"Evie!" sigaw ni Kade nang mapabalikwas sa hospital bed. Mabilis din na napangiwi ang binata nang maramdaman ang pananakit ng kanyang sikmura.
"Kade, you're awake. Wait! Tatawag lang ako ng doctor." pahayag ng babaing kasama n'ya sa kwarto.
"Valey," tawag ng binata nang hilahin nito ang braso ng babae. "Nasaan si Evie? Where is she?" Bakas ang matinding pag-aalala sa mukha ni Kade. Hindi n'ya alam kung paano s'ya nakarating ng hospital pero sa ngayon ay wala na s'yang pakialam 'don, ang gusto n'ya lang malaman mgayon ay kung nasaan si Evie at kung ligtas ba ito.
"Evie? Hindi ko s'ya kilala Kade."
"Call Acel. I need to know where Evie is."
"S-Sige pero tatawag muna ako ng doctor." pahayag ni Valey saka dali-daling lumabas ng kwarto.
Naikuyom ni Kade ang mga kamao dahil sa matinging pagkadismaya sa sarili. Kung hindi lang sana s'ya nabaril ay naprotektahan n'ya sana si Evie.
*Achingg!*
*Achingg!*
Nagsalubong ang mga kilay ni Kade nang marinig ang pagbahing ng kung sino. Sigurado s'yang nasa loob lang ito nang kwartong kinalalagyan n'ya. Naupo ang binata sa gilid ng kama bago dahan-dahang tumayo. Masakit pa rin ang sugat n'ya sa tiyan kaya nang lumuhod s'ya para silipin ang ilalim ng kama n'ya ay mas lalong lumukot ang mukha n'ya dahil sa sakit.
"E-Evie?" tawag ng binata sa dalaga na nakadapa at nagtatago sa ilalim ng higaan n'ya. "Anong ginagawa mo d'yan? Damn! Come here."
Nahihiyang lumabas sa kanyang pinagtataguan si Evie. Nang makatayo ay isang mahigpit na yakap ang natanggap n'ya mula kay Kade. Parang pinipiga s'ya ng lalaki. Halatang sabik na sabik ito sa kanya.
"I thought I lost you." Nanginginig ang labing pahayag ni Kade. Tuluyang nawala ang kaninang takot bumabagabag sa kanya ng hindi n'ya makita ang dalaga pero ngayon ay winakli na ng presensya ni Evie ang alalahanin n'ya.
Nang maghiwalay ang dalawa ay tiningnang mabuti ni Kade ang itsura ni Evie. He examined her. May bandaid ang dalaga sa gilid ng leeg at sugat sa gilid ng kanang kilay. All in all, hindi naman napuruhan si Evie.
"W-What?" kabadong tanong ni Evie nang makita ang pagtalim ng tingin sa kanya ng binata.
"Why'd you do that Evie?"
"H-Huh?"
"You tranquilized me!" asik ni Kade. "Teka, why are you hiding under my bed?" kunot noong tanong ng binata.
"My instinct told me too." pahayag ng dalaga.
Nang pumasok kasi kanina si Valey ay kaagad s'yang nagtago sa ilalim ng kama ng binata. Hindi n'ya sigurado kung nagiging cautious lang s'ya o may gusto s'yang malaman patungkol sa babaing 'yon. Ilang araw n'ya na kasing nakikitang bumibisita si Valey kay Kade. Ayaw n'ya namang tanungin si Acel patungkol sa babae dahil baka mapaghalataan s'yang nagseselos.S'ya? Nagseselos?
"Evie, don't do that again. Please. Alam mo bang takot na takot ako at alalang-alala sa'yo. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa'yo." Pumaikot ang braso ni Kade sa bewang nang dalaga at pinuwesto ito sa pagitan ng hita n'ya habang nakaupo s'ya sa gilid ng kanyang kama.
"B-Bakit? Dahil responsibilidad mo ako?"
Dahil ba parte lang ako ng trabaho mo?
"Ipinangako ko kay Acel na puprotektahan kita pero bukod 'don ay ayaw ko ring nakikita kang nasasaktan Evie. Hindi kakayanin ng konsensya ko...at ng puso ko." Nanlambot ang puso ni Evie dahil sa narinig mula sa binata. Bukod kay Acel at Ninang Amanda n'ya ay ngayon lang may ibang tao na harapang nagsabi ng mga salita 'yon sa kanya.
Hinawakan ni Evie ang magkabilang pisngi ni Kade saka n'ya siniil ng halik ang labi nang binata. Sumilay ang ngiti sa labi ni Kade nang maisip na si Evie na ang laging humahalik sa kanya. Bumaba ang labi ni Kade sa leeg ni Evie habang mahigpit pa rin ang yakap sa bewang ng dalaga.
Wala s'yang pakialam kung nasa loob man sila nang hospital. Kating-kati na talaga s'yang angkinin si Evie.
"Holy crap!" gulat na usal ni Valey.
Parehong napalingon si Kade at Evie sa pinto dahil sa sigaw ng babae. Kasama ni Valey ang isang doktor at nurse pero ang totoong nagbigay kaba sa kanila ay ang bulto ni Acel na nakatayo sa likuran ni Valey. Masama ang tingin nito sa kanilang dalawa.***
"OKAY. Both of you explain." seryosong pahayag ni Acel habang naka-cross ang mga braso n'ya at nakasandal sa pader ng kwarto. "Anong namamagitan sa inyong dalawa."
"Wala kuya." sagot ni Evie na mas lalong nagpasalubong ng kilay ni Acel.
"Wala pero kung magtukaan kayo ay parang honeymoon n'yo na." Bumaling ang binata sa kaibigang si Kade na kakatapos lang i-check ng doctor. "May nangyari na ba sa inyo? Ginalaw mo na ba ang kinakapatid ko?" sunod-sunod na tanong ni Acel na nagpabilog ng mga mata ni Evie.
"Kuya!"
"Wala pa pre. Soon." sagot ni Kade.
"Kade!" suway sa kanya ni Evie. Parang sasabog na sa sobrang kahihiyan ang dalaga. Hindi lang sila nahuli, pinangalandakan din ngayon ni Kade na may mangyayari sa kanila...soon!Lumapit si Acel kay Kade at malakas na binatukan ang kaibigan. "Mag-bestfriend nga kayo ni Aiken. Pareho kayong malandi pagdating kay Evie."
"Wag kang magmalinis Acel. Mas malala ka!" natatawang saad ni Kade habang hinihimas ang likod ng ulo n'ya.
Napabuntonghininga na lang si Acel. Maganda si Evie. Sa sobrang ganda ng kanyang kinakapatid pati si kamatayan ay habol nang habol dito. Sa ngayon, pasalamat na lang s'yang kaibigan n'ya ang nakikita n'yang endgame nito. Maybe Kade could help her. Matagal nang retired assassin si Evie pero sa nakikita n'ya ay hindi pa rin magagawa ni Evie makapag-move on sa dating buhay. Her weapon collection and deadly territory connotes it all.
Samantala, nilapitan naman ni Valey si Evie. Makikita sa mukha ng dalaga ang matinding excitement lalo pa't ngayon n'ya lang namalaman na may babae si Kade.
"Girlfriend ka ba ng kapatid ko?" tanong ni Valey.
"K-Kapatid ka ni Kade."
Tumango-tango si Valey na animo'y kilig na kilig.
"Ako nga pala si Valey. Younger sister ni Kade." Kinuha ni Valey ang kamay ni Evie at nakipagkamay dito. "Am I expecting a pamangkin? Ayiieee."
"P-Pamangkin? Hindi ako buntis! At isa pa, wala namang namamagitan sa amin ni Kade."
"What?!" asik ni Valey bago ibaling ang tingin sa kapatid. "You kissed her like a slut pero wala pa naman palang kayo! Isusumbong kita kay lola! Don't worry Evie, sisiguraduhin kong papanagutan ka nang maharot kong kapatid."
"Valey! Your mouth!"
"Aba! Hindi naman pupweding si Evie ang maagrabyado rito!"
"Acel, pwede bang ilabas mo muna ang kapatid ko. Sumasakit ang ulo ko sa kanya."
"She's right Kade. Hindi pweding ganun na lang. Halik ka nang halik kay Evie at sipsip nang sipsip tapos wala naman pala kayong relasyon." segunda namn ni Acel.
"Stop pressuring him. G-Ginusto ko rin naman ang mga nangyari sa amin." pag-amin ni Evie. Her face is like a tomato.
"Talaga?" nakangiting tanong ni Kade. Hindi n'ya mapigilang kiligin.
"Talaga?" tanong naman ni Acel. For the first time, marunong nang lumandi ang kinakapatid n'ya.
"Talaga?" tanong ni Valey na kasalukuyan nang nag-iisip ng theme for baby shower. Excited na s'yang magkaroon ng pamangkin.
"L-Lalabas muna ako sandali." paalam ni Evie na kanina pa hiyang-hiya para sa sarili. Kaagad s'yang nagtungo sa banyo at tiningnan ang sarili sa salamin. Ayaw na ayaw n'ya talagang s'ya ang nagiging centro ng atensyon lalo na sa mga ganoong usapan. Iniisip n'ya tuloy, ano ba talaga ang totoong status nila ni Kade? Gusto n'yang malaman kung ano s'ya para sa lalaki?
Katawan n'ya lang ba ang habol nito o may magtingin na ito sa kanya?BAGBALIK ni Evie sa kwarto ni Kade ay wala na doon sina Valey at Acel. Nakahinga s'ya nang maluwag dahil wala nang magtatanong sa kanya ng mga kung ano-ano.
"Bakit ang tagal mo?" tanong sa kanya ni Kade na nakaupo sa hospital bed nito. "Sorry kung masyadong madaldal ang kapatid ko. Mas makakabuti kong hindi na lang magku-cross ang landas n'yo."
"Bakit naman?"
"Masama ang tabas ng dila nun. Mukhang inosente pero s'ya talaga ang demonyo na reincarnation ni Lucifer."
"Ang sama mo. She looks nice.""Kaya nga. Mukha lang talaga." Natatawang saad ni Kade saka n'ya hinapit papalapit sa kanya ang dalaga. "Did you lock the door?" tanong ni Kade sa kanya.
"Hindi bakit?" tanong ni Evie. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang pumasok sa suot n'yang t-shirt ang kamay ni Kade. "Kade! Baka may makahuli na naman sa atin." suway ni Evie sa binata.
Hindi n'ya pa nga nililinaw ang relasyon namin pero heto na naman s'ya at nilalandi ako. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ikinagalit ko noong nasa ilog kaming dalawa.
Mabilis na hinuli ni Evie ang kamay ni Kade na papunta na sana sa dibdib n'ya.
"Wag dito Kade."
"Why?"
"Anong why? Hospital 'to. Labas-masok ang mga doctor at nurse rito sa kwarto mo at isa pa, hindi pa magaling 'yang sugat mo."
"Don't worry about me Evie. Kayang-kaya na ng katawan kong maglabas-masok sa'yo." Pilyong ang ngiting pahayag ni Kade.
"Tarantado ka talaga!"
"Just stating the fact." Natatawang pahayag ni Kade ng makita ang pagpa-panic sa mukha ni Evie. "Fine. Hindi na kita pipilitin pero tabihan mo na alng ako matulog dito sa kama. Inaantok na naman ako. Dahil siguro 'yon sa gamot na pinainom sa akin ng doctor kanina."
Pinagbigyan ni Evie ang binata. Matutulog lang naman pala. Tamang-tama dahil gabi na. Inaantok na rin s'ya.
BINABASA MO ANG
Babysitting The Retired Assassin | COA #1
Romance/F I N/ CITY OF ANGELS #1 Evie ✖️ Kade 🥀 Evie, also known as 'Moonflower' during her assassin duty, stepped down to her vicious throne in order to live a normal life. Her last mission took her right eye and leave her a scar that she will carry for...