 𝗶𝘀 𝗴𝘂𝗮𝗿𝗮𝗻𝘁𝗲𝗲𝗱 𝗶𝗳 𝗼𝗻𝗹𝘆 𝗦𝗼𝗹𝗮𝗶𝗿𝗲 𝗙𝗲𝗿𝗴𝘂𝘀𝗼𝗻 𝗱𝗼𝗲𝘀𝗻'𝘁 𝗵𝗮𝘃𝗲 𝗮 𝗰𝘆𝗻𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗮𝗳𝗳𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗳𝗹𝗶𝗿𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝘂𝘀 𝗹𝗲𝗮𝗱...