FINALE

1.5K 35 4
                                    

2 MONTHS LATER

"So, sumusuko ka na? Okay. Go ahead! Leave me. Matagal naman na tayong break kaya may karapatan kang umalis at iwanan ako."

"Wala akong sinasabing iiwanan kita Evie." giit ni Kade. "Pupunta lang ako sa ciudad para kitain sina Acel. Babalik din ako kaagad." paliwanag naman ni Kade.

Hinila n'ya papalapit ang dalaga at yinakap ito. Imbis na mainis sa pagsusungit nito ay lihim na lang s'yang napangiti. Kahit hindi sa kanya sabihin ni Evie, alam n'yang ayaw nitong umalis s'ya.

Pagkatapos nilang mag-break dalawang buwan na ang nakakalipas ay walang tigil si Kade sa pagsuyo at panliligaw sa dalaga. Hindi n'ya ito sinukuan kahit pilit s'ya nitong pinagtatabuyan.

Kahit nasa isang bahay lang din sila ay 'No S*x Policy' ang dalawa. Iyon ang mahigpit na batas ni Evie kay Kade at sa sarili n'ya. Hangga't hindi n'ya sinasagot ang binata at wala silang sexy time.

Hindi naman sa hindi na n'ya mahal si Kade at lalong-lalo na hindi s'ya nagpapa-bebe lang. Ang totoo n'yan ay mahal na mahal n'ya ang binata. She had her reason why she broke up with him. Nakipag-break s'ya rito para subukan ang tatag nilang dalawa. Kung isang problema pa nga lang ay halos maghiwalay na sila ay paano pa kaya kung magsabay-sabay na ang kaharapin nilang problema?

She want to test his patience...her patiece. Hindi lang 'yon, kahit alam nilang dalawa na nagmamahalan sila ay gusto ni Evie na masiguradong hindi matitinag ang feeling nila sa isa't isa kahit wala silang label na dalawa ngayon.

Mananatili ba si Kade sa tabi n'ya o magsasawa ito kakasuyo sa kanya? She's not driving him away, she wants to make their love stronger.

"Kelan ka babalik?" Nakasimangot na tanong ni Evie sa binata. Sa loob ng dalawang buwan ay ngayon lang s'ya iiwan ni Kade kaya hindi n'ya mapigilang mag-alala.

Paano kung hindi na ito bumalik sa kanya?

Natatakot s'ya.

"Babalik din ako kaagad. Maaga ako bukas aalis para maaga rin ako rito makabalik. May gusto ka bang pasalubong?" tanong ni Kade sa dalaga.

Bumalik ka lang sa akin ay masaya na ako. - sigaw ng isip ni Evie.

"Wala. Matutulog na ako." Kaagad na tinalikuran ni Evie ang binata at pumasok sa kwarto n'ya.

Since break na sila ay wala na rin silang sexy time. Hiwalay din ang kwarto nila ni Kade para maiwasang nilang matukso sila sa isa't isa. 'Patience is a Virtue.' - iyon ang motto ni Evie sa status nila ngayong dalawa. Ginusto n'ya na 'to kaya magtitiis s'ya.

"Kung sagutin ko na kaya s'ya?" tanong ni Evie sa sarili. Dalawang buwan na rin naman ang tinagal ng panliligaw ni Kade sa kanya kaya naman pupwede n'yang balikan ang binata. "Pagbalik n'ya ay sasagutin ko na s'ya." Nakangiting pahayag ni Evie. Niyakap n'ya ang stuff toy na regalo sa kanya noon ni Kade at doon ibinuhos ang kilig n'ya.

Kung hindi siguro s'ya nagpa-bebe ay baka natuloy ang kasal nila ni Kade ngayong darating na linggo pero hindi n'ya pinagsisisihan ang desisyon. May tamang oras at panahon para humarap sila sa altar. Kung hindi man ngayon, baka sa mga susunod na buwan o taon.

Paggising ni Evie kinaumagahan ay nakaalis na si Kade sa bahay nila. Disappointed si Evie dahil ang plano n'yang paggising ng maaga para ipaghanda si Kade ng almusal bago umalis ay napurnada. Alas-dyes na kasi s'ya nagising. Maaga naman s'yang natulog kagabi pero late pa rin s'yang nagising, s'ya pa tuloy itong pinagluto ni Kade ng almusal.

'Don't skip your breakfast Evie. I'll be back soon. I love you.' - Simpling note lang ito pero hindi n'ya mapigilang kiligin sa mensahe sa kanya ni Kade.

Babysitting The Retired Assassin | COA #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon