CHAPTER 06: Chansing

1.4K 54 3
                                    

"Don't give me that tingin Moon. Wala namang akong ginagawang bad sa'yo." Natatawang pahayag ni Charm. Kumakain sila ngayong apat ng pananghalian at inis na inis si Evie dahil hindi pa umaalis ang babaing ulupong.

"After mong kumain ay lumayas ka na sa pamamahay ko!"

"Is that how you treat your friend? Nakakatampo ka. Hmmp."

"Wag mo kong artihan at kelan pa tayo naging magkaibigan? Magkatrabaho lang tayo at hindi FRENNY!" pagtataray ni Evie. Umangat ang isa n'yang kilay ng makita ang ginawang pagdikit ng hintuturo ni Charm sa braso ni Kade at tinusok-tusok pa ito.

"Ang harsh n'ya sa akin fafa Kade." sumbong ni Charm sa binata.

Mas lalo s'yang nainis sa hindi n'ya malamang dahilan. May nakatago s'yang kutsilyo sa ilalim ng mesa, gusto n'ya sana itong ibato kay Charm but knowing her, siguradong makakaiwas ito.

"Nga pala, Aiken's been looking for you. Miss ka na raw n'ya." pahayag ni Charm.

"Tss." usal ni Evie na lihim na napangiti. So, Aiken misses her. Aba! Dapat lang! Dalawang taon na rin silang walang komunikasyon at walang paramdam sa isa't isa.

"Humihinga pa pala ang lalaking 'yon." saad ni Kade kaya nalipat sa kanya ang tingin ng tatlo.

"You knew him?" tanong ni Charm.

"Oo. It's a long story." sagot ni Kade habang seryosong kumakain. Hindi nakalagpas sa binata ang ngiting sumilay sa labi ni Evie ng marinig ang sinabi sa kanya ni Charm patungkol kay Aiken.

Naiinis s'ya.

"THANK GOD!" masayang saad ni Evie ng umalis na ang kanyang nakakabwisit na bisita. Ibinagsak n'ya ang katawan sa kama at chineck ang kanyang phone. Nang makita ang text mula kay Tommy ay dali-dali s'yang bumangon at tumawag rito.

"Eve! Ang ganda-ganda ng pamangkin ko. Ang puti-puti at kulay green ang mga mata. Hindi nagmana kay Tuesday!" Bungad na balita sa kanya ni Tommy.

"G*go ka talaga."

"Totoo nga kasi."

"Anong sabi ni Tuesday? Naalala n'ya na ba ang mukha ng naka-one night stand n'ya dahil sa mukha ng bunga nila?"

"Ayon. Hindi pa rin. Sana 'wag na n'yang maalala. Baka ilayo lang ng lalaki n'ya sa amin si baby Sammy. Mayaman 'e." pahayag ni Tommy.

Mayaman ang nakabuntis kay Tuesday. Binayaran kasi ang babae ng sampung milyon para sa pagpapagamot kay Tommy. Kung alam lang sana ni Evie na nangangailangan ng pera ang magkapatid ay s'ya na sana ang naghanap nito para sa kanila. Hindi na sana ibinenta ng kaibigan ang sarili nitong katawan sa ibang tao pero kahit ganun ay malaking blessing pa rin ang pagdating ni baby Sammy sa kanila.

"Video call ulit ako Tommy. Maghahanap lang ulit ako ng signal." paalam ni Evie sa binata.

"Okay."

Gusto sana ni Evie na punta ulit sa bubong pero masyadong mataas ang sikat ng araw. Nakakapaso iyon dahil hapon na. Lumabas ng bahay ang dalaga at inakyat ang puno ng santol sa tabi lang ng bahay n'ya.

Napapikit si Evie nang umiihip ang sariwang hangin. Malamig at malinis ito kumpara sa siyudad. Kahit papaano ay unti-unti na rin s'yang nasasanay sa lugar.

Tatawagan n'ya na sana ang kaibigan ng mahagip ng mga mata n'ya ang pigura ng isang lalaki na papalapit sa pastulan n'ya. Bitbit ng lalaki sa balikat nito ang isang sako, ordinaryong residente lang ito.

Dali-daling umakyat sa pinakatuktok ng puno si Evie at kinuha ang palaso n'yang nakatago roon. May sniper gun rin sya, in case na kailanganin n'ya. Marami s'yang sniping spot sa lupain n'ya kaya nakahanda s'ya kung may panganib man na dumating.

Babysitting The Retired Assassin | COA #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon