CHAPTER 09: Midday in the River

1.4K 51 0
                                    

WARNING ⚠️ THIS CHAPTER IS RATED SPG ‼️

"Kade, 'wag kang malandi." suway ni Evie sa binata nang yakapin s'ya nito mula sa likuran. Kasalukuyan s'yang nagluluto nang pananghalian ng biglang sumulpot sa likuran n'ya si Kade ay yakapin s'ya. "Kapag pumasok si kuya Acel ay malalagot tayo pareho. Lumayo ka nga muna." pagtataboy ng dalaga.

Maswerte silang dalawa dahil hindi sila nahuli kagabi ni Aiken. Hindi akalain ni Evie na magagamit n'ya ang sekretong pinto na nagkokonekta sa mga kwarto ng bahay n'ya. Dahil 'don ay nakatakas s'ya...sila. Nang mahanap s'ya ni Aiken ay nasa iba s'yang kwarto at hindi sa kwarto ni Kade.

"Nabitin ako kagabi Evie. Ituloy natin ang naudlot nating session ngayon." bulong ni Kade sa tenga ng dalaga. Mabilis na iniharap ni Kade si Evie sa kanya. Akmang hahalikan n'ya na sana ang dalaga ng marinig n'ya ang yabag ng kung sino na papalapit sa kanila. Mabilis pa sa alas-quatro ang paglayo ni Kade kay Evie.

"Moon," tawag ni Aiken sa dalaga.

"B-Bakit?" kabadong tanong ni Evie. Bigla s'yang pinagpawisan nang malamig dahil akala n'ya ay mahuhuli na silang dalawa.

"Ayos ka lang? Nilalagnat ka ba?" alalang tanong ni Aiken. Kaagad na sinapat ng binata ang noo ng dalaga. Nakita n'ya kasing sobrang pula ng pisngi ni Evie. "Normal naman ang temperatura mo baby." malambing na pahayag ng binata saka n'ya inambahan ng yakap si Evie.

Nakita ni Evie ang pagdilim ng mukha ni Kade na nakatayo lang sa likuran ni Aiken. Bigla s'yang kinabahan dahil sa sama ng tingin nito sa lalaking yumakap sa kanya. Para bang hindi ito mag-aalinlangan na patayin si Aiken.

"Aiken. Bitaw. 'Y-Yong niluluto ko."

"Ako na ang magbabantay ng niluluto mo. You should rest. Baka hindi ka nakatulog kagabi sa kwartong nilipatan mo. Kami na lang mamaya ni Acel ang matutulog 'don."

"Hindi pa kayo aalis?" kunot noong tanong ni Evie.

"Ouch! Parang ayaw mo na nandito ako baby ah."

Nakita ni Evie ang paglabas ni Kade sa kusina. Galit na naman ba s'ya sa akin?

"Hindi naman pero ayokong may ibang taong nagtatagal sa bahay ko. Hindi ako komportable."

"Pero komportable ka nang kasama si Kade?"

"He's my bodyguard at nasanay na ako sa presensya n'ya rito sa pamamahay ko." depensa ni Evie. "I'm glad that you're here Aiken. Na-miss talaga kita pero ngayon gusto ko na kayong lumayas dito. Ayokong dumating ang time na mabanas ako sa mga pagmumukha n'yo." walang pasakalyeng pahayag ni Evie na ikinatawa ng binata.

"I like your frankness. Binibiro lang naman kita, after lunch ay aalis din kami kaagad ni Acel."

"Good. Pakibantayan ng niluluto ko ah." Kaagad na iniwan ni Evie sa kusina si Aiken at hinanap si Kade. "Kuya Acel, nakita mo ba si Kade?"

"Pupunta raw sa ilog para maligo." sagot ni Acel na abala sa laptop n'ya.

"Okay. Akyat lang ako sa kwarto. I'm sleepy, mauna na kayong kumain."

"Sige."

Patakbong umakyat ng kwarto n'ya si Evie at binuksan ang bintana na dadaanan n'ya palabas ng bahay. Kailangang hindi malaman nina Acel at Aiken na pupuntahan n'ya sa ilog si Kade dahil siguradong magdududa ang dalawang 'yon.

Hindi mapakali si Evie mula pa kaninang ewan s'ya ni Kade sa kusina kasama si Aiken. Iniisip n'ya palang na galit sa kanya ang binata ay nasasaktan na s'ya. Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi naman dapat ganito ang nararamdaman n'ya.

Naabutan n'yang naka-floating position si Kade sa pinakamalalim na parte ng ilog. Nakatanaw ang lalaki sa kalangitan at halatang malalim ang iniisip. Hinubad ng dalaga ang suot na saplot bago lumapit sa kinaroroonan ng binata. Nagulat pa si Kade ng makita s'ya.

Babysitting The Retired Assassin | COA #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon