Walang nagawa si Evie kundi tanggapin ang bodyguard na inihatid sa kanya ng peke n'yang kuya-kuyahan. Natakot s'ya sa banta ni Acel na isusumbong s'ya sa kanyang Ninang Amanda. Hindi n'ya kadugo ang mga Guilbert pero sila ang tumulong sa kanya nang mga panahon na nag-aagaw buhay s'ya.
Sobrang pasasalamat n'ya sa pamilya lalo na sa kanyang ninang Amanda dahil sa kabutihang ipinakita nito sa kanya.Matalik na kaibigan ni Amanda Guilbert ang ina ni Evie na si Eras noong kabataan nila. Nang mabalitaan ni Amanda ang pagkamatay ng kaibigan ay kaagad n'yang hinanap ang mga anak ni Eras. Gusto n'yang mabigyan nang masaya at maayos na pamilya si Evie at Elly pero huli na dahil pumasok ang dalawa sa buhay na patalim at baril ang hawak para mabuhay.
Naging assassin si Evie sa Crowned Guild samantalang nakuha naman ni Elly ang posisyon ng pagiging kanang kamay ni Lord ng BlackFang.
"Pwede ko bang malaman kung saan mo pa inilagay ang mga booby traps mo?" saad ni Kade habang inililibot ang tingin sa loob ng bahay. Hindi naman pala ganun kasama ang loob kompara sa panlabas nitong itsura.
White and gray ang kombinasyon ng kulay ng dingding. Walang gaanong kagamitan pero nagkalat naman ang mga agiw at alikabok sa paligid.
"Secret," sagot sa kanya ni Evie saka s'ya nito binigyan ng pilyong ngiti.
Sinamaan n'ya ng tingin ang dalaga bago ito sundan papunta sa dining table na puno ng iba't ibang baril, kutsilyo at bomba. Para bang naghahanda ang dalaga para sa papalapit na giyera. Sandali n'yang pinanood si Evie habang naglilinis ng M4A15 Carbine na baril. Halatang hasang-hasa na ang dalaga sa tamang paghawak at pagkumpuni ng baril.
Sundalo s'ya pero hindi pamilyar kay Kade ang iba pang baril at bomba na kanyang nakikita."Ano ang dati mong trabaho?" tanong ni Kade. Iyon talaga ang kanina n'ya pang gustong malaman.
"Kuya Acel didn't tell you?" kunot noong tanong ni Evie sa kanya.
"Hindi."
"Oh ghadd! Pumayag ka sa trabahong hindi ka sigurado kung makakalabas ka ng buhay rito. That maggot just fool you! Akala ko ba magkaibigan kayo pero mukhang wala s'yang pakialam sa'yo."
"Pwede bang sagutin mo na lang ang tanong ko?" inis na saad ni Kade. Hindi s'ya natutuwa sa mapang-uyam na tono ng pananalita ng babaing kaharap n'ya.
"I'm a former assassin." sagot ni Evie sa kanya.
Assassin?
"Really?"
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Bibigyan kita ng pagkakataong mag-backout sa trabahong in-offer sa'yo ng loko-lokong 'yon dahil katulad ng sinabi ko ay kayang-kaya kong protektahan ang sarili ko." mayabang na pahayag ni Evie.
"Protect from what?"
"Tss. 'Ni hindi mo nga alam ang pinasok mong trabaho." Napapiling na sabi ng dalaga.
200,000/a month. Sino ba naman ang tatanggi sa in-offer na sahod ng mga Guilbert?
"I killed a lot of sinner and now, they are coming for me. Kung ayaw mong ako mismo ang bumutas ng bungo mo ay magsisimula na akong maglakad palabas dito."
Malilintikan talaga sa kanya si Acel kapag nagkita silang dalawa. Mas delikado pa ata ang babaing 'to kesa sa mga taong naghahabol dito.
BINABASA MO ANG
Babysitting The Retired Assassin | COA #1
Romance/F I N/ CITY OF ANGELS #1 Evie ✖️ Kade 🥀 Evie, also known as 'Moonflower' during her assassin duty, stepped down to her vicious throne in order to live a normal life. Her last mission took her right eye and leave her a scar that she will carry for...