Chapter 6

1.2K 30 0
                                    

"Thank you, Alveah!" Naistatwa ako  sa kinatatayuan noong biglang yumakap si Troy sa'kin habang tumatawa.

Kakaiba ang tuwa sa mga mukha nila, ang saya-saya nila ngayon ko lang nakita. Hindi kagaya noong isang araw. Nang bitawan niya ako dinumog nila si Ryden, may pa biro pang humampas sa kanya na mukhang napalakas dahil umatras siya. Mahina akong natawa dahil doon mga baliw talaga.

"Coah Herman pa celebrate ka!" sigaw nila. "May free concert tayo, nandyan naman si Caljan!"

Naghiyawan sila noong pumayag talaga si Coach Herman nila sa biro na panlilibre. Pati tuloy kami ni Seirra ay nakasama gusto ko sana ako na lang mag bayad dahil nakakahiya. Baka sabihin nila mukhang libre kami at dagdag gastos lang. Pero hindi noon matatago na mahilig talaga kami sa libre, kapag may pagkakataon hindi talaga ako makatangi.

"Paano nga yung yakap ni Troy sayo?" Napairap ako pinaalala na naman sa'kin ni Seirra ang yakap ni Troy kahapon. Kinalimutan ko nga.

Walang malisya ang yakap niya alam ko iyon dahil masyado lang silang masaya. Masaya dahil sa pagbabago na ipinapakita ni Ryden.

"Alam mo ilang ulit ka, gusto mo ba kapag nakita natin sila yakapin ka rin niya? Sasabihin ko yan sa kaniya--" Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng matanaw ko nga si Troy kasama yung magkapatid na Santiago at si Caljan.

Awtomatikong napa-ngisi ako sabay kumpas sa hangin.

Nice one.

Natawa ako ng magtago sa likod ko si Seirra. Yakap pala huh... Tinaas ko ang kamay ko para makita nila kami at kinaway iyon. Agad naman nila 'yong napansin, lumingon sila kumaway din pabalik ang loko.

"Troy halika!" sigaw kong pag-aaya.

Napatingin pa yung iba sa akin hindi lang si Troy. Sumenyas naman siya ng hintay sa'kin bago naglakad palapit. Tatakas sana si Seirra pero hinila ko siya, hinawakan ng mahigpit para hindi makatakas.

No one will run honey.

"Do you need something, Alveah?" tanong ni Troy habang nakakunot ang noo.

Napa-ngisi ako ng malapit na sila ng tuluyan sa amin.

"Troy yakapin mo raw si Seirra!" sabay sabay na kumunot ang noo nila.

I barked of laughter escape my lips. Grabe kung magtago si Seirra sa likod ko dahil sa hiya sa maari kong sabihin.

"Ha?" naguguluhan na tanong ni Troy napakamot pa siya sa batok niya.

"Yakapin mo siya. She said na ano raw feeling ng mayakap mo," natatawang ulit ko.

Napapadyak si Sierra kulay kamatis na ang mukha niya habang pinupukol ako ng masamang tingin.

"Hindi naman.. ano lang 'yon, biro lang," giit niya habang naka iwas tingin.

"Seriously Alveah, si Troy talaga ang gusto niyang yakapin?" Hindi makapaniwala na singit si Roscev ng may halong hinanakit.

Nakasimangot siya, masama ang tingin kay Troy kahit wala naman itong kasalan.

'Bakit selos ka?' Gusto ko sana 'yong sabihin kay Roscev pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Hindi ko alam kung anong meron sa kanilang dalawa ni Seirra.

"Come on, Troy. Yayakapin mo lang naman siya bilis na," pamimilit ko pa at dinala sa harap ko si Seirra.

"Alveah, tama na." Nahihiyang pigil niya sa akin.

"Yakapin mo siya dali na kung hindi..." Umiling siya sa'kin at napalunok bago binuksan ang braso niya para hintayin ang yakap ni Troy.

Lalapit na sana si Troy pero malakas siya na tinulak ni Roscev. Si Roscev ang yumakap kay Seirra. Muntik pa ngang si Troy na masubsob sa lupa dahil sa pag tulak ni Roscev. Mabuti na lang napigilan siya ni Caljan.

IT WASN'T ME AFTER ALL [ CALIEXES WARRIORS #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon