I hope I'll not regret this decision.
Ang hinihintay ko nalang ngayon kung kailan ako magiging handa dahil alam kong kahit paghandaan ko man ito, masasaktan pa rin ako sa huli. I should do everything to minimize the pain atleast. Kailangan kong masanay at paunti-unti nang itatak sa sarili na mawawala na talaga ang mayroon sa aming dalawa. But everytime I think about it, it feels like I'm dying slowly.
It is the same pain when I lost my kid. Or even worst than that. I couldn't let him go that easily. I couldn't get the strength to say goodbye. But I have to. My grip so I can stay in our relationship only makes his life harder. Bumitaw na siya para hindi na nga mahirapan pero ako itong hila pa nang hila sa kanya pabalik.
To: Alexius
Can we talk? When are you free?
To: Alexius
Don't worry. I will not force you to come back to me anymore. You're right. This isn't working. Let's end this properly.
"Ma'am Solaire, nasa baba po si Sir Jael."
Napatayo ako sa kinauupuan nang sabihin iyon ng isa sa mga kasambahay. Kahit wala naman dapat ayusin, mabilisan akong nagsuklay ng buhok at inayos din ang pagkakatali ng aking roba. Kakatapos ko lang din maligo at magbibihis mamaya para sa engagement party ni Marahuyo. What is he doing here, anyway? Sinusundo ba niya ako? It's impossible. Sobrang aga pa at malabong gustuhin niya na sabay kaming pumunta.
Or maybe he already read my text? Ilang araw na ang mga iyon, ah? Pero mas mabuti nga na gawing pormal ang paghihiwalay bago dumalo sa party. Para kung sakaling tanungin kami ng mga nakakakilala, nagtutugma ang sagot naming dalawa. May mga press din na naroon. I could finally release a statement that I'm single if a reporter ask me. Hindi ko na kailangan pang magpaligoy-ligoy dahil iyon ang gawain ko sa mga interview lately. Gano'n naman na ang ginawa niya.
"Ayaw pong umakyat, eh. Pinapakuha nalang po sa akin 'yung invitation daw po," dagdag ng kasambahay kaya natigilan ako sa pagsusuklay.
Invitation?
That's why he's here?
I took a deep breath and picked the invitation on my dressing table. Sa akin pala ibinigay ni Marahuyo dahil expect niya na sabay kaming darating. Nakalimutan ko palang ibigay o iwan sa condo niya noong huli akong pumunta.
"Here..." Tipid kong saad at inabot na sa kasambahay ang pinapakuha niya.
I pursed my lips as I stared at the invitation. I am also hesitant to went downstairs. Baka ayaw niya rin akong makita. Siguro, imbitasyon lang talaga ang sadya niya kaya hindi ko na kailangan pang bumaba. Unless, he wants us to talk now. I can make time for it. I'm ready. I prepared myself for that. Wala namang magbabago, hindi ba? Pain is constant.
"Invitation lang ba talaga? Wala ng ibang sinabi?" Pagbabakasakali kong muli para matigil na sa anumang iniisip. Because even if I denied it, I'm still hoping that he wants to talk to me. Or see me at least.
"Wala na po, eh. Iyon lang yata 'yung sadya."
Bumagsak ang balikat ko sa sinabi ng kasamabahay. Mabagal akong ngumiti at humarap na lamang sa salamin. Hindi na ako nag-abala pa na magtanong at inabala nalang ang sarili sa pagsusuklay. Kinalaunan, umalis na rin ang kasambahay sa aking kwarto. And while I'm combing my hair, I was still wishing and desperately hoping that someone will enter my room. Hindi bale ng kasambahay muli iyon na nagsasabi na bumaba ako at gusto nya akong makausap.
Or Alexius himself.
I will be really glad if it's him.
But minutes had passed, and no one came. Nanghihina kong ibinaba ang suklay nang marinig na ang tunog ng kotse sa labas. Kasabay no'n ang pagsara rin ng gate namin. Sumilip ako sa bintana at nakita ang kotse niya na papalayo. I snorted in everything I realized. What are you doing, Solaire? Hindi dapat ako umasa pa. He wouldn't run into me anymore. Nasampal na ako ng katotohanan na iyon.
"Air, what's that? You two really broke up?" Nalilitong bulong sa akin ni Xandro.
Hindi ako tumingin sa kanya at patuloy na nakangiti at kumakaway sa mga camera na nakatapat sa amin. Nagkaroon ng maikliang interview bago magsimula ang party. This is what I'm talking about. Hindi imposible na hindi kami lapitan ng mga press. Sikat si Marahuyo at ang ibang dumalo ngayong gabi. I was interviewed with the Balaclava, a boyband. Member doon si Xandro at si Haze na naka-collab ko na dati.
"Narinig mo naman ang sinabi ko kanina. It's true. Hmm, mamaya nalang natin pag-usapan. Magsisimula na ang program," pabulong ko ring sabi habang tinatahak ang daan patungo sa aming mesa.
As I expected, matatanong talaga ang relationship status ko. I said I'm finally single. Hindi ko alam kung bakit gulat pa ang kaibigan nitong si Alexius. Take note, he's also Iori's cousin. Pinangalandakan na ng babaeng iyon na wala na kami kaya bakit hindi pa rin makapaniwala? I bit my lip when Xandro hissed in frustration and pulled me away from the crowd. Napasinghap ako at nataranta. What the hell he's doing?
"Ano pa bang gusto mong marinig? Didn't Alexius tell you? Wala na talaga kami," giit ko nang huminto kami sa parte nang walang masyadong tao.
Naramdaman kong muli ang kirot sa bandang dibdib ko pagkatapos sabihin iyon. May epekto pa rin sa akin. I couldn't still fully accept it. Hindi ko alam paano nagagawa ni Alexius na ngumiti pa pagkatapos sabihin na wala na kami. Because right now? I just wanna go home and cry inside my room until it gets better even just a little. Pero kailangan kong tiisin lahat para kay Marahuyo. This is her night. Nangako ako na pupunta at tatapusin ang event.
"What did he do? Tell me, Solaire. I'll help you. Did he do something stupid? Sinaktan ka ba niya? I'm his friend, and he'll listen to me. You know that."
Nanunubig ang mata ko at umiling bilang sagot sa kanyang tanong.
"Hindi. Hindi niya ako sinaktan. Everything's my fault. Thank you, Xandro. But I think it's better this way," I stated in a dry and low tone.
Xandro sighed and nodded slowly. Ngumiti lang ako ng tipid at nagpaalam nang pupunta sa mesa. I stopped halfway when I saw our table. Sina Devan at Zyris palang ang nakaupo roon. Alexius is not yet here? Kung kami pa, kukuhanin ko na dapat ang cellphone ko para tawagin o i-text siya. But we're not together anymore. Pinasadahan ko nalang ang paligid. Maybe, he's just around. Ngunit maging sa mesa ng Counterclockwise at ibang co-models niya, wala akong nakitang imahe niya.
Huminga ako nang malalim at itinago ang cellphone. I shouldn't care. Sasaktan ko lang ang sarili ko.
"Sorry, ngayon lang. Ang daming tanong nung nag-i-interview. Dumating na raw ba si Marahuyo?" I asked when I reached our table.
"It's fine, and yeah. I heard she just arrived..." si Devan at inabot sa akin ang bag ko na pinabantay sa kanya kanina.
Tumingin naman ako kay Zyris at siya ang binati ko. Siguro, dumating siya noong ini-interview ako. Kaming dalawa lang kasi ni Devan ang nasa mesa kanina. Habang si Xandro, kailangan nakaupo kasama ng mga kabanda. Alexius' friends looked amazing and insanely handsome tonight just like everyone else. Lahat ay naghanda talaga para sa araw na ito.
"Si Jael?" Zyris asked after he showered me with compliments. Sa katunayan, kanina pa rin ako nakakarinig ng papuri. Pinaghandaan ko rin ang araw na ito kahit simpleng stretch-chiffon cranberry dress lang ang suot ko.
"Huh?" I chuckled at his question to me. Pagkatapos ay nagkibit-balikat ako bago magsalita ulit.
"Am I supposed to know that?" natatawa kong tanong. Kumunot ang noo ni Zyris at umiling ng hindi makapaniwala. His reaction is like Xandro a while ago. Hindi ba sinabi na sa kanila na wala na talaga kami? Bakit sa akin pa itinatanong ang bagay na iyon?
"LQ na naman kayo? Ayusin niyo 'yan. Break-up, my ass. Kayong dalawa? Magbe-break? Tsk," panunuya niya at uminom ng tubig. I scoffed and looked at Devan who's only silent. Tila naghihintay din siya sa anong sasabihin ko.
I smiled weakly.
"Break na talaga kami. Sinabi na sa inyo 'yan hindi ba? That's true..." I affirmed.
Please, don't make me repeat it anymore. Maniwala nalang kayo. Ang sakit ulit-ulitin ang bagay na iyon. Oo, hindi kapani-paniwala dahil apat na taon kami pero anong magagawa ko? Iyon na ang hantungan. Nagkasakitan na kami. Hindi naman pwedeng ipilit pa. This is what Alexius wants.
Zyris smirked. "Break na kayo? Eh, halos baligtarin ng gagong iyon ang buong bar no'ng bigla kang nawala. Nagalit pa sa akin dahil hindi raw kita binantayan nang maayos. Bakit ka pala umuwi agad?"
I repeatedly blinked while looking at Zyris. What did he say? Halos baligtarin ang buong bar? When was that? Noong nag-aya si Marahuyo? He searched for me on that night?
Bakit? Nag-aalala ba siya?
"Sumama ang pakiramdam ko. Sorry, hindi na nakapagpaalam," I absentmindedly replied because I'm still dumbfounded from what I heard.
At hanggang sa magsimula ang engagement party at matapos, iyon ang nasa isip ko. Hindi dapat ako nagpapadala at nagsasaya na lamang kasama ng ibang bisita pero hindi ko nagawa. Ilang beses ko nang pinaalalahanan ang sarili hindi ba? Pero maging ang sarili ko, pinagtataksilan ako. I shouldn't care. I shouldn't assume. I shouldn't hope anymore that there's still a chance. Pero sa tuwing makakarinig ako o makakakita na pwede pa, hindi ko kayang hindi umasa. Kahit sobrang liit na bagay, panghahawakan ko pa.
Damn. This isn't right. I don't want to hurt him if I still push this.
"Hindi ka pa ba tinext? I'll let you know if he already answers my calls," sambit ni Devan nang marating na namin ang tapat ng kwarto ko.
Even though I'm not in my good shape, I enjoyed it and had fun. Pansamantalang nakalimutan ko lahat ng mga pinoproblema ko. Hindi pa nga tapos ang party at hanggang ngayon, may nag-i-inuman pa kaso ay pagod na ako. Halos buhatin nalang nga ako ni Devan para makarating sa kwarto. I couldn't even walk properly. Gladly, Marahuyo prepared a room for us in this hotel. Dahil kung uuwi pa ako, hindi ko na kaya. Marami-rami rin akong nainom kanina.
"I didn't receive any text. Matagal na talaga kaming hindi nag-uusap so there's no need to inform me. Try asking Iori. Baka sa kanya nagsabi siya. I should go inside now. Thank you," I said and swiped my card to open the door.
Nginitian kong muli si Devan bago tuluyang pumasok sa kwarto. Nang maisara, napasandal ako sa pintuan dahil sa hilo at pagod. Pero gamit ng natitirang lakas, kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang inbox. Kahit alam kong wala namang makikita, I still did. I'm worried. Alexius didn't attend the party. But he went to the house to get his invitation. Bakit pa kukuhanin kung hindi naman pala pupunta?
Pinilig ko ang aking ulo at umalis sa pagkakasandal. I should stop this. Yes, that's the right thing to do. I should take a quick shower and go to sleep. Itutulog ko nalang ang lahat ng kahibangan na ito.
"The night is still young. You should've stayed longer. Did your boys bore you?"
Napapitlag ako at halos maibato ang cellphone nang may magsalita sa kwarto. My lips parted in aghast when I perceived a silhouette. Nangangatog ang tuhod kong naglakad palapit sa switch ng ilaw at agad iyong sinindi. I gasped when the lights brightened up the whole room and everything become visible.
Napaatras ako sa kinatatayuan nang makita si Alexius na nakatayo sa gilid ng kama. I blinked multiple times to confirm if I'm seeing a right thing. Kanina pa ba siya nandito? Since when did he came? Nag-aalala ang lahat sa kanya magmula kanina!
His hair is messy and damp. Mukhang kagagaling lang sa shower. Base sa ayos ng kama, mukhang may natulog na roon. So he's sleeping here the whole time? Sa kwarto ko pa?
"This is also my room. Marahuyo thinks we're still together. Didn't you tell her?" dagdag niya na parang nabasa ang naiisip ko.
"Hindi ko pa, pero huwag kang mag-alala. Malalaman naman din ng lahat na wala na tayo. I already released a statement earlier that I'm single," sambit ko at naglakad papunta sa closet. Mabuti naman ay may available na damit at gamit dito.
"Single, huh? That was why..." He chuckled as if he was mocking something. Kumunot ang noo ko at napayakap sa roba at damit na pampalit.
"That was why?" I asked in confusion. Hindi ba iyon naman ang gusto niya? Na huwag ko nang ipagpilitan ang lahat at sumang-ayon nalang ako sa paghihiwalay na gusto niya. Then, I'm doing it right now. I just started to do it even if it's hard for me.
"That was why your stupid boys have the guts to hit on you. Well, who wouldn't miss the chance anyway? They waited too long for you to become single," aniya kaya napasinghap ako at napaharap sa kanya. What boys he was saying? Iyong kanina ba? He saw it? Well, hindi ko naman inaasahan na may mga fans palang mag-a-approach sa akin sa party.
"Kahit noong tayo pa, marami na talagang may gusto sa akin. So what's the problem with my boys now? They are not stupid. They are my fans. I should be nice," giit ko.
His face darkened as he deeply stares at me. I knew that expression that well. Galit siya at may posibilidad na mag-away lang kami. Nakakapagod na. At bakit pa ako nagpapaliwanag? Hindi naman niya pinapaniwalaan o binibigyang halaga ang lahat ng sinasabi ko. I sighed and turn my back against him. Nagpatuloy nalang ako sa paghahalungkat ng pwedeng masuot sa closet.
"I'm not referring to your fans who asked for a picture. Damn, they're obviously in high school. Sa tingin mo ba pag-iisipan ko ng masama ang mga batang iyon?" He ridiculed.
"Oh, then who? Si Haze? The Campoverdes? or 'yung Sebastian—"
"All of them!" he scowled and walked nearer to me.
I scoffed and shook my head. Matutuwa na sana ako kung nagseselos siya kaso hindi. He's only thinking the worst of me. Iyon ang mas nangingibabaw. Na kaka-announce ko palang na single ako, may nilalandi na akong iba? Ganoon ba? Hindi ba pwedeng nakikisama lang kanina sa party? Nilalapitan ako, alangan naman pagtabuyan ko sila palayo? Noon, may rason ako para makaiwas dahil may boyfriend pero ngayong wala na, wala akong maisip na dahilan para hindi makipag-usap sa kanila."I don't have time for this and for your nonsense accusations," I tiredly stated. Lalagpasan ko na sana nang hawakan niya ang braso ko at pinabalik sa pwesto.
"Nonsense? Do you call this nonsense? You just made me feel shit out there," matigas niyang sabi kaya napaawang ang bibig ko.
"Shit? I made you feel like shit? Kailan ko ginawa iyon?" pagalit kong utas dahil parang kasalanan ko na naman ang lahat. Ano na naman bang ginawa ko para magalit siya ng ganito? Hindi ko na talaga alam ang pumapasok sa utak niya.
He went silent after I dropped those words. I had a short intake of breath when his jaw hardened.
"You know what? Let's stop this. Wala nang patutunguhan ang pag-uusap na ito. I'm tired and drunk... and... and you're mad at me again," I uttered in frustration. Hinawi ko ang kamay niya na nakahawak sa aking braso pero gaya kanina, hinawakan niyang muli iyon at hinila ako palapit.
I sighed.
"Alexius. We should stop hurting each other. Nabasa mo naman ang text ko sa'yo hindi ba?" I stated. Pumungay ang kanyang mata at dahan-dahang tumango. Pain inflicted me once again. Nakakasawa na masaktan.
"Let's talk about it later. Magbibihis lang ako..." I declared.
"Yeah... We should..." Namamaos niyang sabi at mabagal na pinakawalan na ang aking braso.
Mukhang kumalma na rin siya kahit papaano at makakapag-usap na kami nang maayos. I looked away from his intense eyes. Sinikap kong hindi kumurap habang nasa harapan pa niya. Dahil kung kukurap ako, unti-unti nang tutulo ang mga mamumuong luha. I don't want him to see me like this.
I breathed deeply one last time before walking inside the bathroom. At nang makapasok na, nanlambot ang mga tuhod ko at napasandal sa pintuan. Sa sink counter na lang ako kumukuha ng suporta para makatayo nang maayos. Kanina ang tapang tapang ko sa harapan niya. But now we'll finally talk about that fucking breakup... ayoko nang lumabas pa sa banyo.
BINABASA MO ANG
Tainted Melodies (Ciudad de Escalante #5)
Teen Fiction𝐂𝐢𝐮𝐝𝐚𝐝 𝐝𝐞 𝐄𝐬𝐜𝐚𝐥𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟓/𝟖 𝗦𝘂𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀 𝗶𝘀 𝗴𝘂𝗮𝗿𝗮𝗻𝘁𝗲𝗲𝗱 𝗶𝗳 𝗼𝗻𝗹𝘆 𝗦𝗼𝗹𝗮𝗶𝗿𝗲 𝗙𝗲𝗿𝗴𝘂𝘀𝗼𝗻 𝗱𝗼𝗲𝘀𝗻'𝘁 𝗵𝗮𝘃𝗲 𝗮 𝗰𝘆𝗻𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗮𝗳𝗳𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗳𝗹𝗶𝗿𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝘂𝘀 𝗹𝗲𝗮𝗱...