CHAPTER 11: Tranquilized

1.2K 45 1
                                    

This is just a short update 😊

"We're surrounded." saad ni Evie habang nakatingin sa monitor briefcase n'ya. "Don't move Kade. Ang tigas talaga ng ulo mo." suway ni Evie sa binata nang maupo ang lalaki mula sa pagkakahiga.

She removed the bullet. Mabuti na lang hindi sa spinal cord tumama ang bala at wala ring lamang loob ang napuruhan dahil kung hindi ay baka naghihingalo na ang binata or worst case scenario, bangkay na ito ngayon. Her priority is Kade. Kahit nagawa na n'yang tanggalin ang bala at isara ang sugat nito ay kailangan pa rin nito ng doktor.

"I-I'm fine," usal ni Kade. Pawisan ito at halata sa mga mata ang iniinda n'ya ngayong sakit.

"Kade naman. 'Wag nang matigas ang ulo please."

Sa tanang buhay n'ya ay ngayon lang s'ya kinabahan para sa buhay ng iba. Seeing Kade in his weakest point hurts her. Ayaw n'yang nakikitang nasasaktan ang binata.

"Hey," Inabot ni Kade ang pisngi ng dalaga at masuyo itong hinaplos. "My job is to protect you, not the other way around."

"But you're wounded. Kung ayaw mong turukan kita ng tranquillizer ay sumunod ka na lang. I don't want to repeat myself Kade." Mataray na pahayag ni Evie habang niri-ready ang hawak n'yang M24 snipper riffle.

"Hindi mo ako madadanan sa pagsusungit mo." Natatawang saad ni Kade. "F*ck! Bakit ang hot mo sa ginagawa mong 'yan. You're a bad a** Evie." dagdag ng binata na nagpainit naman ng magkabilang pisngi Evie.

"Kade naman!" maktol ng dalaga.

"Pinapagaan ko lang ang loob mo. I know your worried about me. I have experienced worst in my military mission kaya wala kang dapat ipag-alala. Hindi ito ang papatay sa akin." Paninigurado ni Kade sa dalaga. "Your the death of me Evie. Ikaw lang." Dinampian ni Kade nang mabilis na halik ang labi ng dalaga na kaagad namang tinugunan ni Evie.

He really knows how to make her heart crazed.

"Here, ikaw na muna ang tumingin sa cctv. I have sniping spot in my room. Susubukan kong bawasan sila habang naghihintay ng back up."

"Be careful Evie."

"I will." tipid ang ngiting pahayag ni Evie saka dali-daling umakyat sa kanyang kwarto.

Kaagad na ipinosisyon ni Evie ang kanyang baril sa bintana saka n'ya pinag-aralan sa scope ang posisyon ng mga kalaban. They are scattered everywhere. May ilang mga sniper na nakaabang at kapag lumabas sila sa pinto ay siguradong butas ang bungo nila.

"Where are you Elly?" bulong ni Evie sa sarili. Ang kapatid n'ya ang una n'yang gustong patumbahin pero mukhang wala ang babae ngayon sa teritoryo n'ya. "If she's not here, who's in charge?" tanong n'yang muli sa sarili habang sinisilip isa-isa ang mga nagkalat sa labas ng kanyang malawak na bakuran.

Napansin n'ya ang isang lalaking may hawak na sniper gun. Nanlaki ang mata ni Evie nang makitang nginisihan s'ya ng lalaki habang nakatutok na ngayon sa kanya ang baril nito.

"Nalintik-Ahhh!" sigaw ni Evie nang bigla na lang yumanig ang buong bahay n'ya dahil sa malakas na pagsabog. Dumaplis ang bala na pinakawalan ng sniper sa gilid ng leeg n'ya kaya naman maswerte pa rin s'ya. Gumapang palabas ng kwarto si Evie at dali-daling pinuntahan si Kade.

"What's happening? Saan nanggaling ang pagsabog!"

"Northside. Wala na ang cabin mo."

Biglang nanghinayang sa narinig si Evie. Sa cabin n'ya naka-stock ang mga collection n'ya ng mga weapons. Kaya pala may mga after shock pang mga pagsabog.

"Soon they'll aim their bomb here. They're threatening us." pahayag ni Kade. "Kailangan nating makaalis dito before they bomb this place."

"I know but we are surrounded."

Ngayon ay sisingsisi na si Evie dahil hindi n'ya itinuloy ang plano n'ya noong gumawa ng sariling underground tunnel. Iyon ang isa sa mga pangarap n'ya pero dahil mas nanaig sa kanya ang katamaran ay wala tuloy silang ligtas na escape plan. Of course she have a plan...but it's not safe. Ginawa n'ya lang ang planong 'to para sa sarili, hindi n'ya akalaing magkakaroon s'ya ng plus 1.

"I have Mg3 machine gun in the garage Kade. Naka-load na ito ngayon sa kotse at ready for the ambush."

"Okay. We can use my car to escape, nasa garahe lang din 'yon."

"But,"

"But what?"

"Ako ang target nila Kade. Kailangan nating maghiwalay. I'll drive the other car with the gun and you drive your car to escape. "

"Damn Evie! I'm not gonna leaeve you here and save my a**. Magkasama tayong aalis dito." pagmamatigas ni Kade. Hindi mapigilang mainis ng binata, s'ya ang bodyguard pero bakit s'ya pa 'tong pinuprotektahan ni Evie?

Napabuntong hininga na lang si Evie. Sabi n'ya na nga ba, hindi basta-bastang papayag ang lalaki na maghiwalay silang dalawa.

Sinunggaban ng halik ni Evie si Kade. Hindi n'ya sigurado kong makakaligtas s'ya pero sisiguraduhin n'yang hindi madadamay ang lalaki sa problema n'ya. Bago tuluyang humiwalay sa labi ni Kade ay tinurukan n'ya muna ang binata ng traquillizer.

"E-Evie!" usal ni Kade nang maramdaman ang panghihina ng kanyang katawan. Parang s'yang lantang gulay ngayon.

"I'm sorry Kade." Mahigpit n'yang yinakap ang nanghihinang binata nang bumagsak ang ulo nito sa balikat n'ya. Kapag hindi sila naghiwalay ay baka pareho silang mamatay kaya mas makakabuting s'ya na muna ang humarap sa mga kalaban para bigyan ng sapat na oras na makatakas ang binata.

Kaagad na dinala ni Evie sa garahe si Kade at ipinasok sa isa n'yang kotse na may-AV. Self-driving ito at bullet proof kaya naman panatag s'yang makakaligtas ang lalaki. S'ya naman ang target kaya nasa kanya ang buong atensyon ng grupo.

Nang masiguradong maayos na ang lahat ay mabilis na minaneuver ni Evie ang sinasakyang kotse papunta sa mga kalaban habang awtomatikong bumabaril ang machine gun n'ya sa paligid. Literal na umuulan ng bala at bomba sa lupain na dating paraiso para kay Evie. Dumating na rin ang araw na matagal n'yang pinaghahandaan. Kahit noon pa ay inaasahan na n'yang mahahanap s'ya ng kapatid.

Mayamaya pa ay umalis na rin ang kotsing kinalalagyan ni Kade. May ilang bumaril sa sasakyan pero hindi 'yon naging hadlang para malagay sa kapahamakan ang nanghihinang binata na nasa loob.

Nakahinga nang maluwag si Evie nang makitang nakalayo na ang kotse ni Kade. Sigurado s'yang magagalit ang binata sa kanya kung sakali man na magkita ulit silang dalawa.

Babysitting The Retired Assassin | COA #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon