"Alam kong hindi ka naparito para lang i-celebrate ang pagka-discharge ko sa hospital. What really brought you here?" tanong ni Kade. Binuksan nito ang isang bote ng beer at nilagok iyon.
"Nabanggit ko na ba sa'yo ang grupong kinabibilangan ng kapatid Evie?" tanong ni Acel sa kaibigan.
"Oo, ang BlackFang. Bakit? May kinalaman ba sila sa nangyari sa amin sa probinsya?" sunod-sunod na tanong ni Kade na ngayon ay magkasalubong na ang dalawang kilay habang hinihintay ang sagot ng kaibigan.
"I don't think so. Sa tingin ko ay si Elly lang ang may pakana nun. Lumapit sa akin ang isang taga-BlackFang kahapon. His name is Prime, isa sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ni Lord Falcon at matalik na kaibigan ni Elly."
"What does he want?"
"He'll keep an eye on Elly, but we have to do the same with Evie. Sa pagkakataon 'to, sigurado akong may binabalak ang kinakapatid ko. Ito ang pangalawang beses na pinagbantaan ni Elly ang buhay n'ya kaya maaaring hindi na 'to palampasin pa ni Evie." pahayag ni Acel. "Hindi ganun kahaba ang pasensya ni Evie para sa isang ex-assassin. Ngayong pang nadamay ka sa gulong nila, siguradong hindi na magdadal'wang isip si Evie na patayin si Elly kapalit ng kaligtasan n'yong dalawa."
"Pero kapatid n'ya si Elly."
"Ang ibinigay ni Elly na peklat sa kanya at pagkawala ng kaliwa n'yang mata ang araw-araw na nagsasabi sa kanyang wala na s'yang kapatid. She was betrayed Kade. Ngayong alam n'yang hindi s'ya nito titigilan, s'ya na mismo ang gagawa ng paraan para tumigil ito, and that is to kill her own sister."
"H-Hindi,"
"Keep an eye on her. 'Wag mong hahayaang bumalik sa dati n'yang trabaho si Evie. She have you now, siguro naman ay sapat na 'yon para talikuran n'ya ang dati n'yang mundo."
"I will." sagot ni Kade. Kung totoo man ang hinala ni Acel ay mas tututukan n'ya ang pagbabantay kay Evie. He can't let Evie fall to the same hell again.Nagulat si Kade nang sumugod si Acel sa bahay n'ya kasama ang isang taga-BalckFang, si Prime.
"Where's Evie?" tanong ni Acel sa kanya.
"She went out. Nagpaalam s'ya sa akin na lalabas kasama ang mga kaibigan n'yang dati ring mga assassin."
"She lied!" asik ni Acel. "I told you Kade, keep an eye on her!""W-What do you mean she lied?"
"She lied to you. Pinuntahan n'ya si Elly."
Mas lalong kumunot ang noo ni Kade dahil sa naging pahayag ng kaibigan. Evie won't lie to her. She promised him. Sa sobrang laki na ng tiwala n'ya sa nobya ay duda s'yang magagawa nitong magsinungaling sa kanya.
"Kausap ko kanina si Elly. She told me na may bisita s'ya. Hindi s'ya pupweding magkaroon ng bisita nang wala ang pahintulot ko dahil nasa isang isolated island s'ya ngayon." paliwanag ni Prime.
"Let's not waste our time. Puntahan na natin sila bago pa mahuli ang lahat." pahagay ni Acel. Ginamit ni Acel ang helicopter na pagmamay-ari ng pamilya para makarating kaagad sa islang kinaroroonan ng kanyang kinakapatid.
Habang nasa himpapawid ay napansin ni Acel ang kaharap n'yang binata. Seryoso ang mukha ng kaibigan n'yang si Kade. Nakakuyom ang isa nitong kamao at mahigpit ang hawak nito.
"Kade," tawag ni Acel sa kaibigan."I put to much trust on her." tiim-bagang na pahayag ni Kade hindi n'ya maipaliwanag ang sakit at galit na nararamdaman dahil sa pagsisinungaling sa kanya ng nobya. Pinanghawakan n'ya ang pangako nila sa isa't isa pero wala lang pala iyon para kay Evie.
"Let's just pray that the two of them are still breathing. Iyon na lang muna ang isipin mo." pahayag ni Acel. Nang ibaling n'ya sa labas ang tingin ay doon na n'ya nakita ang isang isla na parang isang korona sa gitna nang karagatan.Sana lang ay hindi masira ang imaheng nakikita n'ya ngayon sa maaabutan nila sa loob ng mansyon ni Casco.
***
"F*ck! What did you do?" asik ni Aiken kay Elly. Mabilis nitong nilapitan ang kaibigan na si Evie. Hinanap ng binata ang sugat ng dalaga pero wala s'yang makita.
"A-Ang sakit! Aaa!" iyak ni Evie na kasalukuyang namimilipit sa sakit.
"S-She's pregnant?"
"W-What." tanong ni Aiken kay Elly.
"S-She's having a miscarriage!"
"W-What?" pag-uulit ni Aiken na hindi makapaniwala sa kanyang narinig.
"Lay her on my bed! NOW!" maawtoridad na sigaw ni Elly na kaagad namang sinunod ng binata. "Hindi na aabot si Evie sa hospital. I-I need to do something."
"Are you a licensed doctor or nurse?'
"No!" tarantang sagot ni Elly. "3 hours in boat and 1 hour in air. Iyon ang tagal nang byahe bago pa man madala si Evie sa hospital."
"Sh*t! Anong gagawin natin? Tuloy-tuloy pa rin ang pagdugo n'ya."
Iniangat ni Elly ang damit nang kapatid sapat na para makita n'ya ang tiyan nito. "Kung hindi ako nagkakamali ay wala pang dalawang buwan ang dinadala n'ya. Cover her up. I need to remove her pants and check her."
Elly studied medicine pero hindi n'ya pinagpatuloy ang pagdo-doctor dahil mas naging focus s'ya sa organisasyon.
"E-Elly?" tawag ni Evie sa kapatid.
"Stay still."
Iyak pa rin ng iyak si Evie hanggang sa matapos ang pag-check sa kanya ni Elly. Mula sa hawak na tuwalya ng kapatid ay nakita n'ya ang maliit na laman na inilabas ng pagdurugo n'ya.
"Y-You had a miscarriage." pahayag ni Elly.
Isang malakas na hagulgol ang pinakawalan ni Evie dahil sa narinig na balita. Hindi n'ya alam na buntis s'ya. Kaya pala malakas ang cravings n'ya nitong mga nakaraang araw at pabago-bago rin ang mood n'ya. Para bang biglang gumuho ang mundo ng dalaga. Kung alam n'ya lang na may bata na sa sinapupunan n'ya ay hindi na sana n'ya itinuloy ang pagsugod sa kapatid. Sigurado s'yang magagalit sa kanya si Kade dahil sa kapabayaan n'ya.
Tumayo si Elly at kumuha ng damit para ibigay sa kapatid. Hindi n'ya maintindihan ang sarili, imbis na magsaya sa nangyari ay mas nangibabaw pa rin lungkot at pagka-awa n'ya kay Evie.
"I-I'm sorry Evie." pahayag ni Aiken na ngayon'y awang-awa sa sitwasyon ng kaibigan.
"Ayon ang banyo. Magpalit ka muna bago kayo umalis." pahayag ni Elly bago lumabas ng kwarto n'ya at iwanan sa loob ang dalawa.IKINULONG ni Evie ang sarili sa banyo. Iyak lang s'ya nang iyak habang hawak ang kanyang tiyan. Paano n'ya pa haharapin ngayon si Kade ngayon kasalanan n'ya kung bakit nawala ang first baby nilang dalawa?
"Evie?" tawag ni Aiken sa kaibigan nang katukin nito ang pinto ng banyong kinalalagyan ni Evie. Halos isang oras na itong nandoon at hindi lumalabas.
Hindi pinansin ni Evie ang kaibigan. Ibinaon n'ya ang mukha sa tuhod at mahigpit na yinakap ang mga binti n'ya. Wala s'yang lakas ngayon para kausapin ang kahit na sino. She's grieving for her lost.
"Evie,"
Mabilis na napaangat ang tingin ng dalaga sa lalaking nagsalita sa harap n'ya and their she saw her fiance. Nanlaki ang mga mata ni Evie dahil sa biglang pagdating nito. Hindi pa 'sya handa, hindi n'ya alam kung paano ipapaliwanag ang nangyari sa baby nila.
"K-Kade," kabadong sambit n'ya sa pangalan ng nobyo. Lumuhod si Kade sa harap n'ya at hinubad ang jacket na suot nito bago 'yon ipatong sa balikat n'ya.
Blanko ang ekspresyon na nasa mukha ng nobyo kaya naman mas lalo s'yang nahintatakutan. Mayamaya pa ay naramdaman na lang Evie ang pag-angat ng katawan n'ya dahil sa pagbuhat sa kanya ng binata.
"K-Kade," pagtawag n'ya rito.
"Go to sleep Evie. I know your tired." wika ng binata saka n'ya dinampian nang magaang halik ang noo ng nobya. Sa nakita ni Kade na sitwasyon ni Evie ay para bang naalis ng panandalian ang galit n'ya pero alam n'yang hindi na ito mabubura ngayon pang nalaman n'yang wala na ang baby nila.***
Kaagad na dinala ni Kade at Acel si Evie sa hospital nang makaalis sa isla. Sinabi sa kanilang lahat ni Aiken ang nangyari kaya naman sobrang panghihinayang ang naramdaman nila.
"Sh*t!" mura ni Aiken ng makatanggap ng suntok mula kay Kade. Para itong papatay ng tao dahil sa sama ng tingin nito sa kanya. Hinablot ni Acel ang kwelyo n'ya at binigyan din s'ya nito nang malakas na suntok. Hindi s'ya lumaban sa mga kaibigan. Alam n'yang hindi mapapalitan ang buhay na nawala dahil sa kapabayaan n'ya.
"You could have stop her!" asik ni Acel.
"I've tried."
"You didn't try harder!" Bumagsak ang katawan ni Aiken sa sahig dahil sa panibagong suntok mula kay Kade."Ikaw ang lagi n'yang kasama pero hindi mo man lang nahalata ang ginagawa ni Evie. 'Wag mong isisi sa akin ang lahat dahil nagpabaya ka rin." Nag-igting ang panga ni Kade dahil sa sinabi ni Aiken. Mas lalong dumilim ang tingin n'ya rito. Kaagad s'yang pumatong kay Aiken at walang tigil na pibagbububog ang binata. Gusto n'yang ilabas lahat ng galit n'ya. Imbis na umiyak at magluksa sa pagkawala ng baby nila ni Evie ay sa pambubugbog na lang kay Aiken n'ya ibubuhos lahat.
Maaaring tama nga ang sinabi ni Aiken, nagpabaya s'ya sa pagbabantay kay Evie pero kung sa una palang ay pinanghawakan na ni Evie ang pangako nila sa isa't-isa ay hindi sana mawawala sa kanila ang bata.
Hindi lang s'ya galit kay Aiken at Evie kundi pati na rin sa sarili n'ya.
BINABASA MO ANG
Babysitting The Retired Assassin | COA #1
Romance/F I N/ CITY OF ANGELS #1 Evie ✖️ Kade 🥀 Evie, also known as 'Moonflower' during her assassin duty, stepped down to her vicious throne in order to live a normal life. Her last mission took her right eye and leave her a scar that she will carry for...