"What's is he doing here?" kunot noong tanong ni Kade nang makitang kasama ni Acel si Aiken. May isa pang lalaki na kasama ang kaibigan na ngayon n'ya lang nakita pero hindi n'ya ito binigyang pansin dahil nakay Aiken ang atensyon n'ya.
"Gusto ko rin magliwaliw kasama ka friend." Nakangising saad ni Aiken. Akmang aakbayan n'ya na sana si Kade nang samaan pa s'ya nito lalo ng tingin kaya s'ya na ang mabilis na umiwas dito.
"Para makatipid tayo! Aba, kanya-kanyang bayad 'to mga friends. S'ya nga pala Kade, s'ya si King, former boss ni Evie at ng Crowned Guild." wika ni Acel.
Mabilis na lumapit si Kade kay King at kinuwelyuhan ito. "Ikaw pala ang boss ni Evie! How dare you put her life in danger! Kung ikaw kaya ang ipatapon ko sa isla at pasugurin ng mag-isa sa isang batalyong kalaban!" asik ng binata. Walang emosyon ang gumuhit sa mukha ni King. Hindi n'ya akalaing ang lalaking kaharap n'ya ang boss ng mga assassin. Parang magkaedad lang sila nito.
"I also saved your girlfriend. Siguro naman alam mo 'yon." aniya nito.
"Tsk." usal ni Kade saka n'ya binitawan ang lalaki.
Ang usapan nila ni Acel ay silang dalawa lang ang susunod kina Evie sa hotel resort pero may idinagdag pa pala itong mga asungot. Hindi man lang s'ya tinanong kung papayag s'yang makasama ang mga ito lalo na si Aiken. Bwisit! Paano kung makita ni Aiken na naka-swimsuit ang girlfriend n'ya?
Bubulangin n'ya na lang ang lalaki kung kinakailangan.
Samantala, walang kaalam-alam si Evie sa ginawang pagsunod sa kanya ng nobyo. Muntik na silang mag-away kagabi ni Kade dahil pinipilit s'ya nitong 'wag sumama sa outing pero sa huli ay nagwagi rin saya sa debate nilang dalawa.
Isinuot ni Evie ang black two-piece swimsuit na binili sa kanya ng matanda dahil na rin sa request nito sa kanya samantalang suot naman ni Valey ang kulay yellow nitong swimsuit. Pakiramdam tuloy ni lola Lourdes ay bumabata s'ya dahil sa magagandang dalagita na kasama n'ya.
"Ikaw Valey, wala ka pa rin bang boyfriend?"
"Wala pa po lola kaya nga po niyaya ko kayong mag-outing kasi pakiramdam ko dito ko na mahahanap ang lalaking maika-kama ko habang buhay." sagot ni Valey habang nilalagyan ng liptint ang labi n'ya.
Maika-kama? Napailing na lang so Evie dahil sa narinig mula sa kaibigan.
"Pero siguraduhin mo lang apo na gwapo, malaki, walang sabit at walang AIDS ang mahahanap mo." Paalala ng matanda.
"Oo naman lola. Ako pa ba?" Mayabang na pahayag ni Valey. "I'm done! Tara na't rumampa." dugtong ng dalaga.
Hindi nila pupweding palampasin ang magandang panahon sa labas. Masarap mag-swimming sa dagat dahil hindi pa ganun kataas ang sikat ng araw. Katamtaman lang ito at hindi masakit sa balat ang init ng araw.
"Kade will he so mad when he sees me wearing this."
"Bakit naman? Ang ganda at ang sexy mo kaya."
"Nangako ako sa kanyang hindi ako magsusuot ng swimsuit basta papayagan n'ya akong sumama rito. Ayoko namang tumanggi kay lola Lourdes dahil baka magalit s'ya sa akin."
"Don't worry. Hindi malalaman ni kuya na nag-suot ka ng gan'yan."
"Ano pang tinatayo n'yo d'yan na dalawa? Halina kayo!" tawag sa kanila ng matanda.
Proud si Evie na ibalandra ang seksi n'yang katawan sa beach resort na pinuntahan nila. Nakakapunta lang s'ya sa gan'tong lugar noon kung may misyon s'ya. Ito ang unang beses na pumunta s'ya sa dagat para magliwaliw. Nakaka-excite rin pala.
"Miss need help?" tanong ng lalaki kay Valey na naglalagay ng sunblock sa katawan.
Napaghahalataang gusto lang mang chansing.
BINABASA MO ANG
Babysitting The Retired Assassin | COA #1
Romance/F I N/ CITY OF ANGELS #1 Evie ✖️ Kade 🥀 Evie, also known as 'Moonflower' during her assassin duty, stepped down to her vicious throne in order to live a normal life. Her last mission took her right eye and leave her a scar that she will carry for...