"Evie, may masakit ba sa'yo anak?" tanong ni Amanda na s'yang unang bumungad kay Evie pagkagising nito. Umiling lang si Evie bilang sagot sa ginang. Kaagad n'yang hinanap sa apat na sulok ng kwarto si Kade pero hindi n'ya ito nakita. "Nagugutom ka ba hija? May gusto ka bang ipabiling pagkain?"
"S-Si K-Kade po. Nasaan po si Kade?" Maluha-luhang tanong ni Evie sa ginang. Bago pa man masagot ni Amanda ang tanong ng inaanak ay bumukas ang pinto ng kwartong kinalalagyan nila. Iniluwa nun ang kanyang anak na si Acel kasama ang sekretarya nitong si Valey.
"Evie, you're awake!" Inambahan nang mahigpit na yakap ni Valey ang kaibigan.
Lahat sila ay mag-alala dahil sa ilang araw na walang malay si Evie matapos itong umalis sa isla. Matinding stress kasi ang inabot nito dahil sa pagkawala ng bata sa kanyang sinapupunan. They were all devastated of what happened pero ang mas apektado sa nangyari ang kapatid n'yang si Kade at si Evie.
"Valey, nasaan si Kade?"
"N-Nasa bahay s'ya at nagpapahinga." sagot ni Valey. Tinapunan n'ya ng tinging si Acel. Paano n'ya sasabihin sa kaibigan na ayaw muna s'yang makausap at makita ng kapatid?
"I want to see him. Can you please call him?" Pagmamakaawa ni Evie.
"Hija, why don't you eat first. Tatlong araw kang walang malay kaya kumain ka muna para magkaroon ng lakas ang katawan mo." Pahayag ni Amanda.
Makita ko lang si Kade ay okay na ako. S'ya lang ang gusto ko.
"Please call Kade. Alam kong alam na n'ya ang nangyari sa baby namin at gusto kong makapag-usap kami."
"Evie, Kade don't want to talk right now." wika ni Acel na nagpabagsak ng mga balikat ni Evie. "He don't want to see you. Gusto n'yang mapag-isa muna." dagdag pa ng binata.
Muling yinakap ni Valey ang kaibigan nang umiyak ito.
"G-Galit s'ya sa akin. Galit s-si K-Kade sa akin." Hagulgol ni Evie. "H-Hindi ko sinasadyang patayin ang a-anak ko. K-Kung alam ko lang na b-buntis ako ay...""Ssshhh. Everything will be okay Evie. It's not your fault. Hindi ka sinisisi ni kuya sa pagkamatay ng bata. I'm sure of that." Pag-aalo ni Valey sa kaibigan.
Maluha-luhang nagpunas ng kanyang mga mata si Amanda samantalang lumabas naman ng kwarto ang anak na si Acel.
Mula sa bulsa ay kinuha ni Acel ang cellphone at tinawagan si Kade pero dumiretso ang tawag n'ya sa voicemail nito.
"Evie is awake, Kade. She wants to see you! Get your a** here now! Kung masakit sa'yo ang nangyari ay mas masakit 'yon sa part ni Evie. She's blaming herself for the lost of her baby...your baby. Alam mong hindi n'ya sinasadya ang mga nangyari. Don't blame her for this! Don't blame yourself for this!"
Marahas na napahilamos ng mukha si Acel bago ibaba ang tawag. S'ya ang nahihirapan sa dalawa n'yang kaibigan. First baby ni Evie at Kade ang nawala kaya naman naiintindihan n'ya ang pinagdadaanan ng dalawa pero hindi ba dapat inaalo nila ang isa't isa imbis na lumayo at mag-isang magluksa.
Acel saw how the two fall for each other, at ngayon, mukhang magiging saksi rin s'ya sa hiwalayan ng dalawa.
"Pwede bang sa amin na lang muna si Evie? Nag-aalala rin si lola Lourdes sa kanya." pahayag ni Valey na kakalabas lang ng kwarto ni Evie.
"Si Kade ang dapat n'yong bantayan, Valey. Kami na ang bahala kay Evie. You should talk to your brother. Hindi ko gusto ang kaartehan n'ya."
Nagsalubong ang mga kilay ni Valey dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig ng boss. Hindi n'ya mapigilang makaramdam ng inis rito.
"What are you trying to say Acel? Na walang karapatan si Kade na magluksa?"
"That's not what I'm saying Valey! Sinasabi ko lang na dapat nandito si Kade at sinasamahan si Evie! Hindi lang s'ya ang nawalan! Imbis na magkulong s'ya at lumayo sa kinakapatid ko hindi ba dapat dinadamayan nila ang isa't isa?!"
"It's hard for him too! Kilala ko ang kapatid ko. Ayaw n'ya lang na madamay sa pagkalugmok n'ya si Evie! His not running away if that's what you think! He's healing! Akala ko ba kaibigan ka ni Kade!" asik ni Valey sa binata. Napaiwas na lang ng tingin sa kanya si Acel.
"Pati ba naman kayo ay mag-aaway din?" tanong ni Amanda sa dalawa. "Hindi makakatulong sa dalawa kong pati kayo ay magkakaroon din ng alitan. Kesa mag-LQ kayo d'yan, bakit hindi n'yo na lang tulungan ang dalawa. Acel, asikasuhin mo na ang paglabas ng hospital ni Evie. Valey, hija, sabihan mo na lang muna ang kuya mo na sa amin muna uuwi si Evie. He can visit there anytime naman sa bahay."
"Okay po ma'am Amanda."
"Just call me tita or mom hija. I told you before na ayokong tinatawag akong ma'am. Feeling ko kasi tumatanda ako lalo."
"You're old mom. Tanggapin mo na lang." Pambabara ni Acel sa ina kaya naman nakatanggap s'ya ng malakas na hampas kay Amanda.
"That was brutal mom!"
BINABASA MO ANG
Babysitting The Retired Assassin | COA #1
Roman d'amour/F I N/ CITY OF ANGELS #1 Evie ✖️ Kade 🥀 Evie, also known as 'Moonflower' during her assassin duty, stepped down to her vicious throne in order to live a normal life. Her last mission took her right eye and leave her a scar that she will carry for...