Natapos ang game nila agad sila na nagsilapitan sa mga varsity bag nila. Ang iba ay para mag punas pawis ang iba naman ay uminom ng tubig. Tinangal ko ang tingin sa kanila, tinuon ang tingin ko sa cellphone ko nagkunwaring busy. I'm studying stuff I need to learn.
"Hi Alveah, ako nga pala si Caljan!" Tumaas ang kilay ko noong lumapit ang isa sa lalaki mula sa team. Naglahad siya ng kamay siya sa'kin na ikinagulat ko.
"Ako naman si Troy!" pakilala noong isa, magtulakan silang dalawa noong si Caljan.
Mas lalo akong naguluhan sa ginagawa nila. Kinakausap nila ako at nagpapakilala bigla. Hindi kami close.
"Trivan here!" singit noong nasa hulihan. Tinulak niya ang dalawa.
"Bakit po kayo nagpapakilala sa'kin?" naguguluhang tanong ko.
Sabay-sabay silang natawa. Ang iba ay napakamot pa ng mga batok nila mukhang napahiya. Ano bang trip nila sa buhay, bakit ganyan sila?
"May nakakatawa ba?" takang puna ko ulit, habang iniisip sa isip ko ang maaring dahilan.
"Oo nga bat ba kayo nandito?" sabi ni Seirra pero hindi naka ligtas sa'kin na siya nga ay nagpipigil din siya ng tawa.
"Nagpapakilala kami sayo, so we don't looked stranger to you," sabi noong pangalan ay Caljan. "Kilala na namin si Seirra palagi siyang nandito para manood ng practice namin."
"Hoy! Hindi palagi!" giit ni Seirra. Naningkit ang mata ko sa kaibigan.
Nilahad ni Caljan ulit ang kamay niya para ituloy ang naudlot na pakikipag kamay niya sa'kin. Some people are looking at us, iba ay naiingit ang iba naman ay nagagalit, naiirita sa nakita nila. What a toxic people, pero pake ko ba sa kanila.
"Alveah!" Tinangap ko ang nakalahad niyang kamay. Hindi ko rin gustong maging bastos kahit hindi ko sila kilala.
"Ikaw naman Seirra sungit mo pa rin." Nagulat ako ng may lumitaw na isang napaka-poging lalaki sa harap namin meron siyang mala adonis na mukha. Naka suot din siya ng jersey, I can say he's so good looking man. Kamuka niya 'yong nabungo ko, magka hawig silang dalawa.
"Masungit talaga ako, anong magagawa mo gusto mo bangasan ko yan na makapal mong mukha?!" pagbabanta naman ni Seirra sa maangas na boses sa lalaking dumating.
Kanina lang sinabi niya na ang pogi tapos iba na ngayon.
Tipid akong ngumiti sa katabi niya, si Ryden. Naka jersey din naman siya at halata rin ang ganda ng katawan, dahil sa suot niyang jersey. I can see his muscle, he really have a good built.
"Can you tell me what's happening here? Naguguluhan ako sa mga nangyayari." Nilingon ko si Seirra. "Akala ko ba hindi ka mahilig sa basketball."
Lumingon sa'kin si Seirra. Lumapit siya at bumulong, "Sa basketball hindi, pero sa poging basketball player oo. Sayang naman, Alveah."
"Invited namin kayo Swanny gumala. Tapos na practice namin, pwede na kaming umalis." Nakangiting ani noong lalaki, sinadya niya atang lakasan ang boses niya para marinig ko.
"Hindi naman sa bar bawal ang bata roon," he added, sound sarcastic.
Swanny so close sila ng kaibigan ko?
"Busy kami na dalawa bawal madami kaming gagawin. At saka magbab---" Naputol ang iba ko pang dapat sabihin ng takpan ni Seirra ang bibig ko.
Ngumiti siya sa'kin at pa-simple akong sinasabihan na pumayag na gamit ang tingin. Pinandilatan din niya ako, pero ng humarap siya sa kanila. Abot langit ang ngiti, may binabalak na naman ang babaeng 'to.
BINABASA MO ANG
IT WASN'T ME AFTER ALL [ CALIEXES WARRIORS #1 ]
RomanceCALLIEXES WARRIORS || CAPTAIN RYDEN SANTIAGO [ COMPLETE ] ➜ Ryden Santiago is a good guy. Hindi mahirap mahalin minsan magugulat na lang si Alveah nasa harapan niya na ito. Hindi niya alam ang totoo. Until she came back, Alveah Dynine Cortesi re...