Chapter 22

970 19 3
                                    

"Bes!! Bat mo naman sinabi iyon"

Napapikit na ako dahil sa paulit-ulit na pagsermon ni Seirra sa akin. Oo na. Mali na ako sa mga sinabi ko kanina nadala lang talaga ako.

"Para mo na rin na sinabi na wala lang lahat ng pinagsamahan nyo ni Ryden. Tingin ko nasaktan siya sa mga sinabi mo sa kaniya kanina. Mabuti na lang talaga at mahaba ang pasensiya ni Ryden."

Napabusangot ako.

Simula kasi noong makauwi kami rito sa bahay niya at hindi na niya ako tinigilan sa sermon. Pero tama naman ako diba?? Nabuhay siya ng 18 years na walang Alveah sa buhay niya. Syempre kaya niya rin iyon kahit wala ako.

"Wala naman kasi na masama roon. Sorry kung na offend ko sila."

Napahilot na lamang si Seirra sa kaniyang noo. Masyado na ba akong sakit sa ulo ngayon. Nagbabadya na ang luha ko dahil sa guilty din na nararamdaman ko, halo halo na iyon.

"Hindi ka dapat sa akin humihingi ng tawad kundi sa kanila, lalo na kay Ryden," mahina niyang sabi.

"Pupunta na ako sa kuwarto!" malungkot ko na paalam.

Nang maisara ko na ang pinto doon lang bumuhos ang luha ko ng walang tigil. Napadaosdos na lang ako pababa.

"Bakit ba kasi walang preno ang bibig ko!" ulit ko na sabi sa sarili ko habang lumuluha.

"Nasabi ko lang naman iyon dahil--" imbis na dagdagan ang sasabihin ko ay umiiyak ako nang umiyak. Nang magsawa ako na umiyak pumunta naman ako sa kama at nagtalukbong.

Nang mahismasan ako ay kinuha ko ang cellphone ko. Kinakabahan pa ako sa mga oras na hindi niya sinasagot ang tawag ko. Sa tingin ko ay maiiyak na naman ako.

"Hello, Alveah?" he answered in worried tone when he heard my sob.

"Ryden s-sorry sa nasabi ko k-kanina," humi-hikbi kong sabi. "Hindi ko alam kung bak--"

Huminga siya ng malalim, "Are you okay?" Instead of accepting my sorry he asked if I was fine.

"Sorry talaga!" ulit ko na sabi.

"Are you crying because you're thinking that I was mad, or I feel offend on what you said?"

"Oo!" tipid ko na sagot ulit.

"Sweetheart I know you didn't mean it. Please stop crying... I'm not mad. Okay!" sabi niya sa akin sa mababang boses. Hindi ko man lang mahalata na galit siya bagkus ay halata ang pag aalala niya.

"But, I hurt you!" I said between my cry.

"It's fine! Wala akong sugat, hindi mo ako nasaktan," he assured "Please don't cry sweetheart. Gusto mo ba puntahan pa kita"

"I'm fine Ryden... I'm sorry again!

"Okay, always remember that your feelings is valid. Take a rest h'wag mo na isipin 'yon, hindi ako galit."

Nang magising ako kinaumagahan ay medyo mugto pa ang mga mata ko dahil sa pag-iyak ko. Pagkatapos niya akong kausapin mas lalo kung nalaman ang mali ko.

Naligo ako bago lumabas sa kwarto, baka sakali na mawala ng ligo ang pagka mugto ng mga mata ko.

"Hindi mo maiitagago sa akin yang mugto mong mga mata," bungad sa akin ni Seirra ng maupo ako sa harap niya na ngayon ay kumakain ng slice bread habang nakataas ang dalawang paa niya sa upuan.

"I feel bad!" mahinang bulong ko.

"Umiyak ka kagabi, alam mo bang hindi rin ako makatulog dahil rinig ko ang pag iyak mo. Tingnan mo ang mata ko." Dumapo ang mata ko sa kaniyang mata, maitim ang baba at halata ang eyebags. Proweba na hindi nga siya nakatulog.

"Halata masyado ang eye bags ko. Kung mugto ang mata mo halata naman eye bags sa akin." Mahina siyang tumawa, nakakahawa ang mga tawa niya kaya natawa na rin ako.

"Pwede na tayong magkaibigan zombie!" ani niya.

"Magkaibigang zombie!" sabay kami na nagtawanan ng parehas pa kami ng masabi.

"Di bale na mukhang zombie atleast may jowa." Napabusangot ako sa sinabi niya.

"Mahiya ka naman oyy, wala po kaya akong jowa."

"Ang bagal bagal naman kasi ni Ryden. Halata naman na gusto nyo pa ang isa't isa." Naningkit ang mata ko.

Palagi ko na naririnig na parehas nga raw namin na gusto ang isa't isa pero nag-iinit pa rin ang pisngi ko. Pero paano pa kaya kung umamin siya sa akin na gusto niya ako. Baka kumawala na ang puso ko pati mga paruparu sa t'yan ko.

Sabi nga nila actions can proven without word. Words can't proven without action. Pero yung mga motibo na binibigay niya naguguluhan na talaga ako.

Ganoon kaming dalawa umaakto na parang kami pero wala naman na label. Minsan naiisip ko na naglalaro lang ba siya. Pinaglalaruan lang ba niya ako. Hindi niya naman sinasabi pero kung umakto siya. Nevermind.

"Wag mong iisipin kay aga aga alam ko naman na iniisip ka rin noon," puna niya sa akin.

"Kainis ka... Ede ikaw na ang may jowa!"

"Charot lang. Ang cute mo kasi sa t'wing naninigkit ang 'yong mga mata sa t'wing nagpipigil sa inis mo kapag inaasar kita," gaya ng sinabi niya ay na ningkit talaga ang mga mata ko.

"Bilisan mo na nga uuwi na pinsan mo mamaya. Aayusin pa natin iyong pa wellcome party niya raw!" Binilisan na namin ang pagkain hindi nag chikahan para matapos na kami.

Nang matapos na kami ay dumaan kami sa mall para bumili ng mga pangdesign at baloons confetti pa.

"Mommy! Daddy! Ate! Aeroz! Manang! Andito na po kami!" malakas ko na sigaw ng makapasok kaming dalawa ni Seirra sa bahay namin.

"Lakas ng boses mo!" natatawang sabi niya.

"Syempre ako pa ba!" bibo kung sabi.

"Nabibingi na kami ate pangit!" malakas na reklamo ng bunso namin habang sinalubong kami para kunin ang dala namin.

"Duh! Im gorgeous, not pangit" maarte na sabi ko.

"Tss!" Nag amba ako na hahampasin si Aeroz kaya mabilis siyang nagdali-daling tumakbo paalis.

"Mommy!" masaya ko siya na yinakap, pagkatapos ay si daddy naman. Si ate pati si Manang.

"Ang saya saya mo yata ngayon!" nakangiting puna ni mommy.

Umiling lang ako. "Basta masaya ako mom, in short masaya talaga ako."

"Siguro miss na miss mo na ang pinsan mo kaya ganiyan ka kung nakangiti ngayon," sabi ni daddy, nabitin ang malawak ko na ngiti.

"Siguro nga po, miss na miss ko na talaga siya!" hindi sigurado na sabi ko.

Nagsimula kami sa pag-aayos ng bandang lunch dumating ang magkapatid na Santiago. Agad kami na nag first bump ni Ryden ng makita namin ang isa't isa.

Tumulong silang dalawa sa'min sa pag aayos ng handa at design. Noong mag text si Alona na malapit na siya ay agad kami na naghanda malapit sa pinto.

Nag kanya kanya kaming pwesto tig-isa kami ni Ryden sa confetti sa magkabila na parte ng pinto. Magkaharap kung baga.

"Wellcome home, Alona!" Nakita ko ang gulat sa mukha ni Alona ng bumukas ang pinto. Lalo niya kung sino ang mga tao na nandito.

"R-Ryden!" gulat niyang tawag sa lalaking nasa tabi ko.

"Alona!"

Gulat na tawag nila sa kanilang pangalan. Pareho sila na gulat na parang may nakitang multo. Nakaramdam ako ng sakit dahil doon. Sa paraan ng pagtawag nila na puno ng pangungulila ay mas lalo akong nasaktan. Marami kami rito pero siya ang una niyang mapansin. Mapait akong napangiti dahil doon.

***
Good morning! I read all of your comments, thank you for supporting IWMAA, votes and adding this on your library. All of you comments and support motives me to update everytime. Thank you so much!

IT WASN'T ME AFTER ALL [ CALIEXES WARRIORS #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon