CHAPTER 28: Run to Her

843 35 0
                                    

"Ano nang plano mo?" tanong ni Valey sa kapatid nang ibalita nito ang pag-alis ni Evie.

"Nothing," walang ganang sagot ni Kade habang nilalantakan ang dalang pagkain ng kapatid.

"What the hell Kade! Hangggang kelan ka magmumukmok dito? Akala ko ba mahal mo si Evie? Bakit hinahayaan mo s'yang dumulas palayo sa'yo? Sobrang tindi ba ng galit mo sa kanya kaya ang dali na lang sa'yong bitawan s'ya?" sunod-sunod na tanong ni Valey kay Kade.

Hindi n'ya mapigilang ma-disappoint sa kapatid. Imbis na kasi may gawin si Kade para isalba ang relasyon nito kay Evie ay wala itong ginagawa. Hindi na sana s'ya nag-ayang magpakasal kung hindi n'ya naman mapapanindigan ang proposal kay Evie.

"I feel so betrayed Valey! Hindi lang 'yon, n-nawalan kami ng anak nang dahil s-"

"I don't want to hear it." pagputol ni Valey sa kapatid. "Pag-isipan mong mabuti kung valid ba ang dahilan mong galit kay Evie." pahayag ni Valey bago tuluyang lumabas ng bahay ni Kade. Bumisita lang talaga s'ya para ihatid ang mga pagkaing ginawa ng lola n'ya.

Maybe he really needs time to cool off. Kung magbabalikan si Evie at Kade ngayon para lang isampal sa isa't isa ang nangyari ay hindi rin magtatagal ang relasyong nila. Kailangan nga ng dalawa ng time first.

Samatala, marahas na napasuklay ng buhok si Kade gamit ang kanyang mga daliri. Ilang araw na s'yang walang maayos na tulog at pahinga kakaisip sa mga nangyari sa kanila ni Evie. Hindi lang ang magiging anak nila ang nawala sa kanya kundi pati na rin ang nobya.

Oo nga't galit s'ya dahil sa pagsisinungaling nito sa kanya pati na rin sa pagkamatay ng bata sa sinapupunan nito pero may parte pa rin sa kanyang hinahanap-hanap n'ya ang nobya. He still loves her. Iyon pa rin ang mas nangingibabaw sa kanya, ang pagmamahal n'ya para sa dalaga.

Iniisip n'ya palang na nagmumukmok ito at umiiyak gabi-gabi ay nasasaktan na s'ya.

"F*ck! I miss her!"

Ang selfish n'ya ba? Imbis na isipin ang kalagayan ni Evie at samahan ang dalaga sa pinagdadaanan nito ay iniwan n'ya lang ito.

They might hurt each other if he faced her in the first place. Nag-aalala s'yang makapagbitaw s'ya nang masasakit na salita kay Evie kaya imbis na puntahan ito at kausapin ay mas pinili n'yang dumistasya na lang muna. That's his defense.

Siguro ay hindi pa handa si Evie. Siguro ay nahihirapan pa s'yang i-adjust ang buhay n'ya para sa normal na pamumuhay na gusto ko n'ya.

***
"What are you doing here?" kunot-noong tanong ni Kade.

Mahigpit na napakuyom ng kamao si Kade ng makita ang lalaking ayaw na n'yang makita kahit kelan. Si Aiken. Hindi talaga ito nadadala sa mga pambubugbog n'ya. Nabasagan n'ya na ito ng isang ngipin noong isang araw pero wala pa rin itong tigil sa pambubwisit sa kanya.

"I promise you that this will be the last time you'll see me. Just listen to me."

"You have 1 minute! Spill it!"

"Hindi pumunta sa isla si Evie para lang ipaghigante ang ginawa nito sa kanya. She done it for you Kade, para sa future n'yong dalawa at sa magiging mga anak n'yo. Natatakot s'ya na kapag lumagay s'ya sa tahimik kasama ka ay doon naman masira at mawala sa kanya lahat dahil lang sa kapatid n'ya. She will sacrifice anything for you. Kahit sarili n'yang kapatid ay kaya n'yang patayan para lang masigurado n'yang ligtas ka." pahayag ni Aiken.

"Hindi ko hiniling ang bagay na 'yon sa kanya!" asik ni Kade.

"Pero iyon ang sa tinging n'yang nararapat para maprotektahan ka. Simula nang makilala ka ni Evie ay ngayon ko lang s'ya nakitang masaya at masigla. Assassin's are emotionless and heartless beings but she positively changed because of you."

Babysitting The Retired Assassin | COA #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon