"Did you find her?" tanong Evie sa kasamang si Aiken. Matapos ang pagtanggap n'ya sa marriage proposal ni Kade ilang araw na ang nakakalipas ay mas naging aktibo ang dalaga sa paghahanap sa kapatid na si Elly. Alam n'yang nangako s'ya kay Kade na hindi s'ya maglilihim o gagawa ng mga bagay na konektado sa dati n'yang trabaho pero gusto n'ya lang tapusin ang sinumulan n'ya bago pa man s'ya magbitaw ng pangako sa nobyo.
S'ya na mismo ang papatay sa kapatid para hindi na s'ya guluhin pa nito. Nang ma-ospital si Kade ay hindi s'ya tumigil sa pag-hunting kay Elly. Katulong n'ya ang kaibigang si Aiken. Hangga't hindi n'ya napapatay ang sariling kapatid ay hindi s'ya matatahimik. She's getting married in a few months time, ayaw n'yang mapahamak si Kade at ang magiging supling nila nang dahil kay Elly.
"Not yet Evie." sagot sa kanya ni Aiken. "Still no tracks of her. Huling namataan ang kapatid mo sa condo unit ng BlackFang na si Prime. Even her gang members are searching for her?"
"Bakit?"
"Maybe to kill her? Hindi ako sigurado. Sa nakalap kong impormasyon may sinuway daw na utos ang kapatid mo." sagot ni Aiken. "Bakit hindi mo na lang hayaan si Elly na mamatay sa kamay ng sarili n'yang grupo? She'll die anyway."
"I-I can't. Gusto kong masigurado na mamamatay ang babaing 'yon bago n'ya pa ako maunahan."
"Hindi magugustuhan ni Kade kapag nalaman n'ya ang ginagawang mong 'to Evie. I know him for a very long time. Ayaw n'yang pinaglilihiman s'ya at patalikod na niloloko. I'm happy for the both you, sa ngayon ay mas makakabuti kung magpo-focus ka sa paghahanda sa kasal n'yo."
"No!" madiing saad ni Evie. She clenched her fist. "I'm doing this for the both of us Aiken. Kailangang mahuli ang babaing 'yon bago pa maging trahedya ang kasal namin ni Kade. I can't let her ruin everything."
Napabuntonghininga na lang si Aiken. Mukhang hindi n'ya na mababago ang isip ng kaibigan. Desidido na itong patayin si Elly.
"Fine. Magdadagdag ako ng mga taong maghahanap sa kapatid mo pero ipangako mong pagkatapos nito ay tatalikuran mo na ang pagpatay Evie."
Huminga ng malalim si Evie. Sobrang daling bitawan ng pagpayag sa isang pangako pero kabaliktaran naman 'yon sa pagsunod nito.
"I promise." saad ni Evie. "Ipangako mo rin sa akin na hindi makakarating ang plano nating 'to kay Kade. Hindi n'ya pweding malaman 'to Aiken." She promised him that there will be no secret between the two of them and no assassin thingy. Ayaw n'yang kamunghian s'ya ng fiance n'ya.
"Don't worry, crush kita pero hindi ko sisirain ang engagement n'yo." Pabirong pahayag ni Aiken. "I'll get going Moon tsaka baka hinahanap ka na rin ngayon ni Kade. Sabik na sabik pa naman 'yon lagi sa'yo. Kapag nalaman n'yang magkasama tayo ay baka hindi mo na ako makita habang-buhay."
Mahinang napatawa si Evie dahil sa sinabi ng kaibigan. Tama si Aiken, baliw na baliw nga sa kanya ang fiance n'ya at selos na selos pagdating kay Aiken. Ilang beses n'ya nang sinisigurado kay Kade na s'ya lang ang mahal nito pero kapag pumasok na sa eksena si Aiken ay doon na sumusobra ang pagka-possessive nito sa kanya.
Akala mo ay laging maagawaan.
"Okay. Salamat Aiken."
"No problem."
DUMAAN muna si Evie sa mall para bumili ng ipapasalubong n'ya kay Kade. She hates sweets kaya naman nagpasya s'yang bumili ng french fries and burgers. Natatakam din s'ya sa street foods kaya dumaan na rin s'ya sa grocery para bumili ng pwede n'yang lutuin.
Habang pumipili sa frozen section ay naagaw ang atensyon ni Evie ng isang bata. Umiiyak kasi ito habang nakasalampak sa sahig malapit sa kanya. Kung hindi s'ya nagkakamali ay na 7 to 9 years old na ang batang babae.
BINABASA MO ANG
Babysitting The Retired Assassin | COA #1
Romance/F I N/ CITY OF ANGELS #1 Evie ✖️ Kade 🥀 Evie, also known as 'Moonflower' during her assassin duty, stepped down to her vicious throne in order to live a normal life. Her last mission took her right eye and leave her a scar that she will carry for...