"Spill it Prime. Ayokong magsayang ng oras sa'yo." uyam na pahayag ni Acel habang masama ang tingin sa kaharap na lalaki. Hindi s'ya miyembro nang kahit anong organisasyon pero kung papipiin s'ya ay doon s'ya sa may malinis na hangarin at 'yon ang Crowned Guild.
Pamilya n'ya ang supplier ng mga armas ng Crowned Guild kaya kampi talaga s'ya rito. Kabaliktaran nun ang nararamdaman n'ya sa grupo ni Prime, ang BlackFang.
Maiitim ang budhi ng mga taga-BlackFang. Bukod sa ginawa nito sa kinakapatid n'ya 2 years ago ay alam din ni Acel ang mga illegal na transaction ng grupo. In-offer-an noon ni Lord ang pamilya n'yang mag-supply sa kanila ng mga sandata pero tumanggi ang Guilbert na gamitin ang negosyo nila para sa kasamaan. Their family was threatened for years by the group, pero dahil sa proteksyong nakuha nila sa Crowned Guild ay ligtas pa rin sila hanggang ngayon.
Kung sino pa ang masasama ay sila pa ang hindi nawawala. Siguro ay nagpa-party na ang BlackFang nang malaman na wala na ang no. 1 nemesis nila...ang Crowned Guild.
"Patungkol ito sa magkapatid." panimula ni Prime. "Alam kong nasa pangangalaga mo si Evie at gagawin mo ang lahat para ma-protektahan s'ya. Katulad mo, I also want to protect Elly. Pareho nating gustong ma-protektahan ang dalawa laban sa isa't-isa. Gagawin ko ang lahat para mailayo si Elly sa kapatid n'ya at sana ay ganun din ang gawin mo kay Evie."
Parehong may nagawang kasalanan ang dalawang magkapatid sa isa't isa at maaaring hindi na matanggal ang lamat na 'yon sa kanila. Ang magagawa na lang ngayon ni Prime ay ang pigilan si Elly bago pa ito tuluyang mapahamak sa sarili nitong plano pero para magawa 'yon ay kailangan n'ya ng tulong sa kabilang partido.
Hindi alam ng BlackFang ang ginagawa n'ya pero para kay Elly ay gagawin nito ang lahat para masiguradong ligtas ang dalaga.
"Si Elly ang sugod nang sugod sa kapatid n'ya! She almost kill her again at sa susunod na mangyari 'to ulit ay ako na mismo ang papatay sa kanya!"
"Wag na nang sumali Acel! Just do your f*cking job! Gawin na lang natin ang makakaya natin para hindi na mag-cross ang landas nilang dalawa."
"I don't do promises especially to the BlackFang. Tuso kayo dahil kauri n'yo ang mga dem---Ouch!" Mabilis na nilingon ni Acel ang dalagang nangbatok sa kanya. Muntik n'ya nang makalimutan na kasama n'ya ang sekretarya.
"Tapos na 5 minutes mo!" inis na saad ni Valey. "Sabi mo 5 minutes lang! Late ka na sa meeting mo!"
"Blame him!" turo ni Acel kay Prime na parang batang nagsusumbong. Magkasalubong na ngayon ang mga kilay ni Prime habang nakatitig sa dalawa.
"S'ya ba ang nag-promise sa akin na 5 minutes lang itatagal ng paguusap n'yo? I don't do promises pala ah!" nanggagalaiting pahayag ni Valey na kasing ikli ng isang segundo ang pasensya pagdating sa boss na si Acel.
"Acel, tandaan mo ang pinag-usapan natin." saad ni Prime bago maglakad palayo sa eskinitang kinaroroonan nila.
"That was brutal Valey! Boss mo ako pero kung batukan mo ako ay parang buddy-buddy lang tayo! You humiliated me in front of the BlackFang!"
"Aba't! Sinisigawan mo ako?!"
Buttered boss.
***
"Why are you here?!" Hindi mapigilang pagtaasan ng boses ni Kade ang mga bisitang sina Acel at Valey dahil sa maling oras ng pagdalaw nito. Napaka-wrong timing talaga.
BINABASA MO ANG
Babysitting The Retired Assassin | COA #1
Romansa/F I N/ CITY OF ANGELS #1 Evie ✖️ Kade 🥀 Evie, also known as 'Moonflower' during her assassin duty, stepped down to her vicious throne in order to live a normal life. Her last mission took her right eye and leave her a scar that she will carry for...