CHAPTER 03: Living w/ the Assassin

1.6K 68 1
                                    

Gising sa gabi at tulog naman sa umaga, iyan ang schedule ng katawan na nakasanayan ni Evie. Sa ilang araw na lumipas ay kinailangan din mag-adjust ni Kade para mabantayang mabuti ang dalaga. Hindi naman s'ya nahirapan dahil well-trained ang katawan n'ya pagdating sa pabago-bagong schedule noong nagtatrabaho s'ya bilang navy.

"You should trying sleeping at night." pahayag ni Kade habang hinahalo ang tinitimpla n'yang kape. It's already 1am in the morning. Bumibigat na ang talukap ng mga mata n'ya kaya kailangan n'ya ng pampagising.

Hindi s'ya pinansin ni Evie. Na-snob na naman s'ya.

Abala ngayon si Evie sa pagpupunas ng katana n'ya. Hangga't maaari ay ayaw munang inisin ni Kade ang dalaga, baka kasi humiwalay ang ulo n'ya kapag ginalit n'ya ito.

"Sa kwarto lang muna ako." Paalam ni Kade pero hindi s'ya binigyang pansin ni Evie. Apat na araw na simula nang tumira s'ya sa pamamahay ni Evie. Matapos ang nangyari ng gabing 'yon sa kwarto n'ya ay ilag na ilag na sa kanya ang dalaga.

Baka iniisip n'yang manyakis ako. Tss. Lalaki lang ako na marunong mag-appreciate ng katawan ng babae. Anong masama 'ron? Sa liit n'ya ay bakit parang ang lambot hawakan ng dibdib n'ya? T*ngina! Ang kinis pa! F*ck! Nevermind!

Samantala, matapos linisan ni Evie ang kanyang katana ay ibinalik n'ya ito sa stand kung saan n'ya ito dini-display. 5 years ago nang nakawin n'ya ito mula sa boss ng Yakuza na napatay n'ya. She loves that sword. Masarap kasi sa feelings kapag matalim ang panghiwa n'ya sa nagiging biktimi n'ya -ang gaan at ang smooth na pang-chop-chop nito.

Gusto n'ya sanang subukan pero umakyat na sa kwarto ang target n'yang si Kade.

NAGPASYA si Evie na lumabas nang bahay para magtungo sa malapit na ilog. Naiinitan s'ya kaya naman naisip n'yang magbabad sa tubig. Hinubad n'ya ang lahat na suot n'yang saplot bago ilubog sa malamig na tubig ang katawan n'ya.

Dalawang taon na rin simula nang manirahan s'ya sa liblib na probinsya. Boring pero tahimik. Wala s'yang mga kapitbahay at sobrang layo rin ng bayan pero kahit ganun ay nasasanay na s'ya sa katahimikan dito. Malayong-malayo sa magulo at madugo n'yang buhay noon.

Living a normal life for an assassin like her is difficult. Hinahanap-hanap pa rin ng katawan n'ya ang aksyon at malansang amoy ng dugo.

Hawak ang maliit na kutsilyo ay sinugatan ni Evie ang kanyang palad. She watch her own blood drips in her hand. Walang bakas ng kahit anong ekspresyon sa mukha ng dalaga. Blood, she loves the color and scent of it. Akmang susugatan n'ya na sana ang kanyang pulso nang may biglang humatak sa kamay n'ya. Marahas nitong inagaw ang hawak n'yang kutsilyo at ibinato 'yon sa malayo.

"Stop hurting yourself! Ano bang iniisip mo?!" asik sa kanya ni Kade.

Bakit hindi n'ya man lang naramdaman ang pagdating at paglapit sa kanya ng lalaki?

Isang malakas na suntok ang ibinigay n'ya kay Kade nang mapagtantong walang nagtatakip sa kahubaran n'ya.

"Pervert!"

"A-Aray!" daing ni Kade habang nakahawak sa kaliwa n'yang mata na tinamaan ng suntok ni Evie. Paniguradong may black eye s'ya bukas. "Wala naman ako nakita. Puro nga likod 'e." panguuyam ni Kade sa dalaga saka s'ya umahon sa tubig.

"G*go ka!" Nanggagalaiting sigaw ng dalaga.

Puro likod? Bulag ba s'ya?! Nakaka-proud kaya ang hinaharap ko. Napabusangot si Evie dahil sa insultong natanggap n'ya mula kay Kade.

Sinundan n'ya nang tingin ang lalaki na ngayo'y nakaupo na sa likod ng isang puno habang nakatalikod sa kanya. Sayang at itinapon nito ang patalim n'ya, hindi n'ya tuloy magilitan ang leeg ng binata.

Babysitting The Retired Assassin | COA #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon