12 YEARS AGO
"Ano? Uupo ka na lang ba d'yan? Wala kang kakainin kapag hindi ka nagtrabaho." pahayag ng gusgusing batang lalaki. Kasama nito ang ang nakababatang kapatid na babae na mahigpit ang kapit sa likuran ng kanyang damit habang nakasilip kay Evie.
"Hindi ko pa rin nahahanap ang kapatid ko Tommy. Baka iyak na s'ya nang iyak sa mga oras na 'to." Alalang pahayag ni Evie.
Isang buwan na ang nakakalipas ng magkahiwalay silang dalawa ni Elly. Nang balikan n'ya kasi ang kapatid kung saan n'ya ito iniwan ay wala na ito doon. Now, she's been searching for her for more than a month now.
"Wag kang mag-alala ate, mahahanap mo rin s'ya. Sa ngayon ay mangalakal muna tayo para may pangbili tayo ng pagkain mamaya." pahayag ni Tommy.
"Oo nga." segunda naman ni Tuesday na pitong taon gulang ang edad.
Tumango lang bilang sagot si Evie at sumama sa dalawa. Simula nang mapadpad s'ya sa bayan ay ang dalawang magkapatid na ang naging kasa-kasama n'ya. Tinuturuan s'ya nito kumita ng pera sa malinis na paraan katulad ng pangangalakal, pagbebenta ng sampaguita at pangangaruling.
"Tuesday, gusto mo ba ng milo? Ibibili ka ni kuya." tanong ni Tommy ng makitang sapat na ang hawak n'yang pera para maibili silang magkapatid ng pananghalian.
"Milo tapos biscuit po kuya. Gusto ko may pangsawsaw ako sa milo."
"Milo lang muna Tuesday kasi bibili pa ako nang pagkain natin na kanin at ulam."
"Eeee! Gusto ko rin ng biscuit." Mapapapadyak na maktol ng bata. Napansin ito ni Evie kaya naman kaagad n'yang nilapitan si Tuesday.
"Ako na lang ang bibili ng biscuit mo." pahayag ni Evie na nagpalawak ng ngiti ni Tuesday. Sa tuwing tinititigan n'ya ang batang babae ay naaalala n'ya rito ang nakababata n'yang kapatid na si Elly.
"Talaga ate? Salamat po." Nakabungisngis na saad ni Tuesday.LUMIPAS pa ang ilang buwan ngunit hindi pa rin nahahanap Evie ang nakababatang kapatid. Lumapit na s'ya sa prisinto pero imbis na tulungan s'ya ng mga pulis ay ipinagtabuyan pa s'ya nito dahil sa itsura n'ya. Binalaan s'ya ni Tommy na huwag ng lumapit sa pulis dahil baka hulihin s'ya at dalhin sa bahay ampunan.
Mas naging malapit sa Evie sa magkapatid. Sila ang nagtutulungan para makaraos sa araw-araw na pagsubok na ibinibigay sa kanila ng Diyos at iyon ang mabuhay sa kabila ng hirap bilang mga batang kalye.
"Ilan na benta mong sampaguita ate?" tanong ni Tommy kay Evie.
"50 pesos na. Ikaw?"
"Bente palang." Napakamot sa kanyang ulo si Tommy dahil na talo na naman s'ya ni Evie.
"Kuya sa akin, dalawang isang daan."
"Weh?"
Kinuha ni Tuesday sa kanyang bulsa ang dalawang isang daan na ikinagulat naman ng kanyang kapatid. Isang daan lang ang halaga ng sampaguita na ibinibenta nila kaya paanong umabot ng isang daan ang pera ni Tuesday?
"Saan mo 'yan nakuha?"
"Binili nung mama lahat ng sampaguita ko, tapos sabi n'ya sa akin keep the change." paliwanag ni Tuesday. "Lagi n'ya rin akong binibigyan ng chocolate kuya. Ang bait-bait n'ya."
"Mabubuhay na tayo nito ang isang linggo Tuesday!" tuwang-tuwang pahayag ni Tommy saka n'ya kinuha ang kamay ng kapatid at ni Evie saka tumalon-talon sa tuwa.
Sa mga araw na lumipas ay laging binibigyan ng regalo o pera si Tuesday ng misteryosong lalaki. Noong una ay natutuwa pa rito si Evie pero habang tumatagal ay pinagdududahan n'ya na ito. Hindi pa nila nakikila ang sinasabing lalaki ni Tuesday kaya naman mas lalo s'yang nag-aalala.NAALIMPUNGATAN si Evie nang maramdaman ang paggalaw ni Tuesday sa tabi n'ya. Nakita n'ya itong tumayo at lumabas ng tent kaya naman kaagad n'ya itong sinundan. Hindi na s'ya nag-abalang gisingin si Tommy dahil baka iiha lang naman si Tuesday.
Malalim na ang gabi at tahimik na ang kalsada sa bayan. Gusto n'yang kalabitin sa likuran si Tuesday pero mas pinili n'yang sundan na lang ito.
Saan ka pupunta Tuesday?- bulong Evie sa sarili. Ngayon lang naglakas-loob ang bata na lumabas nang mag-isa sa gabi kaya naman hindi n'ya mapigilang nagtaka.
"Mister Roddie!" tawag ni Tuesday sa lalaking naka-black jacket. Kasama nito ang isa pang lalaki na nakangisi habang nakatitig kay Tuesday.
Kaagad na nagtago si Evie sa isang poste at pinagmasdang mabuti ang lalaking tinawag na Mister Roddie ni Tuesday. Sa unang tingin pa lang ni Evie rito ay alam na n'yang hindi ito mapagkakatiwalaan.
"Dala n'yo po ba ang ipinangako n'yong grocery sa akin at sa mga kapatid ko?" Inosenting tanong ni Tuesday.
"Oo, halika. Kukunin natin sa bahay ko."
"Huh? Sabi n'yo po dadalhin n'yo rito. Ayaw ko po, baka pagalitan ako ni kuya kapag sumama ako sa inyo."
"Hindi naman malalaman ng kuya mo at isa pa, kukunin lang naman natin ang grocery. May mga hotdog doon at ham. Diba gusto mo 'yon?"
"Opo pero gabi na kasi, bukas n'yo na lang po ibigay sa akin."
"Ako na nga!" Inis na saad ng isang lalaki. Nanlaki ang mata ni Evie nang takpan nito ng panyo ang ilong ni Tuesday. Nakita n'yang nawalan ng malay ang bata kaya naman hindi na nag-alinlangan pa si Evie na lumabas sa kanyang pinagtataguan.
"Hoy! Saan n'yo dadalhin si Tuesday?!" Matapang na sigaw ni Evie kahit ang totoo ay nanginginig ang mga binti n'ya sa takot.
Hindi n'ya nagawang protektahan si Elly noon at hindi n'ya na uulitin ang parehong kapabayaan kay Tuesday ngayon. She will protect her even if it cost her life.
Ipinasa ng lalaki ang walang malay na katawan ni Tuesday kay Roddie bago ito dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan ni Evie.
"Ahhhh!" sigaw ni Evie nang hulihin ng lalaki ang braso n'ya. Akmang ididikit na sana ng lalaki ang panyo sa bibig n'ya nang saksakin n'ya ang kamay nito nang napulot n'yang basag na salamin kanina.
Nagsisigaw ang lalaki dahil sa nakabaong salamin sa kamay nito. Kinuha ni Evie ang pagkakataon na 'yon para habulin ang lalaking may hawak kay Tuesday. Bago pa man makapasok sa kotse ang lalaki ay sapul na tumama sa likod ng ulo ni Roddie ang ibinatong bato sa kanya ni Evie.
"Raffy!" sigaw ni Roddie habang kinakapa ang ulo n'yang dumudugo.
"Oo na!" asik lalaking nagngangalang Raffy.
Hindi na nakapalag si Evie nang takpan ng lalaki ang ilong n'ya. Bago tuluyang magsara ang mga mata ni Evie ay narinig n'ya ang pagsigaw at pagdaing ng lalaking may hawak sa kanya."YOU'RE AWAKE." Mabilis na napabalikwas si Evie nang marinig ang malalim na boses na iyon ng isang lalaki.
"Sino ka? Nasaan si Tuesday?"
"Don't worry, she's with her brother now." sagot sa kanya ng gwapong binata. "I saw what you did earlier. Matapang mong sinugod ang dalawang lalaking 'yon ng mag-isa. By the way, I'm King Albertson. I'm the one who saved your life. You can call me King."
"Nasaan ako?"
"This is the Guild. Dinala kita rito dahil gusto kong i-recruite ka bilang assassin ko. This organization is built to help the needy by killing ruthless criminals. This way you could protect your friends and fam---"
"I'm in!" Desidong pahayag ni Evie. Hindi n'ya alam kung ano ang tungkulin ng pagiging assassin pero kung makakatulong ito para maprotektahan ang mga taong malalapit sa kanya ay hindi na s'ya magdadal'wang isip pa.
"Good." saad ni King bago tumayo mula sa kanyang kinauupuan. "Hindi magiging madali ang training, but it will be worth it." dugtong nito bago tuluyang iwanan si Evie.
Hell. Iyon ang mailalarawan ni Evie sa ilang buwan n'yang pagti-training kasama ang mga katulad n'yang mga assassin. Marami ang sumuko at marami rin ang namatay pero hindi nagpatinag si Evie sa trabahong kanya nang nasimulan.PRESENT
"What are you thinking about?" tanong ni Kade sa nobya saka n'ya ito yinakap mula sa likuran. They are standing in the balcony while gazing at the night sky.
"I just remembered my life before all of this." Pag-amin ng dalaga.
"Stop thinking about it Evie. I'm here now. Papalitan ko nang magagandang alaala ang mga naging bangungot mo noon at sisiguraduhing kong magiging masaya ka...tayo." Iniharap ni Kade ang dalaga sa kanya saka n'ya ito masuyong hinalikan.
"T-Thank you Kade." Humihikbing saad ni Evie na mahigpit na napayakap sa nobyo.
"Ssshh." Pag-aalo ng binata sa dalaga. "We should be planning our wedding now. Saan mo nga pala gusto mag-honeymoon? Paris? Italy? Somewhere in state?"
"Anywhere with you." Nakangiting sagot Evie.
"Let's start here." Kade huskily said.
"Kade! Baka may makakita sa atin!" sita ni Evie sa nobyo ng patalikuran s'ya nito. Napakapit s'ya sa railing na kahoy habang tanaw mula sa kinatatayuan n'ya ang ilang mga kabahayan.
"No one will sees us here. Trust me." bulong nito sa kanya habang hinahalikan ang likod ng kanyang tenga. Napakagat ng ibabang labi si Evie nang maramdaman ang kamay ni Kade na humahaplos sa kanyang hita paakyat sa kanyang pwet.
She never thought that she will be this wild with him. Si Kade lang talaga ang nagpalabas ng gan'tong side n'ya.
"Take me Kade."
"Yes, I will Mrs. Finnegan."
"Hindi pa naman ako Finnegan. We're not married yet."
"4 months from now, magiging ganap ka nang asawa ko. Doon din naman ang bagsak mo."
Hindi mapigilan ni Evie na mapangiti. Sa tuwing iniisip n'yang ikakasal s'ya sa lalaking mahal n'ya ay hindi n'ya mapigilang ma-excite. Yes, she's very excited. Hindi n'ya nakita noon ang sarili na maikasal at magkaroon ng sariling pamilya pero dahil kay Kade ay nagbago ang takbo ng buhay n'ya.
Soon, she's have her own family.
Gagawin n'ya ang lahat para ma-protektahan ang kanyang magiging pamilya. Kung pagpatay kay Elly ang solusyon ay hindi s'ya magdadal'wang isip pa.
BINABASA MO ANG
Babysitting The Retired Assassin | COA #1
Romance/F I N/ CITY OF ANGELS #1 Evie ✖️ Kade 🥀 Evie, also known as 'Moonflower' during her assassin duty, stepped down to her vicious throne in order to live a normal life. Her last mission took her right eye and leave her a scar that she will carry for...