CHAPTER 10: Elly

1.2K 50 3
                                    

WARNING ⚠️ THIS CHAPTER IS RATED SPG ‼️

"Prime!" Masayang tawag ni Elly sa kakarating lang na bisita. Mapupungay ang mga mata ng dalaga at hindi na rin s'ya nakatayo ng maayos dahil sa dalawang bote ng wine na kanyang nainom.

"Hindi na ako natutuwa El! What are you doing to your life!" asik ng binata. Mabilis nitong inagaw ang bote ng wine na hawak ng dalaga.

"I found her Prime. I found the b*tch who killed Alphon!" Mahigpit na napayakap si Elly sa binata dahil sa sayang kanyang nararamdaman. After years of hunting her prey, she finally found Evie. "I'm going to kill her. Hindi ko na hahayaang makatakas pa ang lintik na 'yon sa akin."

"Lord told you to stop El! Kapag nalaman n'ya ang ginagawa mo ay siguradong papatayin ka n'ya! Tapos na ang problema natin sa Crowned Guild kaya itigil mo na ang paggawa ulit ng panibagong problema."

"Falcon is a coward! F*ck him! Alphon is his friend, pero wala s'yang ginawa para ipaghiganti ito." Pagak na napatawa si Elly. "Ako lang ang nagmamahal kay Alphon, gagawin ko ang  lahat para maipaghiganti s'ya, Prime!"

"Sa tingin mo ba ay masaya ngayon si Alphon na nakikitang kang gan'yan? He will be very disappointed to you!"

"Anong klasing mga kaibigan kayo?! We lost him, bakit parang wala kayong pakialam sa pagkawala n'ya! Get out of my face Prime! Baka hindi kita matansya at ikaw ang mapatay ko!" asik ni Elly.

"Hindi lang ikaw ang nawalan El! We're still grieving pero hindi ito ang gustong mangyari ni Alphon sa'yo! Your ruining your life for revenge!"

"Get out Prime! Get out!" Itinutok ni Elly ang nahablot na baril sa binata. She's in rage! Hindi s'ya magdadal'wang isip na patayin ang kaibigan kapag may narinig pa s'yang hindi n'ya magustuhan.

Walang nagawa si Prime kundi ang umalis sa condo ng dalaga. Time can't really heal one's heart. Simula ng mamatay si Alphon ay para bang kahapon lang nangyari iyon para sa kaibigan n'yang si Elly. Hindi n'ya na alam kung ano ang gagawin para mailigtas ang dalaga. Masyado na itong kinain nang galit n'ya sa sariling kapatid.

Elly is losing herself. Prime is losing her.

***
"Gage," tawag ni Elly sa tauhan na nasa kabilang linya.

"Confirmed boss. She's here."

"Good. Keep an eye on her. Huwag n'yong hahayaang makatakas ang babaing 'yan."

"Hindi s'ya nag-iisa. Ayon sa matandang babae na ginamit namin para makalapit sa target ay may kasama raw itong lalaki."

"Isama n'yo na rin sa hukay kung sino man ang lalaki pero bago n'yo 'yon gawin ay kunin n'yo muna ang impormasyon patungkol sa kanya. Maybe we can use him against Evie." Pahayag ni Elly.

"Masusunod boss." pahayag ng tauhan bago n'ya ito babaan ng tawag.

Kating-kati na talaga s'yang pasabugin ang ulo ng kapatid pero may tamang oras at tyempo para gawin ang bagay na 'yon. Muling ibinalik ni Elly ang tingin sa puntod ni Alphon. Walang palya ang araw-araw n'yang pagbisita sa namayapang nobyo. Kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin mabura ang sakit ng pagkawala nito.

She loves him very much. Kung hindi n'ya lang kailangang maghiganti ay baka s'ya na mismo ang kumitil sa sariling buhay para sumunod dito.

"Nahanap ko na s'ya mahal." saad ng dalaga. Kaagad n'yang pinunasan ang nangingilid na luha sa mga mata. Ayaw na ayaw ni Alphon na nakikita s'yang umiiyak kaya hangga't maaari ay ayaw n'yang umiyak sa harap ng puntod nito.

"Kung nagawa n'yang makatakas noon, ngayon ay wala na s'yang matatakbuhan. Ako mismo ang papatay sa kanya katulad ng ipinangako ko sa'yo mahal."

Puno nang paghihinayang ang nararamdaman ngayon ni Elly. Kung buhay pa sana ang fiance n'ya ay masaya sila ngayon kasama ang mga supling nilang dalawa pero pinagkait 'yon sa kanya ng kapatid. Bago pa man s'ya makagawa ng sariling pamilya ay pinatay na ni Evie ang mapapangasawa n'ya.

Babysitting The Retired Assassin | COA #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon