Chapter 18

991 14 1
                                    

"Hindi ko alam na sasabihin 'yon ng kapatid ko. Saka hindi naman tayo mag jowa. At saka nakakahiya rin sayo." Pilit ko sa mga conclusion ko sa utak ko. Nakatungo ako habang naglalakad kami inihatid ko siya sa labas ng bahay namin, aalis na siya.

Mariin niya akong tinitigan habang pinaglalaruan sa kabila niyang kamay ang susi ng kotse niya habang ang isang kamay naman niya ay nasa loob nang bulsa niya.

"I go ahead! I will message you kapag nakarating na ako sa bahay. Matulog ka na rin!" he said plainly.

Mas lalong kumirot ang puso ko dahil sa sinabi niya.

Sumakay na siya sa kotse nya at pinaandar na iyon. Nang makaalis siya padabog akong pumasok sa loob ng bahay namin dumeretso agad ako sa loob ng kwarto.

"Argggggh! I hate this feeling.. bakit ko ba nararamdaman 'to," halos mangiyak-iyak na ako sa subrang pagka-frustrate.

Humiga ako sa kama ko habang nanggigigil sa mga inosenteng unan na nasa kama ko. Napalikwas lang ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Mabilis pa sa alas kwarto ko iyon na inabot para makita ang mensahe para sa akin.

Hindi ko pa nababasa ang message lumitaw sa screen ng phone ko ang pangalan ni Seirra, tumatawag siya.

"Bebe inom tayo sakit puso ko!" pagsagot ko sa tawag ingay sa loob ng bar at hindi maayos na pagsasalita ni Seirra ang narinig ko para siyang lasing.

"Are you drunk? where are you? Damn, Seirra mag-isa ka lang ba tapos naglalasing ka?" nag-aalala kong tanong sa kaniya naririnig ko pa ang mga tugtug mula sa background music.

"Hindi pa ako lasing, kaunti pa lang naiinom ko. Samahan mo na lang ako, Alveah." Narinig ko ang ilang ulit niyang pagsinghot mukhang umiiyak.

"Send mo sa akin location mo. At huwag kang iinom na wala ako,h'wag kang sasama sa kung sino na hindi mo naman kilala. Baka kong saan ka nila dalhin," paalala ako.

Tumawa siya ng malakas bilang sagot sa akin. Napabuntong-hininga ako, ginagawa niya lang ito kapag may problema siya.

"Bye! Ang pangit mo talaga!"

Babae na 'to nilait pa ako.

Agad akong nag bihis ng damit na babagay sa bar baka kung ano pang mangyari kay Seirra. Saka kailangan ko rin ngayon ang uminom kahit ngayon lang.

"Daddy kailangan ko nang umalis pupunta ako sa bar baka mapano si Seirra!" sumigaw na lang ako habang tumakbo palabas.

Hindi ko na hinintay ang sagot nila, alam ko naman na nakasunod sa 'kin ang mga tingin nila hanggang sa makalabas ako. Tumakbo rin ako pa punta sa kotse bago iyon pinaandar. Madali lang naman akong nakarating sa bar dahil malapit lang iyon sa mansyon namin.

Pagpasok ko pa lang ay rinig na rinig ko nga ang tugtug. Ang iba ay nagmake-out pa ang iba naman enjoy na enjoy sa bar madami rin ang umiinom.

Agad kung ginala ang tingin ng makita ko si Seirra ay agad ako sa kaniyang lumapit. Tulala siya habang nakatingin sa mga inumin sa harap niya. Nagulat na lang ako ng makalapit ako ay narinig ko ang hikbi niyang sumasabay sa music ng Dj.

"Seirra anong ngyari sayo ha? Sinaktan ka ba ni Roscev? Anong ginawa ng hinayupak na 'yon sayo?" galit kung tanong at mahigpit siyang niyakap.

"I think his cheating on me, minsan ayaw niya na ako na kasama tapos cold pa siya sa 'kin. Tapos noong kanina may kasama sya na babae nakangiti pa siya. Hindi niya ako pinapansin may kasama pa siyang ibang babae." Mas lalong lumakas na hagulhol niya kumpara kanina. "Hindi ko kayang maging okay, hindi sa akin okay na may kasama siyang iba kasi dapat ako lang iyon."

Napakuyom ako ng kamao ko, pareho silang magkapatid. Napakagulo nila humanda talaga sa akin si Roscev babalatan ko siya ng buhay. Hindi ko rin alam saan ko na ba nakuha ang galit ko kay Ryden.

"Tahan na Seirra, nandito ako. . . Gusto mo sapakin ko siya ng paulit-ulit. Sino ba babae niya?" gilgil ko na tanong, sinubukan ko na pagaanin ang loob niya sa pamamagitan nang pagbibiro.

"Hindi ko kilala basta maganda siya... pangit na ba ako?" Hinagod ko ang likod niya ginagawa ang lahat para aluhin siya.

Huminga ako ng malalim bago tumabi sa kanya. Nagsimula na rin akong uminom. "Hindi ka pangit, kung nakikita mo lang ang ganda mo gamit ang mga mata ko."

"Sinubukan mo na bang kausapin si Roscev alam kung magpapaliwanag siya sayo. Kahit sabihin ko na masama siya o ano pero hindi naman iyon makakatulong. Gulo nyong dalawa kayo rin ang makakapag-ayos."

"Inom na lang tayo, hindi dapat ako umiiyak," sabi niya pero traydor naman ang mga luha niya na mas lalong naging desidido sa pagbuhos.

Imbis na pilitin siya na umalis sinamahan ko siya, ako pa yata ang mas tinamaan ng alak kaysa sa kaniya. Hindi naman kasi ako umiinom.

"Ang k-kapal ng mukha niya para gawin to." Inis kong sabi habang patuloy sa pag-inom.

"I hate him!" hikbi sabi ni Seirra kaya mas lalong nadagdagan ang galit na nararamdaman ko.

Kung nakikita ko lang ngayon si Roscev makakatangap siya sa 'kin ng napakalakas na sapak. Mahal na mahal siya ng kaibigan ko tapos pinapaiyak niya lang. Baka ayaw niyang sikatan ng araw bukas.

Gusto ko rin na malaman ang ngyari.

Niloloko niya ba talaga kaibigan ko, pati rin ba sila niloloko rin kami. Napangiti ako ng mapait kung sakali.

"Tahan na bes huwag ka ng umiyak, tahan na please wag ka na umiyak," alo ko kay Seirra.

Kung nasasaktan ngayon ang kapatid ko. Kaya nasasaktan din ako. Para ko ngang kapatid 'tong si Seirra.

"S-sayaw tayo!" Pasuray-suray kaming nag lakad papunta sa dance floor kahit subrang nahihilo.

Sumabay sa indak sa musika, nalalasing na nga talaga ako. Madami na din kami na nainom na dalawa.

Pero mas lasing siya kasya sa akin dahil mas nauna siyang uminom. Dahil broken.

"Hi, miss!" two man approach me.

Nakikipag sabay siya sa 'kin na sumayaw. I don't know this man baka anong balak nyang gawin saakin.

"Go away, hindi ako-- kami makikipag flirt sainyo!" taboy ko sa kanilang dalawa.

"Oo nga parehas lang kayo kay, Roscev!" dagdag ni Sierra. Sinubukan niyang itulak ang lalaki pero nahawakan nito ang kamay niya, tinaas nito iyon para mukhang sumasayaw sila ni Seirra na magkahawak kamay.

"Naku miss ayaw mo sa flirt ede dadalhin nalang namin kayo sa heaven." Kahit nahihilo ako ay dinig na dinig ko ang paghalakhak nila.

"Fuck you!" I cursed them to death.

Nang wala na akong narinig ay naramdaman ko na may braso na humawak saakin. Pilit ako na nagpupumiglas dahil baka kung anong gawin niya sa akin.

Nanlalabo na ang paningin ko, hindi ko makita ng maayos ang may hawak sa akin kaya patuloy ang pag iwas ko.

"Let go of my hand, I don't know you!" sabi ko at nagtangka ulit na makatakas.

Mabilis ang tibok ng puso ko, pilit ko na binubuksan ang mga mata ko para makita ang mukha nila.

"Bitawan nyo ako!"

Hindi sapat ang boses ko para humingi ng tulong. Nag aalala rin ako kay Seirra baka mapano siya, baka madamay siya.
                     
*****

Can you share some feedbacks about the story. Gusto ko lang mabasa.

IT WASN'T ME AFTER ALL [ CALIEXES WARRIORS #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon