'Falling in love was never in my plan. Until one day I just realized that I love this person too much.'
MONTHS AGO
"I'll make sure you'll die here and now." bulong ni Evie sa sarili habang matalim ang tingin kay Kade na abala sa pagluluto ng hapunan nilang dalawa.
Hindi n'ya pa nakakalimutan ang ginawa nitong paggapos at pambabastos sa kanya kaya naman pagbabayarin n'ya ang binata. Isa pang dahilan ni Evie, ayaw n'ya rin na ito ang maging endgame n'ya. Walang sino man ang makakakuha sa puso n'ya. She's an assassin, love was never for her. Hindi ang lalaking 'to ang magpapagulo ng puso n'ya.
"Dinner's ready."
Kaagad na tumayo si Evie hawak ang maliit n'yang kutsilyo at lumapit sa dining table. Bigla s'yang natakam ng makita ang nilutong chicken curry ng bodyguard n'ya. She mentally shook her head.
Focus in your mission, Evie. Mapapa-sa'yo lahat ng 'yan kapag napatay mo na si Kade.
Nagsimula nang kumain ang dalawa. Abala si Kade sa phone n'ya habang naghahanap naman ng tyempo si Evie sa gagawing plano.
Pasimpling n'yang tinabig ang kutsara para mahulog ito sa mesa. Napansin s'ya ni Kade kaya naman tinapunan n'ya nang maliit na ngiti ang kaharap bago bumaba sa upuan para kunin kunwari ang nahulog n'yang kutsara.
Hawak ang kutsilyo n'yang may lason ay sigurado si Evie na mapapatay n'ya ngayong gabing 'to ang target n'ya. Kahit daplis lang ang maibigay n'ya kay Kade ay wala pa rin itong ligtas sa lason na mayroon ang sandata n'ya.
Isasaksak n'ya nasa na ang kutsilyo sa binti ng binata nang mabilis na umatras ang upuan ni Kade saka ito sumilip sa kanya sa ilalim.
"I know your up to something again." Nagngingitngit ang mga ngiping pahayag ng binata. Sa ilang araw n'yang pananatili sa bahay ng kanyang kliyente ay hindi na s'ya nito tinigilan. Kating-kati si Evie na patayin s'ya. Bukod sa ayaw talaga nito na magkaroon ng bodyguard ay sa tingin ni Kade ay mayroon pang ibang dahilan na tumatakbo ngayon sa isip ng dalaga. Hinuli n'ya ang pulso ni Evie na may hawak na kutsilyo at hinila ito paalis sa ilalim ng mesa.
"P*tangina talaga!" asik ni Kade ng suntukin s'ya sa pisngi ni Evie gamit ang isa nitong kamay.
"Minumura na ako?! G*go ka ah!" Binitawan ni Evie ang hawak na kutsilyo para sana saluhin ito gamit ang isa n'ya pang kamay pero mabilis na nahuli ni Kade ang pulso n'ya saka s'ya nito iniangat nang walang kahirap-hirap at ibagsak sa mesa.
He's now pinning her to the table. Napalunok ng laway si Kade nang makita ang makinis na tiyan ni Evie dahil sa pag-angat ng suot nitong t-shirt pero kaagad din nalipat ang tingin n'ya sa mukha ng dalaga nang sumigaw ito.
"Ang sakit mo sa tenga!"
"Let go of me!"
"No! Siguradong pagtatangkaan mo na naman ang buhay ko kapag binitawan kita. Kinuha ni Kade sa kanyang bulsa ang isang posas na nagpabilog naman ng mga mata ni Evie.
"I found this in your cabin."
"Pumasok ka sa cabin ko nang hindi nagpapaalam sa akin?! How dare you! Malilintikan ka talaga sa akin kapag nakawala ako sa'yo."
"Kung makawala ka." Nakangising pahayag ni Kade saka n'ya pinusasan ang pulso ng dalaga at ang pulso n'ya.
"Aaaaaaaa! What are you doing!" sigaw ni Evie.
"Sasaktan mo lang ang sarili mo sa ginagawa mo."
"Tanggalin mo 'to! tanggalin mo 'to!"
Napabuga na lamang ng hangin si Kade. Para naman s'yang may virus para makapag-react nang ganun si Evie.
BINABASA MO ANG
Babysitting The Retired Assassin | COA #1
Romance/F I N/ CITY OF ANGELS #1 Evie ✖️ Kade 🥀 Evie, also known as 'Moonflower' during her assassin duty, stepped down to her vicious throne in order to live a normal life. Her last mission took her right eye and leave her a scar that she will carry for...