CHAPTER 04: Grieving Soul

1.5K 61 2
                                    

Normal ba para sa isang assasin ang hindi umiyak? They're still human with emotions right? - tanong ni Kade sa sarili habang nakasilip sa naka-awang na pinto ng kwarto ni Evie. Nakaupo ang dalaga sa gilid ng kama n'ya habang nakatanaw sa labas ng bintana. Dalawang araw na ang lumipas matapos ang pagkamatay ni Boyet pero hindi n'ya man lang nakita o narinig si Evie na umiyak.

Sa nasaksihan n'yang galit ni Evie nang araw na 'yon ay sigurado s'yang naging importante ang bata sa buhay nito. Hindi naman s'ya magagalit at gaganti kung hindi n'ya mahal si Boyet.

Akmang isasara na sana ni Kade ang pinto nang marinig n'ya ang pagkanta ng dalaga. Her voice is soothingly beautiful. Malungkot ang bawat mensahe ng kanta at doon pa lang ay alam na n'yang nagluluksa ang dalaga.

Para bang may nag-udyok kay Kade na pumasok at lapitan si Evie. Nang makaupo sa tabi nito ay doon n'ya napansin ang panginginig ng mga kamay ng dalaga.

"Evie." Malumanay na tawag n'ya sa pangalan nito.

"H-He's like a baby brother to me. Alam mo bang s'ya ang lagi kong kasama nung mga panahon na mag-isa ako at malungkot. Hindi s'ya umalis kahit ipinatabuyan ko s'ya. He stayed." Nanginginig ang mga labing saad ni Evie habang nakatanaw pa rin sa malayo. "Nang malaman ko ang ginagawang panggugulpi sa kanya ng tatay n'ya ay kaagad akong umaksyon para tulungan sila ng nanay n'ya. Kung alam ko lang na mangyayari 'to ay ako na sana mismo ang pumatay sa lalaking 'yon!" asik ng dalaga nang ibaling ang tingin sa lalaking katabi n'ya.

"Pero hindi mo ginawa dahil alam mong mahal ng batang 'yon ang tatay n'ya sa kabila ng mga ginawa nito sa kanya."

"Ako dapat ang pumatay sa kanya Kade!" sigaw ni Evie. "Hindi katanggap-tanggap ang ginawa n'ya kay Boyet!"

"I know." Iyon na lang ang namutawi sa bibig ni Kade habang nakatitig sa inosenting mukha ni Evie. She looks delicate right now.

Cry. Please cry. Ako ang nahihirapan sa'yo. - pakiusap ni Kade.

"When was the last time you cry Evie?" tanong ni Kade. Wala sa sariling hinaplos ng binata ang pisngi ng dalaga.

"A-Assassin d-don't shed t-tears Kade!"

"But your not an assassin anymore Evie. Tapos na ang trabaho mo. You're here to reclaim your life."

Nanigas sa kinauupuan n'ya si Evie. He's right.

"I-I can't. S-Sinusubukan ko naman." pahayag ni Evie habang nakatitig sa mga nanginginig n'yang kamay. Naiiyak n'ya na ata lahat ng luha n'ya years ago. Noong traydurin s'ya ng nag-iisa n'yang kapatid.

"Of course you can. Silly." bulong sa kanya ni Kade nang yakapin s'ya nito nang mahigpit.

"K-Kade,"

"Cry Eve. Walang masamang umiyak."

Humaplos ang mainit na palad ni Kade sa likuran ni Evie. Mayamaya pa ay isang malakas na palahaw at iyak ang pinakawalan ng dalaga. She's crying with all her heart. She's feeling week and fragile, pero wala na s'yang pakialam. Gusto n'yang magluksa at ilabas ang lungkot na ilang araw na n'yang iniinda.

"Good girl." Nakangiting bulong ni Kade. Parang ulirang bata na naghahanap ng pansin sa magulang si Evie nang mahigpit s'yang yumapos sa leeg ng binata. Kaagad na ikinandong ni Kave si Evie dahil sa pagsusumiksik nito sa leeg n'ya.

Maingat n'yang hinawakan si Evie dahil sa sugat nito sa hita.


ALAS-NUEBE ng umaga nang magising si Evie. For the first time, ngayon lang s'ya gumising ng umaga. Mugto ang mga mata n'ya ng makita ang sarili sa salamin. Bigla s'yang nakaramdam ng hiya naang maalala ang ginawa n'ya kagabi pero kapalit ng kahihiyang iyon ay gumaan ang pakiramdam n'ya dahil nagawa n'yang ilabas ang bigat sa dibdib n'ya.

Nang makaligo ay naghanap si Evie ng dress na isusuot n'ya. Gusto n'yang pumunta sa burol ni Boyet. Kahit sa huling pagkakataon ay gusto n'yang makita ang bata bago ito ilibing.

"Evie," tawag ni Kade sa dalaga. Halatang gulat na gulat ito. Bukod sa ngayon lang gumising ng maaga si Evie ay napansin n'ya rin ang simpling dress na bagay na bagay rito. Mas lumitaw ang kaputian nito. She's also wearing a sunglasses at alam na n'yang mugto ang mga mata ng dalaga sa walang tigil na pag-iyak kagabi.

"P-Pupunta lang ako sa burol ni Boyet." Paalam nito sa kanya.

"I'll come with you. Sandali, magbibihis lang ako." Tumango lang sa kanya si Evie. "While waiting for me, kainin mo muna ang sandwich na ginawa ko."

Para sa sarili talaga ang tinapay na 'yon pero dahil mas kailangan 'yon ni Evie ay ibibigay n'ya na lang muna 'yon sa dalaga. Kakain na lang s'ya pagbalik nila mamaya.

Babysitting The Retired Assassin | COA #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon