CHAPTER 25: Bleed

806 29 0
                                    

Iyak nang iyak si Elly nang makita ang kalunos-lunos na sinapit ni Evie. Bugbog sarado ang kapatid n'ya ng sarili nilang ama dahil sa kasalanang inako nito para lang maprotektahan s'ya. Tadtad ng mga sugat at pasa ang katawan ni Evie. Halos hindi na rin makabangon si Evie dahil sa panlalanta ng kanyang buong katawan. Mabuti na lang wala s'yang nabaling buto dahil kung hindi ay mas masakit ang iniinda n'ya ngayon.

"S-Sorry ate. S-Sorry." hagulgol ni Elly. "Ako dapat ang sinaktan ni papa at hindi ikaw. Ako naman kasi talaga ang nagnakaw ng biscuit n'ya 'e." pag-amin nito.

"Ayos lang ako Elly. Bukas mawawala rin ang sakit ng katawan ko. Malakas ako dahil mas matanda ako sa'yo. Diba nga sabi ni mama dapat prinoprotektahan ng nakakatanda ang nakababata nilang kapatid." Pinilit pa ring ngumiti ni Evie sa kabila ng karamdaman. Iyon na lang ang magagawa n'ya upang pagaanin ang loob ni Elly.

"P-Pero...huhuhu." Muling hagulgol ni Elly. Hindi kinaya ng konsensya n'yang makitang nahihirapan ang kapatid dahil sa kasalanan n'ya.

"Mahal kita Elly. Mahal ka ni ate."

"Mahal na mahal din kita ate Evie. Ikaw ang pinaka-dabest ate sa buong mundo." Maingat na niyakap ni Elly ang kapatid. Wala na s'yang maihihiling pa sa isang kapatid dahil nasa ate na n'ya lahat ng iyon.

She idolized her. Gusto n'ya rin na maging matapang katulad ng ate Evie n'ya.

"Hindi ko hahayaang saktan ka ng halimaw na 'yon. Promise ko 'yon sa'yo Elly."

"Evie," tawag ni Aiken sa kaibigan kaya naman napaangat sa kanya ng tingin ang dalaga. "Malapit na tayo."

Tumango lang si Evie saka muling ibinalik ang tingin sa malawak na karagatan. Kasalukuyan silang nasa helicopter ni Aiken papunta sa islang kinaroroonan ng kanyang kapatid. Halos isang linggo rin ang hinintay n'ya para rito. Kinailangan pa kasi nilang hintayin na umalis ng isla si Costco at siguraduhing si Elly at ang mga bodyguard na lang nito ang natira sa isla.

Walang kaalam-alam si Kade sa plano n'yang ito. Ang alam ng fiance n'ya ngayon ay kasama n'ya ang mga kaibigan na mga dating assassin. Yes, she lied. At hindi dapat na malaman ni Kade ang gagawin o ginawa n'yang plano. He will leave her if he discover her secret.

She didn't gave any further details to her fiance about her lies. Mabuti na lang at kumagat sa kasinungaling n'ya ang nobyo at hinayaan s'yang lumabas.

Pagkatapos nito ay magiging maayos na ulit ang buhay n'ya. Mas magiging masaya s'ya dahil alam n'yang wala nang manggugulo pa sa kanya...sa kanila ni Kade.

"Ako na ang bahala sa mga bodyguard ni Elly. Just go find her."

"Si Elly lang ang papatayin ko Aiken. Don't kill any of the bodyguards." paalala ni Evie sa kaibigan. Isang buhay lang ang kukunin n'ya ngayong araw na ito at iyon ang buhay ni Elly. Wala nang iba.

"I know." sagot sa kanya ng kaibigan.

Naunang bumaba si Aiken sa helicopter bago sumunod sa kanya ang dalaga na propesyonal na tumalon habang nakahawak sa lubid na sumusuporta rito. Nang makalapit sa mansyon ay kaagad na naghiwalay ang dalawa. Naging abala si Aiken sa mga tauhan ni Prime samantalang hinanap naman ni Evie ang kanyang target.

The mansion was seating beautifully in the island. Katulad na katulad ng pangarap noon ni Elly para sa kanila. Her heart is breaking. Bakit ngayon n'ya pa kailangang maalala ang mga pinagsamahan nilang dalawa? Ngayong pa kung kelan n'ya na balak patayin si Elly saka namang bumabalik ang masasayang alaala nilang magkapatid.

There's no turning back Evie. Kapag hindi mo 'to tinapos ngayon ay siguradong ang bubuoin mong pamilya ang magdudusa.

Mabibigat ang mga hakbang ni Evie habang inisa-isa ang kwarto sa pangatlong palapag. Mahigpit rin ang hawak n'ya sa kanyang baril. Nakakapagtaka dahil walang mga tauhan si Costco na nagkalat sa pangalawa at pangatlong palapag ng bahay. Mukhang nakay Aiken na lahat ng mga bantay nito.

Babysitting The Retired Assassin | COA #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon