"Ilang beses ko ba na sasabihin sayo. Tumigil ka na. Tigilan mo na ako, Ryden!"
Umaga at hanggang sa pag-uwi palagi niyang ginagawa ito.
"I told you hindi ako susuko kahit patuloy mo ako na itaboy hindi ako mapapagod," tugon niya.
"Pero kahit hindi ka napapagod, ako iyon. Pagod na ako sa lahat, nakakasawa na. Hindi sabi ko naman sayo ayoko na."
"Galit ka lang sa akin you don't mean to say that," rason pa rin nya.
Galit akong tumingin sa mga mata niya. Pain, logging, tired, it was all over his eyes.
"Alin ba ang hindi mo maintindihan? Galit man ako o hindi pareho lang iyon."
Humakbang siya palapit sa akin ngunit mabilis akong umatras, malakas ko siyang tinulak gamit ang buong lakas ko.
"Ryden hindi ako naglalaro lang hindi rin ako manhid, may nararamdaman din naman ako nasasaktan din naman ako."
"Kaya nga ayusin natin 'to, ano pang gusto mong gawin ko? Gagawin ko lahat, sabihin mo lang," pursigido pa na sabi niya.
Hindi nakaligtas sa aking paningin ang luhang pilit na kumakawala sa mga mata niya. Kumirot ang puso ko habang pinagmamasdan siya.
"Wala. I don't need it anymore, gusto ko layuan mo na ako," pinunasan ko ang mga takwil kong nga luha. Hinablot ko sa kaniya ang folders na dala ko. Iniwan ko siya.
Iyak ako ng iyak sa kotse namin buti na lang ay tahimik lang si manong. Pinakinggan nya ang paghagolhol ko.
Pulang pula ang mata ko ng umuwi ako sa bahay namin. Iniwasan ko na magkipag-usap kanila mama dahil baka mag aalala sila sa'kin. Ayoko na mandamay pa ng iba.
Hindi dapat ako naniwala sa mga motibo nya sana kinandaduhan ko ang puso ko para hindi ko maramdaman 'to. Ngayon na nanunuyo naman siya tapos pag-ayos na ako pano kung ayaw na niya? Paano kong tapos na ulit siya na maglaro? Paano kong mapagod ulit kapag sinabi ko na naman sa sarili ko na mahal ko ulit sya.
Natatakot na ako na baka mali na naman ako. Baka sa dahil ginagawa ko masaktan ulit ako.
Iyong puso ko napapalambot agad kapag nasa harapan ko siya. Gusto siya na yakapin kapag alam ko na nasasaktan siya. Pero sabi nga nila magtira rin ako para sa sarili ko. Minsan kailangan din natin na piliin ang sarili natin bago ang iba.
While I was in my class, he bugged me again.
"Miss cortesi may tao sa labas hinahanap ka," imporma ni Miss Reyes.
"Miss Cortesi!" Napatalon ako ng kaunti dahil sa gulat. Tinuro ko ang sarili ko para kumpiramhin kung ako nga ba talaga. Kahit naman ako lang ang Cortesi rito uso sa akin ang magtanong.
"Yes! Wala na ibang Cortesi rito, may naghahanap sayo sa labas. He is disturbing my class bilisan mo na."
Tumango ako kay ma'am at agad na tumayo para puntahan kung sino man ang naghahanap sa'kin sa labas. Nakakahiya rin kay ma'am mukhang beast mode. Natigilan ako sa may pinto ng makita ko kung sino ang maghahanap sa'kin. Nakasandal sya sa pader malapit sa pinto namin habang naka yuko.
Inayos ko ang sarili ko bago tumikhim para makuha ang atensyon nya. "Anong ginagawa mo dito?"
Umangat ang tingin nya bago umayos nang tayo. "Nakalimutan ko kasi na ipabigay itong lunch kay Caljan kaya ako na lang nagdala sayo," paliwanag nito na mukhang kinakabahan pa dahil hindi siya makatingin ng deretso sa mga mata ko.
Humakbang ako palapit sa kaniya ng walang kaunting emosyon. "Kailangan ka ba titigil! I told you stop bothering me. Tingnan mo nasa gitna kami ng lesson. I can buy my self food I have money," pagalit ko na sabi.
Sandaling nagtama ang mga mata namin bakas doon ang lungkot at sakit dahil sa sinabi ko. Umawang ang bibig niya agad siya na nag-iwas ng tingin sa'kin. "I'm sorry, sayang naman niluto ko ito para sayo kaya dinaan ko na lang dito."
Nnanlaki ang mata nya ng hinablot ko sa kanya yung dala nya na paper bag bago tinapon sa malapit na basurahan. Napaawang ang bibig nya habang nakatitig roon, nakangiti siya.
"Sa susunod h'wag mo na ako na dalhan ng pagkain. I told you stop bothering me, tumigil ka na. This would be the last, Ryden!" Tumalikod ako sa kanya sabay pahid ng luha ko.
Nagtago ako sa may pinto kaya naman pati si ma'am napatigil sa pagtuturo at ang mga classmate ko ay napatingin sa akin. Napatakip na lang ako ng bibig ko habang umiiyak.
Ilang saglit pa ay lumabas na rin si ma'am tiningnan pa nga niya ako pagdaan niya sa pwesto ko. Lumingon ako sa kung nasaan sya kanina ng makita ko na umalis na siya kinuha ko yung dala nya na paper bag kanina.
If saying hurtful words and doing things that hurt you can make stop, gagawin ko. Kasi gulong gulo na ang puso ko at natatakot na ako kasi mas lalo ko siyang minamahal habang patagal ng patagal.
Kinuha ko ang bag ko bago nilagy doon yung paper bag umuwi na lang ako sa bahay namin at doon umiyak. Binuksan ko yung lunch box na nakalagay doon sa paper bag mapait na lang ako na napangiti ng makita na may mga shape pa yung gulay yung paborito ko din 'to na pagkain, magulo na iyon dahil sa ginawa ko. Hindi ko alam kung saan niya nalaman ang mga paborito ko.
Mas lalo tuloy na trigger yung luha ko noong makita kong gaano siya ka-effort na linagyan ng design yung ibibigay niya sa'kin. Unang subo ko pa lang napahagulhol na ako sa 'yak. Umiiyak ako habang kumakain.
__________________
Enjoy reading everyone, I will drop the few chapters left this month. Rest assured na tapos na ito bago matapos ang November. Sinisimulan ko na rin pag-revise sa story ni Trivan, sa mga nag-aabang malapit na po.
Votes and Comments
BINABASA MO ANG
IT WASN'T ME AFTER ALL [ CALIEXES WARRIORS #1 ]
RomansaCALLIEXES WARRIORS || CAPTAIN RYDEN SANTIAGO [ COMPLETE ] ➜ Ryden Santiago is a good guy. Hindi mahirap mahalin minsan magugulat na lang si Alveah nasa harapan niya na ito. Hindi niya alam ang totoo. Until she came back, Alveah Dynine Cortesi re...