Chapter 27

1.4K 23 1
                                    

"Let's eat first before going home!" I suggest.

"Yeah, may niluto si momy na itlog at hatdog, kumain ka mo na." Kaagad ko na binato si Ryden dahil sa inis sa ano man na mahawakan ko.

Malakas silang nagtawanan. Bwisit... Hindi pa rin niya malimot ang tungkol sa hatdog at itlog na 'yan. At lalong hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niya. Madali na maghilom ang sugat pero nanatiling nakatatak ang sakit at peklat dulot ng sugat na iyon at hindi na mawawala.

"Ano ba hindi ka ba talaga titigil sa hatdog at itlog na yan!" singhal ko. Subrang gigil na talaga ako sa kanya, parang masarap siyang ibaon sa lupa.

"Uuwi na nga lang ako..." Noong kunin ko ang aking shoulder bag para umalis mabilis pa sa kidlat siyang humarang sa pinto upang pigilan ako.

Tumaas ang kilay ko lumapit pa rin sa kanya para lumabas kahit nakaharang siya. "Tumabi ka nga riyan uuwi na ako!" Tinutulak ko siya paalis sa pinto pero hindi man lamang siya natinag.

Maayos pa rin na nakatindig doon. Habang nakahalukipkip tinitingnan akong sinusubukan siyang paalisin.

"Ano ba umalis ka na kasi riyan!"

"Wala ng araw na hindi kayo nagsigawan. Para kayong mga bata," puna sa amin ni Seirra.

"Eh paano ba naman napakakontrabida niya. Naiinis talaga ako sa mukha niya. Sinabi na uuwi ako nakaharang naman sa pinto." Naiirita ko siyang tiningnan. "- stop acting like nothing happened," sabi ko habang subrang sama ng tingin kay Ryden.

Nag-iwas siya ng tingin ng sinabi ko ang tungkol doon. Akala niya ba nakalimutan ko na 'yon. Nandito lang ako para sa kaibigan ko hindi ako pumunta rito para sa kaniya.

Wala pa rin kami na maayos na pag-uusap simula noong nangyari sa gym. Ayoko rin naman makiusap sa kaniya, ma-stress lang ako dahil subrang tino niyang kausap. At hindi pa rin tuluyang nawawala yung sakit at pait.

"Wow sweetheart huwag ka munang umuwi. Remember may outing tayo, ngayon pag-uusapan ang tungkol doon," he said to divert my anger.

"Tse! Don't sweetheart me. And sino nagsabi na sasama ako sainyo! Hindi ako belong sa sinasabi mo na tayo. And excuse me nandyan na siya, okay! Also stop acting like nothing happened and stop acting like you care."

"I was..." may sinasabi siya pero hindi niya na tinuloy bagkus ay ginulo niya na lamang ang kaniyang buhok.

"Please, Alveah? Beshie sasama ako tapos hindi ka sasama," singit ni Seirra.

Talaga lang ha! Kinakampihan pa niya ang mga mag kulto na 'to. Ang galit ko para saan na lang iyong nararamdaman ko hindi ba nila inisip.

Mapait ako na napahalakhak dahilan para makuha ko ang atensyon nilang lahat. "Kung noon mapapasama pa ako iba na ngayon. Akala ko ba kaibigan ko kayo, pero niloko nyo rin naman ako. Anong akala nyo sa akin manhid na walang pakiramdam. Oo mabait naman ako h'wag nyong abusuhin."

"We're trying to make it up with you," nakatungong sabi ni Caljan dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

Napahalakhak ako. "Hindi nyo inaayos dahil sa ginagawa nyo mas lalo nyo ako na dinudurog. Kung para sa inyo hindi iyon big para sa akin oo. Nasasaktan ako kaya ako nagagalit sainyo."

"Sa akin ka magalit, saktan mo ako. Sa akin mo ibuntong lahat, Alveah. Alam ko na kasalanan ko. Tatangapin ko lahat mapatawad mo lang ako."

"Buti naman alam mo! Galit na galit ako sayo Ryden at inis ako sainyo!" nilibot ang tingin ko sa kanila lahat sila ay napayuko. "Tinuring ko kayong kaibigan dahil alam ko na bukod kay Seirra matatangap nyo rin ako. Ayaw ko na kinukumpara ako sa ibang tao because I always doubt myself and my worth. Insulto para sa akin na nilapitan nyo ako dahil sa nakikitaa nyo sa akin si Alona kasi palagi akong nasa likod niya. I'm insecure. Hindi ko alam kung mayroong tatangap sa akin, akala ko kayo. Sinira nyo ang tiwalang binigay ko sainyo."

IT WASN'T ME AFTER ALL [ CALIEXES WARRIORS #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon