Every child deserves a parent, but not every parent deserves a child. Before, that line doesn't sound deep to me. I don't also know what it's really trying to point out. I thought it was just a reminder for those parents to take responsibility for making a new life.
Pero ngayong may nasasaksihan sa mismong harapan ko, unti-unti akong naliwanagan. Naningkit ang aking mga mata at humigpit ang pagkakahawak sa manibela nang makita ang dalawang bata sa tabi ng simbahan.
"Sabi ko kasi sa'yo, sumabay ka na. Naabutan mo tuloy ang traffic diyan," nanunuyang sambit ni Xandro sa kabilang linya. I cursed in my head when I realized that another five minutes had passed but I'm still stuck here.
"Tsk, hindi ko naman alam na ganito pala kagrabe," iritable kong saad at binalik ang tingin sa dalawang bata na kanina ko pa pinapanood. The traffic here in Ciudad De Amores really sucks. Wala talagang usad.
I sighed and leaned against my seat while still watching those two kids — one little boy that seemed older and the other one is a girl, sitting at the dirty pavement. Hula ko'y limang taong gulang na ang lalaki at ang babae ay dalawa o tatlo.
They're not beggars based on their not-so-dirty and saggy clothing. Kapuwa may bitbit na sampaguita sa mga kamay. Binebenta nila siguro iyon dahil inaalok nila sa mga taong lumalabas sa simbahan.
I scoffed. Really? At that age? They are working already? They should be at their home, studying! O kaya naman ay naglalaro sa kapwa bata. Where are their parents, huh?
At parang may nakarinig ng tanong sa utak ko nang makita ang paglapit ng isang payat na babae. She looked in her early thirties. Gaya ng nga suot ng mga anak, kumukupas at sobrang luwang at luma na ng damit. Magulo ang kanyang buhok. Sa tingin ko rin ay nanggaling sa mabigat na trabaho dahil sa mabilis na pagtaas-baba ng kanyang dibdib.
Habol niya ang kanyang paghinga habang inaalalayan ang anak na babae na tumayo sa maduming semento. I bit my lip when the little girl said something while caressing her stomach. She's hungry. Tumango ang kanilang ina, ngumiti at hinaplos ang ulo ng dalawang bata.
A warm feeling touched me when the mother hold her children's hands. Maybe, they were going home already. Pagabi na rin naman at dapat hindi na pakalat-kalat rito sa labas ng siyudad. Akmang aalis na nang pumagitna ang isang matangkad na lalaki.
He's puffing some cigarette. Mukha ring lasing. My lips parted in agape when he pushed the mother's shoulder. Tapos, kinalkal ang damit nito at sapilitang kinuha ang mga pera. The man laughed while counting the money he got from her wife. I shook my head in anger. I don't want to judge him, but he looked... good-for-nothing.
What a bastard. Dapat siya nag naghahanapbuhay para sa pamilya. Tangina.
At akala ko hanggang doon lang ang irita ko sa nasaksihan. The next thing he did, really surprised me. He fucking hit the mother's head! Malakas iyon dahil napaupo siya sa sahig. Humakbang ang batang lalaki para protektahan ang kanyang ina.
The little girl cried. They all looked worried and anxious. Damn it! I am too! Halos hindi na rin ako makapirmi sa pwesto. What the hell he's doing? How could he hit a woman?! Mga tanginang iyan, dapat hiniwalayan! Remember what Frederick Douglas said? It's fucking easier to build strong children than to repair a broken man!
"Hoy, Jael!"
Natigilan ako sa panonood nang marinig ang boses ni Xandro. Nag-iinit ang ulo kong kinuha ang cellphone at tinapat sa aking tenga. I forgot I'm talking to him.
"Gago. Nandiyan ka pa?"
"Nandito pa!" naiinis kong sabi. I couldn't really hide my anger from that bastard.
BINABASA MO ANG
Tainted Melodies (Ciudad de Escalante #5)
Teen Fiction𝐂𝐢𝐮𝐝𝐚𝐝 𝐝𝐞 𝐄𝐬𝐜𝐚𝐥𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟓/𝟖 𝗦𝘂𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀 𝗶𝘀 𝗴𝘂𝗮𝗿𝗮𝗻𝘁𝗲𝗲𝗱 𝗶𝗳 𝗼𝗻𝗹𝘆 𝗦𝗼𝗹𝗮𝗶𝗿𝗲 𝗙𝗲𝗿𝗴𝘂𝘀𝗼𝗻 𝗱𝗼𝗲𝘀𝗻'𝘁 𝗵𝗮𝘃𝗲 𝗮 𝗰𝘆𝗻𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗮𝗳𝗳𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗳𝗹𝗶𝗿𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝘂𝘀 𝗹𝗲𝗮𝗱...