Chapter 26

1.1K 19 0
                                    

"Seirra anong ngyari sayo?" nag-aalala akong lumapit kay Seirra, kakalabas ko lang sa kwarto at ganito ko siya naabutan.

Sapo sapo niya ang tyan, nakahawak sa mesa para kumuha, bakas din ang tagaktak na pawis na namumuo sa kaniyang noo. Subrang taranta ang nararamdaman ko.

"Seirra anong gagawin ko? Ayos ka lang ba?" hindi ko alam ang gagawin ko nahaluan pa ng pagkataranta.

Mas lalo akong nanginig sa takot ng makita ko ang dugo na rumadaloy sa may hita niya.

"Alveah 'yong baby ko!" iyak niya.

Napasabunot ako sa buhok ko, natataranta sa gagawin. "Sandali tatawagan ko si Roscev!"

Tumakbo ako pa punta sa kwarto ko hinanap ko kaagad 'yong number ni Roscev habang nanginginig ang kamay na dinail ang number ni Roscev.

"Roscev si S-Seirra, 'yong baby!" sabi ko kaagad.

"What? What happened?" gulat din niyang sagot sa akin.

"Oh god! Open the front door pa punta na ako." Pagbaba ko ng tawag ay agad kong binuksan ang pinto. Lumapit ulit ako kay, Seirra.

Pawis na pawis na siya at nghihina. Pati ako ay hindi mapakali. "Seirra hold on pa punta na si Roscev," pagpapanatag ko sa kaniya.

"Yung baby ko!"

"Kaya mo bang maglakad?"

Noong dumating si Roscev ay agad niyang binuhat si Seirra. Subra kaming nagmamadali may mga dugo na rin ako sa damit ko.

Lord gabayan mo po ang kaibigan ko, iligtas mo sila ng anak niya. Nang makarating kami sa hospital agad ako na tumawag ng doktor. Nawalan na ng malay si Seirra dumagdag pa 'yon sa inaalala ko.

Katulad ni Roscev hindi kaming dalawa mapakali sa labas ng emergency room. His friend and brother also came.

Puno ng pag-aalala ang mukha nila lalo na ng makita ang dugo sa amin. Nagulat ako ng yinakap ako ni Ryden. Mas lalo tuloy ako na naiyak nanginginig ko na sinobsub ko ang mukha ko sa dibdib niya.

"Shussh stop crying, Seirra and the child will be fine," he assured.

"Natatakot ako," hikbi ko habang yakap siya.

"Who's Miss Seirra Paez family?"

Mabilis akong humiwalay kay Ryden noong lumabas ang doctor. Kaagad namin siyang nilapitan at pinaulanan ng maraming tanong.

"I'm her boyfriend! Kumusta na po ang mag-ina ko?" si Roscev.

"Ako naman po kaibigan niya."

"Thankfully they are safe. Mabuti na lang at nadala siya kaagad sa ospital.  Medyo maselan ang pagbubutis niya. Pero lumalaban sila ng anak nyo. Dahilan kung bakit siya dinugo ay dahil sa stress. I sudgest na magpahinga na muna siya at bawasan ang pag-iisip. Kailangan nyo siyang ilayo sa stress, or it will result a miscarriage," the doctor said.

"You can go to the information desk and prepare her room. Pwede na siya na ilipat mayamaya. I go ahead!" he added before leaving.

Huminga na lamang ako ng malalim bago nag pasalamat na ligtas na sila.

"Kami na ang pupunta sa information," Troy offered.

Kasama niya si Trivan na umalis naiwan si Caljan kasama namin.

"You can change your clothes. Nagdala ako ng damit mo." Mayroong inabot sa akin na paper bag si Ryden.

"Ano 'to?" Nakakunot ng noo kung tanong. Habang puno pa rin ng luha ang mga mata ko.

IT WASN'T ME AFTER ALL [ CALIEXES WARRIORS #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon