"Evie." tawag ni Kade sa nobya pero imbis na lingunin s'ya nito ay dire-diretso lang na pumasok sa loob ng banyo ang dalaga. She just ignored him. Kanina n'ya pa napapansin ang malamig na pakikitungo sa kanya ni Evie. Hindi n'ya na lang muna pinakialaman ang dalaga kanina dahil sa bisita nila.
What did he do?
Sinundan ni Kade ng tingin si Evie nang makalabas na ito sa banyo. Hindi talaga s'ya nito tinatapunan ng tingin. Hanggang sa mahiga ito sa tabi n'ya at wala pa rin s'yang nakuhang atensyon sa nobya. Nakatalikod ito sa kanya at may malaking distansya sa pagitan nila na dati naman ay wala.
"Evie, what did I do? Can we talk please?" Akmang yayakapin n'ya na sana mula sa likuran ang dalaga nang mabilis itong naupo sa kama at tinitigan s'ya ng masama.
"Dapat ay sinabi mo muna sa akin na balak mong imbitahan dito ang mga kaibigan ko."
"I just want to surprise you. Naririnig kitang masaya kapag kausap sila kaya naman naisipan kong papuntahin sila rito para nga i-surprise ka." depensa ng binata.
"Hindi mo naman 'yon kailangang gawin. Sapat na sa akin na nakakausap ko sila araw-araw kahit sa video call lang. Paano na lang kung bigla tayong sugurin dito ng kampon ni Elly? Maaari silang madamay Kade at ayoko 'yong mangyari!" asik ng dalaga.
She's really disappointed. Alam n'ya namang maganda ang intensyon ni Kade pero sana man lang ang sinabi muna nito sa kanya ang plano. That's why she hates surprises. Imbis na matuwa s'ya ay naiinis s'ya dahil hindi naman umaayon sa mga kagustuhan n'ya ang mga nangyayari.
"Hanggang ngayon ba ay s'ya pa rin ang pinoproblema mo? Hindi na ulit makakalapit sa atin ang kapatid mo Evie. I assure you that.""Nagkakamali ka! Hangga't hindi pa namamatay ang babaing 'yon ay hindi s'ya titigil at 'wag mo na ulit sasabihin sa akin kapatid ko s'ya dahil wala na akong tinuturing na kadugo. She betrayed me! She did this to me! I want to kill that b*tch!"
"Stop it Evie! Hindi ka na assassin para pumatay pa ulit. You promised me Evie. Break our promise and I won't hesitate to...leave you."
Kaagad na lumabas ng kwarto nila si Kade. Samantalang bumagsak naman ang mga balikat ni Evie dahil sa banta sa kanya ng nobyo. She already broke their promise. Natatakot s'ya sa panganib na dala ni Elly pero mas natatakot s'yang iwanan ni Kade.
Don't cry Evie. - sigaw ng kanyang isip pero sa huli ay napahagulgol na lang ang dalaga. Si Kade lang ang nakakagawa nito sa kanya, ang ilabas sa pag-iyak ang mga saloobin n'ya. The man just changed her.Their ever first love quarrel. Napansin ng magkapatid ang malamig na pakikitungo ni Evie at Kade sa isa't isa. Nag-aalala si Tommy na nag-away ang dalawa dahil sa Ducati na ibinigay sa kanya ng kuyang si Kade.
"Y-You can have your Decati back k-kuya." Si Tommy na ang unang nagbasag ng katahimikan na namamagitan sa hapagkainan. Ang awkward na kasi ng katahimikan ng dalawa.
"Regalo ko 'yon sa'yo kaya tanggapin mo na." sagot ni Kade habang may maliit na ngiti sa labi nito.
"Tuesday, kumain ka na. Ako nang magbabantay kay Sammy, tapos na rin naman ako." pahayag ni Evie saka lumapit sa stroller at iginaya ito papuntang sala. Sinundan naman s'ya ng tingin ni Kade.
Ito ang unang beses na nag-away silang dalawa pero kahit ganun ay nagagawa pa rin ni Kade na batiin at halikan sa ulo ang nobya, wala lang talagang conversation or harutan na nagaganap.
"Nag-away ba kayo ni ate Evie?" usisa ni Tuesday.
"Nagkatampuhan lang kami pero magbabati rin kami ng ate n'yo." paninigurado ni Kade sa dalawa kahit wala s'yang kasiguraduhan kung gaano katagal maglalaban ang pride nilang dalawa ng nobya.
Bakit s'ya ang unang magso-sorry? He didn't do anything. Malinis ang konsensya n'ya dahil una sa lahat, gusto n'ya lang i-surprise si Evie. She wants her to be happy. Gusto n'yang magkaroon ng reunion ang tatlo lalo pa't halos limang taon na rin ito hindi nagkikita-kita.
Matapos kumain ng pananghalian ay lumabas ang apat para mamasyal. Tinabihan s'ya ni Evie sa harap ng sasakyan, he holds her hand while driving but the cold treatment is still there. He wants to kiss her and touch her but he couldn't, his pride won't let him do it.
"Ang cute," pahayag ni Tuesday ng makita ang isang princess dress sa department store na pinasukan nila ni Evie. "Ang mahal naman." komento ng dalaga ng makita nito ang presyo ng damit. Muling ibinalik ni Tuesday ang dress sa rack pero kinuha 'yon ni Evie at inilagay sa cart n'ya.
"Ate,"
"I'll buy this for Sammy. Sigurado akong babagay 'tong damit sa kanya." pahayag ni Evie.
"Pero ang mahal n'yan. Ilang damit na po sa divisoria ang mabibili ko n'yan para kay Sammy."
"This is a gift from me. Hayaan mo na akong i-spoil ang pamangkin ko."
"Sige na nga po. Masamang tumanggi sa grasya." Lumapit si Tuesday sa kaibigan at mahigpit itong yinakap. "Teka, nasaan na ang dalawa nating kasama?" tanong nito habang inililibot sa paligid ang tingin n'ya. Kanina lang ay nakasunod sa kanila ang dalawang binata.
"Baka nasa Men's department. Hayaan mo na sila."
Nagpasyang lumipat sina Evie at Tuesday sa ladies section para mamili ng mga damit para sa kanila pero habang abala sa pamimili ang dalawa ay nakita nilang pareho si Kade na may kausap na saleslady. Halatang kinikilig ang kasama nitong babae sa nobyo n'ya. Nag-igting ang panga ni Evie nang mapansin ang pagsukli ng ngiti ni Kade sa babae.
"A-Ate," kabadong untag ni Tuesday sa kasama.
Pasimpling kumapit ang babae sa braso ng binata at iginaya ito papunta sa kung saan."S-Susundan ba natin sila?" tanong ni Tuesday.
"No! Sa toys department na tayo." seryosong pahayag ni Evie habang nakakuyom ang mga kamao. Itinulak ni Tuesday ang stroller ng kanyang anak pero pansin n'ya ang maitim na awrang nakapalibot sa kaibigan.Patay ka kuya Kade. - sa isip-isip ng dalaga.
Her jealousy is eating her. Nang makita n'yang may ibang babae na nginingitian si Kade ay para bang may nag-uodyok sa kanyang gilitan ang leeg ng baabaing kasama nito. Para bang sinasabayan pa ng nobyo n'ya ang kalandian ng babae. Porket ba war sila ay maghahanap ito ng iba?Naiinis s'ya na naiiyak!
"Ate, ayos ka lang?" taong ni Tuesday sa kaibigan ng mapansing mahigpit ang hawak ni Evie sa laruang baril. Para bang may balak itong tambangan sa labas. Mukhang alam na n'ya kung sino. Natauhan naman bigla si Evie at kaagad n'yang ibinalik sa stand ang toy gun na hawak n'ya. "He loves you ate. Wala kang dapat na ipag-alala kung sa tingin mo ay ipagpapalit ka ni kuya Kade." paninigurado ni Tuesday sa kaibigan.
Mas maganda ang ate Evie n'ya kesa sa babae kanina kaya imposibling bigyang pansin ito ng kuya Kade n'ya.
"Tss. Boys are boys Tuesday. Hindi exception ang fiance ko 'ron."
"Wala ka bang tiwala sa kanya?"
"M-Meron pero kasi war kami, malay ko bang naghahanap na s'ya ngayon ng paglilipatan n'ya ng atensyon na hindi n'ya nakukuha ngayon sa akin."
"Sa tingin mo ba ay magagawa n'ya 'yon ngayong malapit na kayong ikasal?"
"I don't know."
"You're being paranoid. Hindi nun maisasaayos ang tampuhan n'yong dalawa." Natahimik na lang si Evie dahil sa pahayag ng kaibigan. Para bang mas mature pa ito kesa sa kanya mag-isip. Bigla s'yang nahiya.Nalipat ang atensyon ng dalawa ng makitang papalapit sa kanila si Tommy at Kade. Nanlaki ang mga mata ni Tuesday ang muling hawakan ni Evie ang toy gun at itutok 'yon sa nobyo. Itinaas ni Tommy ang dalawa n'yang kamay na parang sumusuko sa pulis samantalang nagsalubong naman ang mga kilay ni Kade habang nakatitig sa nobyang masama ang tingin sa kanya.
"Maghunos-dili ka ate! Sayang ang lahi ni kuya Kade. Magpaanak ka muna." suway sa kanya ni Tuesday.
Ibinaba ni Evie ang toy gun ay bumaling kay Tuesday na parang pulis na nakikipagnegosasyon sa kanya.
"Nakakalimutan mo atang laruan lang 'to Tuesday."
"Sorry po, nadala lang ako. Parang makatotohanan po kasi, nakakadala. Hehehe."
"Akala ko totoong baril hawak mo ate." pahayag ni Tommy nang makalapit ito sa kanya."Buti na lang hindi dahil may matataman talaga." walang emosyong pahayag ni Evie saka n'ya mabilis na tinapunan ng tingin ang nobyo na may malaking question mark ngayon sa mukha dahil sa ikinikilos n'ya.
"EVIE."
"What!" asik ng dalaga nang lingunin n'ya ang nobyo. Kakauwi lang nila galing lakwatsya at kaagad s'yang sinundan ni Kade papasok sa kwarto nila. She's jealous and angry for what happened earlier! Hindi n'ya papalampasin ang kaharutan ni Kade.Napabuntonghininga na lang si Kade. Napansin nito na mas lumala ang panlalamig sa kanya ng nobya. Lumapit si Kade kay Evie at hinalikan ang noo nito bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Ayaw n'yang sabayan ang galit nito dahil baka mas lalo lang lumaki ang ayaw nilang dalawa.He'll talk to her tomorrow...or not.
Kinaumagahan kasi ay mas naging malaki at mataas ang pader sa pagitan nilang dalawa. Kade want to talk to Evie, pero iniiwasan naman s'ya nito. Evie want to talk to Kade pero naiinis pa rin kasi s'ya rito. Sa tuwing nakikita n'ya ang pagmumukha ng binata ay parang gusto n'ya itong gawing punching bag...but she miss him though.
"Should we do something kuya? Halatang pareho walang experience ang dalawa sa pinasok nilang relationship. Hindi ba dapat, sa isang relasyon ay may komunikasyon at may pagpapakumbaba ang isa't isa pero sa nakikita ko po ngayon ay nagpapatagisan ng pride ang dalawa."
"Hayaan mo nang sila mismo ang mag-ayos ng problema nila. Baka kapag nakialam pa tayo ay mas lalo lang lumalala. Teka, bakit parang ang talino mo kung makapagsalita?" puno ng pagtatakang tanong ni Tommy sa kapatid.
"Parang sinasabi mong bobo ako ah!"
BINABASA MO ANG
Babysitting The Retired Assassin | COA #1
Romance/F I N/ CITY OF ANGELS #1 Evie ✖️ Kade 🥀 Evie, also known as 'Moonflower' during her assassin duty, stepped down to her vicious throne in order to live a normal life. Her last mission took her right eye and leave her a scar that she will carry for...