CHAPTER 20: Her - Elly

872 32 0
                                    

12 YEARS AGO

"Evie, Elly, tapos na ba kayo? Tara na bago pa tayo maabutan ng ama n'yo."

"Opo mama." sagot ni Evie. "Elly, halika na."

"A-Ate hindi ko mahanap si Gigi." tarantang pahayag ni Elly habang patuloy na hinahanap ang kanyang stuff toy na biik.

"Wala na tayong oras Elly. Kailangan na nating umalis." pahayag nang ina. "Kapag nagkapera ako ay bibilhan na lang kita ulit anak."

"P-Pero, regalo n'yo 'yon sa akin nung baby pa ako. 'Yon lang ang gusto ko mama." pagmamatigas ni Elly saka n'ya muling hinalughog ang maliit na kwarto nilang magkapatid. Nang makita ni Evie ang kapatid ay tinulungan n'ya na rin ito pero hindi talaga nila nakita si Gigi.

"Elly!" Hindi na napigilan ni Eras na pagtaasan ng boses ang bunsong anak. Kapag hindi sila nakaalis ngayon ay siguradong mas lalo silang magdudusa na mag-iina. Napahagulgol na lang si Elly. Walang nagawa ang bata kundi ang sundin ang kanyang ina.

Iyak lang nang iyak si Elly habang kasamang tumatakbo ang ina at kapatid. Papalubog na ang araw at kapag hindi sila nakababa kaagad ng bundok ay mahihirapan sila sa daan.

"Sshhh. 'Wag kang maingay Elly. Baka marinig tayo ng mga aswang sa gubat." suway ni Evie sa kapatid.

"Hindi totoo ang aswang."

"Hindi mo ba naririnig ang mga humuhuni tuwing gabi? Mga aswang 'yon na nagpapanggap na mga hayop. Akin na ang kamay mo para hindi ka matakot." Kaagad na hinawakan ni Elly ang kamay ng nakatatandang kapatid. Naalala n'ya ang mga kaluskos sa pawid nila kapag nagigising s'ya ng hating gabi, kung ganun ay mga aswang pala ito - sa isip-isip ni Elly.

"MALAYO pa po ba mama?" tanong ni Evie. Bakas sa mukha ng sampung taong gulang na bata ang pagod dahil sa ilang oras nilang paglalakad pababa sa bundok.

"Kaunting tiis na lang mga anak." pahayag ni Eras. Mga kalahating oras pa ang lalakarin nila bago tuluyang makarating sa mga kabahayan.

Gustuhin n'ya man na pagpahingahin ang kanyang mga anak ay wala silang oras para gawin 'yon. Nag-aalala s'ya na baka maabutan sila ng dilim o mas malala ay maabutan sila ng kanyang asawa sa daan. Iyon ang iniiwasan n'ya ngayong mangyari.

"Ate, pengeng tubig."

Kaagad na tumigil sa paglalakd si Evie at kinuha sa backpack ang bote ng tubig. "Heto, paunti-unti lang para di tayo maubusan." Tumango lang bilang sagot si Elly at uminom sa butilya.

"Eras!" Dumangundong ang boses ng isang lalaki na kaagad na nagbigay takot sa dalawang bata at kanilang ina. Nabitawan ni Elly ang hawak na bote dahil sa panginginig ng kanyang mga kamay. Kitang-kita ng bata ang mala-demonyong ekspresyon ng ama pero mas lalong nahintatakutan ang tatlo nang bunutin ng lalaki ang itak nito sa kanyang bewang.

"Balak n'yong tumakas sa akin? Iiwan n'yo ako?"

"H-Hindi...b-bibili l-lang kami ng pagkain sa b-bayan." pagdadahilan ni Eras.

"Bitbit ang mga gamit ninyo? Niloloko mo ba ako!" asik ng lalaki. "Alam kong matagal mo na akong planong iwanan Eras. Sa tingin mo ba ay tanga ako para hindi ko 'yon mapansin?!"

Mabilis napaatras si Eras dahil sa paghakbang papalapit sa kanya ng asawa. Ibinato n'ya ang hawak na bag sa lalaki at tumakbo papunta sa kanyang mga anak pero kaagad din s'yang napatigil sa pagtakbo ng may bumaon na matalas na bagay sa kanyang likuran at tumagos sa kanyang harapan.

Kitang-kita nang dalawang bata ang itak na nakabaon ngayon sa dibdib ng kanilang ina. Sumigaw si Elly habang nakatulala lang na umiiyak si Evie.

"T-Tak--bo." usal ni Eras.

Hinawakan ni Evie ang kamay ni Elly at hinila ito papasok sa pinakamasukal na parte ng gubat.

"Eve! Elly!" narinig nilang sigaw ng ama.

"Elly 'wag kang maingay!"

"Si mama! Si mama!" Iyak ni Elly na halos kaladkarin na ang nakatatandang kapatid. Hindi sila pupweding tumigil sa pagtakbo dahil rinig nilang pareho ang pag-sunod sa kanila ng ama. Kapag nahuli sila nito ay siguradong sasapitin din nila ang nangyari sa kanilang ina. They will either die or torture to death.

"A-Ate p-pagod na ako."

"Elly! M-Maabutan tayo ni papa!" Humahangos na sita ni Evie habang hinihila ang kapatid na nakasalampak na sa lupa.

"H-Hindi ko na talaga kaya a-ate. N-Napapagod na ako."

Nagpalinga-linga si Evie sa paligid para maghanap ng magpagtataguan nila. Nakita n'ya ang isang malaking puno kaya naman doon n'ya hinila ang kapatid.

"Elly, dito ka lang. Babalikan kita kapag nailigaw ko na si papa at nailayo s'ya sayo." pahayag ni Evie habang tinatabunan ng mga halaman at tuyong dahon ang bunsong kapatid. "Wag kang lalabas o aalis rito hangga't hindi ako dumarating."

"Ate, d-dito ka na lang please." pakiusap ni Elly habang wala pa rin tigil sa pag-iyak.

"Ssshh. 'Wag kang maingay Elly. Kapag hindi ako nakabalik kinabuksan ay baka...p-patay na ako."

"Ate naman."

"Mahal na mahal kita Elly. 'Wag na 'wag mo 'yang kakalimutan. Mahal ka ni ate. Kailangan mong mabuhay Elly."

Napa-alerto si Evie nang marinig ang ilang kaluskos sa paligid. Hinalikan n'ya sa huling pagkakataon ang noo ng kapatid bago tuluyang tumakbo palayo rito. Masakit man para sa kanya na iwanan ang kapatid ng mag-isa ay iyon na lang ang nakikita n'yang paraan para makaligtas ito mula sa demonyo nilang ama.

"Eve! Elly!" sigaw ng lalaki.

Mahigpit na niyakap ni Elly ang kanyang mga tuhod dahil sa matinding takot. Mariin s'yang napapikit at inalala kung paano napatay ng ama ang kanyang ina. Matapos bunutin ng ama ang itak sa dibdib ni Eras ay nakita nila ang pagbulwak ng dugo sa sugat ang bunganga nito.

Kung nagmadali lang sana s'ya kanina at hindi na hinanap pa ang stuff toy n'ya ay hindi sana sila maabutan ng ama. She's blaming herself. Namatay ang ina at sa kapahamakan ngayon ang kanyang ate nang dahil sa kanya.

PRESENT

"EL," tawag ni Prime sa dalaga. Nakadungaw lang si Elly sa malawak na karagatan na tanaw sa bintana ng kanyang kwarto.

Ito ang pangarap ni Elly noon. Ang magkaroon ng sariling isla kung saan sila titira ng ina at nang kapatid n'ya. Kahit batang-bata pa s'ya nun ay malinaw pa rin sa mga alaala n'ya ang sinabi n'yang 'yon pero matagal nang sira ang pangarap n'ya. Wala na ang kanyang ina at wala na rin s'yang kinikilalang kapatid.

Nandito s'ya ngayon sa isang isla dahil bilanggo s'ya ng kaibigang si Prime.

Bago pumasok sa kwarto ng dalaga ay ibinigay ni Prime sa tauhan ang dala n'yang baril, punyal at susi. Kilalang-kilala na kasi nito si Elly. Mabilis ang mga kamay ng dalaga at kapag hindi s'ya naging maingat ay hindi ito magdadal'wang isip na patayin s'ya dahil sa pagkulong n'ya rito sa isla.

Ito lang ang nakikitang paraan ni Prime para mailigtas ang kaibigan.

"El," muli n'yang tawag sa dalaga pero hindi s'ya nito nilingon. "Hindi ka na naman daw kumain. You need to eat Elly. Makakasama sa'yo kung hindi ka kakain."

"What's the point. Parang pinagkaitan mo na rin akong mabuhay dahil sa pagkulong mo sa akin dito." Mapait na pahayag ni Elly.

Napabuntonghininga na lang si Prime dahil sa narinig mula sa kaibigan. Dalawang linggo ng nakakulong ang dalaga sa isla n'ya simula ng atakihin nito si Evie sa probinsya at patayin si Gage dahil sa kapalpakan nito.

Sinubukang magtago ni Elly sa kanya pero nahanap n'ya pa rin ito. Hindi n'ya na ulit hahayaang makatakas sa kanya si Elly. He'll keep an eye on her.

"Prime,"

"Hmm?"

Tumayo si Elly at lumapit sa kanya. Sumeryoso ang tingin ni Prime sa dalaga dahil alam na n'ya ang gagawin nito. She will seduce him. Yumakap sa bewang n'ya si Elly at tumingala sa kanya.

"Let's take a bath together. Init na init na ako."

"Stop it Elly!" Mahinang itinulak ni Prime ang kaibigan. Mahina s'ya pagdating sa dalaga pero sinusubukan n'ya pa ring dumistansya rito. "Ipapadala ko ang pagkain mo rito. Kainin mo 'yon kung ayaw mong ako mismo ang sumaksak ng mga pagkain sa bibig mo." pagbabanta ng binata.

Lalabas na sana si Prime ng mabilis s'yang hilahin ni Elly at yakapin muli.

"Kakain lang ako kapag sinabayan mo akong maligo." pagmamatigas ni Elly. "Promise."

"I'm tire---." Naputol ang sasabihin ni Prime nang sa mismong harap na n'ya naghubad ng dress ang dalaga. "Elly!"

"Boss! May problema ba?" tanong nang isang tauhan ni Prime. Mabilis na sinipa ng binata ang pinto ng akmang bubuksan na sana ng tauhan n'ya ang pinto.

"Wag kayong papasok!" asik ni Prime sa mga tauhan na nasa labas.

"Prime," tawag ni Elly sa kanya kaya naman kaagad n'yang hinapit ang bewang ng dalaga at idinikit ito sa kanya.

Sinimulang tanggalin ni Elly ang pagkakabutones ng kanyang polo.

"You can't escape from me Elly. Kahit ilang beses mo pa gamitin ang katawan mo sa akin ay hindi nun mababago ang isip kong pakawalan ka ulit ."

Tahimik lang ang dalaga. Alam ni Prime na galit si Elly sa kanya.

Nang mahubad ni Elly ang suot n'yang pang-itaas ay kaagad n'ya itong binuhat at dinala papasok sa banyo saka inilublob sa bathtub. Hinubad n'ya ang natitira n'yang saplot bago daluhan ang dalaga.

He hug her from behind and kissed her shoulder.

"I hate you Prime. Kinamumunghian kita. Akala ko pa naman ikaw ang unang taong makakaunawa sa akin pero nagkamali ako. Instead of helping me kill my sister you lock me here."

"I know and I'm sorry." Iyon na lang ang namutawing salita kay Prime. Hindi n'ya pinagsisisihan ang naging desisyon n'ya. Sisiguraduhin n'yang hindi malalagay sa kapahamakan si Elly na s'yang ipinangako n'ya sa kaibigang si Alphon.

Babysitting The Retired Assassin | COA #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon