CHAPTER 16: Meet Lola

1.2K 40 1
                                    

"L-Lola? What are you doing here?" Gulat na tanong ni Kade ng makita ang lola Lourdes n'ya. "Aray 'la! Aray!" daing ng binata ng makatanggap s'ya ng hampas at kurot mula sa matanda.

"Bakit parang gulat na gulat ka? Lagi naman akong dumadalaw sa'yo kapag nandito ka. At isa pa, nabanggit sa akin ni Valey na may girlfriend ka na. Call her Kade, I want to meet her."

Dire-diretsong naglakad papasok ang matanda sa bahay ng apo. Para itong inspector na nagmasid sa loob ng bahay ng binta. Kinabahan s'ya bigla dahil hindi pa nila natatanggal ang bakas ng dugo sa sofa dahil sa ginawa n'yang pagaangkin kay Evie noong nakaraang araw.

"Kade," tawag ni Evie habang pababa ng hagdan. Tumigil ang dalaga sa pagbaba ng hagdan ng makita ang matandang babae na masama ang tingin sa kanya. She's just wearing a t-shirt and underwear, kaya bigla s'yang nahiya.

"Who's this girl Kade?"

"S-She's my girlfriend lola." Kaagad na nilapitan ni Kade ang nobya. "Lola Lourdes meet Evie, girlfriend ko po. Evie, s'ya nga pala, si lola Lourdes. S'ya ang nagpalaki sa amin ni Valey nang mamatay ang mga magulang namin."

"H-Hello po lola Lourdes." Hahawakan na sana n'ya ang kamay nang matanda para manuhan ito nang ismiran s'ya nito.

"Apo, is she staying here with you?" Mataray na tanong ni Lourdes sa apo.

"Opo." tipid na sagot ni Kade saka n'ya inakbayan ang nobya at hinalikan ang ulo nito.

"Hindi pa kayo mag-asawa Kade!" wika ng matanda. His lola is conservative, at iyon din ang babaing gusto nito para sa kanya. Babaing hindi makabasag pinggan at mahinhin. Virgin at may magandang family background. Alam na alam ni Kade ang hinahanap ng kanyang lola para sa kanya.

Evie may not have an outstanding family and job background but she's the only woman he loves.

"Paano kapag nabuntis mo s'ya? Handa ka bang panagutan s'ya? Hindi mo nga sigurado kung s'ya na ba talaga ang babaing para sa'yo kaya bakit ibinabahay mo na kaagad?" Bumaling ang matanda kay Evie at tiningnan ito mula ulo hanggang paa. "Nasa legal na edad ka na ba ineng?"

"Lola! She's 22 years old. Anong akala mo  sa akin child molester?" Himutok ni Kade. "I'm ready to take responsibility. Papanagutan ko ang bata kung may mabuo man and this girl right here, she's the only one that I want to marry someday, lola." Matapang na pahayag ni Kade.

Wala s'yang pakialam kung kailangan n'yang suwayin ang lola n'ya kung sakali man na ayaw nito kay Evie. Ipaglalaban n'ya ang dalaga. Kung nagawa n'yang sumalo ng bala para kay Evie ay tatanggapin n'ya rin ang tungkod na ipangpapalo sa kanya ng matanda.

Nagsukatan ng tingin si Kade at ang lola n'ya. He's sweating and nervous. Hangga't maaari ay ayaw n'yang magkaroon sila ng alitan ng lola Lourdes n'ya.

"Lola, I also love your apo. Sana po ay 'wag na kayong magalit sa kanya kung ayaw n'yo man po sa akin." pahayag ni Evie kaya muling nalipat sa kanya ang tingin ng matanda. "Aalis na lang po ako rito sa bahay pero hindi po ako makikipag-break sa kanya." dugtong pa ni Evie.

"Hindi ka aalis iha sa pamamahay ng apo ko lalo pa't excited na akong magka-apo sa tuhod."

Nagkatinginan sina Kade at Evie dahil sa sinabi ng matanda.

"Ano ba kayo, relax. Tini-test ko lang kayo. Pasado ka sa akin iha. Napakaganda mo. Halika, kwentuhan mo ako kung paano kayo nagkakilalang dalawa ng apo ko." Kumapit sa braso ni Evie si lola Lourdes at hinila s'ya papuntang sala habang sinundan lang sila ng tingin ni Kade na hindi pa rin makapaniwala sa acting skills ng lola n'ya.

Test? So, boto na si lola kay Evie?

"Hindi po kayo galit sa akin?" tanong ni Evie.

"Hahaha hindi hija kaya makakahinga ka na nang maluwag. Ngayon ko lang nalaman na nagkaroon ng seryosong relasyon ang apo kaya hindi ko sisirain 'yon. Tsaka ngayon lang din naging cheesy si Kade. Kinilig ka ba sa sinabi ng apo ko?"

Babysitting The Retired Assassin | COA #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon