Chapter 21

1.2K 18 0
                                    

"Uuwi na pinsan mo sa isang araw, what if magpaparty tayo?" tanong sa akin ni Siera habang nandito kami sa veranda ng bahay nila.

"Ewan ko ba bes pero sa t'wing naiisip ko 'yon ay bigat ng pakiramdam ko. Parang ayaw ko na siyang umuwi. Masyado akong nag-ooverthink ng kong ano ano. Sama ng utak ko!" kwento ko sa kaniya, gusto ko na mag labas ng sama ng loob.

Nakatanaw ako sa  mga naglalakihang  building ng walang emosyon. Naguguluhan pa rin ako, noong araw sa sabihin iyon ni daddy hindi na mawala iyon sa isip ko.

"Naku anong nakain mo, diba hinihiling mo na umuwi siya. Ito na iyon uuwi na siya pwede mo na siya na macomfort. Pwede kana na bumawi sa kaniya!" pagpapaalala sa akin ni Seirra.

Totoo matagal ko na hiniling 'to, matagal na panahon ko na hiniling na sana bumalik na siya. Pero iba yung pakiramdam ko ngayon. Para bang ang bigat sa pakiramdam at subra akong natatakot.

"Alam ko nga eh, ang wierd lang talaga. Isa pa wag mong sabihin 'to kung kanino man, sa'tin lang 'to. Baka makarating sa kaniya baka kung ano ang isipin niya." Tumango si Seirra sa akin at itinaas ang kanang kamay niya parang nangangako.

"Pero medyo and wierd nga rin bat babalik siya na hindi man lang nagsasabi sa'tin. Saka si Roscev medyo hindi rin comfortable kapag pinag-uusapan si Alona," nakanguso niyang sabi na kinakunot ng noo ko.

"Ano? Baka naman kilala rin nila si Alona?" takang tanong ko.

"Hindi ko rin alam bes, pero pag nag sinungaling talaga siya sa akin. Hindi ko siya mapapatawad. I been so honest to him. Tapos siya naglilihim sa akin super unfair. Unang pangako yun namin sa isa't isa na no secrets."

Ano ba talagang meron sa pinsan ko. Hay pero kawawa siya wala na sila tita at tito. Kami na lang ang natitira kaya dapat hindi ko 'to iniisip. Hindi ko dapat siya pinag-iisipan ng kung ano ano.

"Malapit na siyang umuwi huwebes na ngayon. Matutulog na lang bukas tapos sabado na." Pareho kami na napasimsim sa bawat kape namin at huminga ng malalim.

"Pero magpatuloy na lang tayo, let's find out kung magkakilala sila. Isasama ko siya sa pa wellcome party ni Alona. Ang sabi niya ay hindi niya kilala makikita talaga niya. Hindi ko rin nakalimutan na ayaw marinig ni Ryden ang pangalan na Alona." Napapalakpak ako sa naiisip niya.

"Sama niya rin si Ryden, pero wag mong sabihin na uuwi pinsan ko ha. Baka hindi natin malaman ang totoo." Nag-apir kami dahil sa idea na nasa isip namin.

"Samahan mo na lang nga ako bibisitahin ko si Roscev miss ko na siya. Busy kasi iyon sa pag pasok niya sa Astine University kaya puntahan na lang natin!" she said excited.

Pambihira talaga ang mag jowa na ito kahit tinatamad pa ako ay sumunod na rin ako sa kaniya. Naligo pa siya at ako naman hinintay na lang sa baba.

One thirthy nakarating kami sa bahay nila. Si Reese na agad kaming sumalubong ng halik sa pingi. Wala daw kasi si mommy niya si Tita Therese at daddy dahil nasa work. Ang bibo talaga ng bata na 'to.

Binigay ko naman kaagad sa kaniya yung dala namin na pasalubong na masaya niyang tinangap.

"Thank you po, happy na si Reese!" tuwang tuwa niyang pasalamat.

Si Seirra ang nagbuhat sa kaniya. "Nasaan dalawa mong kuya at mag-isa ka."

"Nasa library po po sila nag read po ng books!"

Wow naman kahit bakasyon nag-aaral pa ang dalawa na iyon.

"Eh dapat sumama ka nalang sa kanila na sa library. Para magpaturo ka rin sa inaaral nila, bakit ka iniwan ng dalawa na 'yon."

IT WASN'T ME AFTER ALL [ CALIEXES WARRIORS #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon