Areeyah's POV
Pwede bang manligaw?
Pwede bang manligaw?
Pwede bang manligaw?
Damn. Am I dreaming? Ugggh, bakit? Masaya naman na kami pareho dba. Tsaka, hnd parin naaalis yung awkward feeling ko sa kanya. :3 Tss. Tuesday na ngayon at 3 araw na simula nung nagkasama kami.
"Hi bes! Oky ka lang ba?"
Bat ba naisipan yun? Aish. Ginugulo nya ang utak ko!! Uggghhhhh---
*paak*
Aw!! Napahawak naman ako sa ulo ko tapos tinignan ko kung sino nangbatok sakin.
"Bes naman! Bat mo ginawa yun?!" Asar kong tanong kay Tineng.
"Kanina pa kaya kita tinatawag! Bat ka ba tulala dyan?"
Natigilan na naman ako. Aish! Tangna kasi ni Yuan e. Pinapakumplikado ang simple kong buhay. -______-
"H-Ha? A-Ano, wala ah!"
"Sus, wala daw! Bat tulala ka dyan?" Intriga nyang tanong sakin.
"Wala nga. Teka, asaan sina Thea at Sheena?" Pagiiba kong tanong.
"Nasa cr e." Sabi nya sabay pumasok na si Maam Rosales.
------
Lunchbreak na at andito kami sa field ng university. Dito namin trip kumain dahil, presko.
"Haaaaaaaaay buhaaaaay!!" Sabi ko sa kanila.
"O, bakit?" Tanong ni Sheena habang binbuksan ang baon nya.
"Naguguluhan na kasi ako, tangna."
"Saan ka naman naguguluhan?" Takang tanong naman ni Thea. Napatingin naman sila sa aking tatlo.
"Ekasi... Si Yuan e." Napabuntong hininga naman ako. Aiiish.
"Ano meron ni Yuan?" Si Tineng naman yung nagtanong.
"N-Nanliligaw na kasi sya ulit." Sabi ko at nagkatinginan kaming apat.
"Eh? Bakit? Anong trip nya?" Inis na tanong ni Thea
"Hnd ko din alam. Nagtx nalang sya ng ganon kinagabihan ng sabado."
"Eh bakit ka naman naguguluhan?" Tanong ni Sheena.
"Dahil ba kay Renz? Mahal mo pa ba si Renz?" Tanong naman ni Tineng.
"Hnd dahil kay Renz. Naguguluhan ako kasi, baka maulit lang yung dati. Tsaka ano.. Hnd ko na maintindihan yung feelings ko." Sagot ko sa kanila.
"Ha? Feelings? Mahal mo pa ba si Yuan?" Tanong ni Thea.
"Hnd. Alam kong hnd. Kasi, naiilang ako sa kanya. Kapag magkasama kami, naawkward-an ako. Haaay." Naguguluhang sagot ko.
"Hay nako. Alamin mo muna feelings mo. Mahirap magsisi sa huli alamoyan dba?" Payo ni Sheena.
"Pero, bigyan mo ng chance. Malay mo naman this time, desidido na sya sayo." Sabi ni Tineng.
"Basta nandito lang kami ha. Kung kailangang batukan ka namin, gagawin namin kasi ayaw naming masaktan ka na naman." Nakangiting sabi ni Thea.
"Hahaha. Baliw. Salamat ha? Kasi, nandyan kayo palagi. Naiintindihan nyo ko. Kahit ang gulo kong tao." Sabi ko naman sa kanila.
"Kumain na nga tayo! Andrama ni Areeyah e. Hahaha!" Sabi ni Tineng. Na pasubo na ng hotdog.
"Palibhasa matakaw!" At nagtawanan na kami.
Haaay. Buti nalang nandito sila para sakin. :) Yung kahit sobra mong kumplikado mong tao, never silang nawala sa tabi mo. Lucky to have them. :)
-------
Nandito lang ako sa kwarto. Nagmumuni muni. Nagbibilang ng alikabok. Paano kaya nangyayaring nagkakaalikabok no?
*Vibrate*
Frm: Yuan
Hi my! :) Musta araw mo?
Ayan nagtext na. Hmmm. Dahil wala naman akong magawa, nagtext back ako.
To: Yuan
Hi den. :) Uhm, okay naman. Hehe. Ikaw ba?
Pagtapos kong magreply, nagpalit na ko ng damit pantulog. Nakauniform pa ko e.
Pagkahiga ko, nakita kong may reply na sya.
Frm: Yuan
Okay naman. :) Katext ko na kasi ikaw. :') Hahaha.
Letse, nambola pa. Phew.
To: Yuan
Haha. Baliw. :)
Napakatipid ko no? Aish. Wala naman kasi akong sasabihin nu. Duh.
Frm: Yuan
Seryoso yun, my. :) Uhm, my? Ano na bang sagot mo?
Napatigil naman ako sa text nyang yun. Eto na naman kami. Tssssss.
To: Yuan
Uh? Ano ba yun?
Sana wag na syang magreply. Haha. Bad Areeyah.
Frm: Yuan
Kung pwese ba kitang ligawan? :)
Ano bang isasagot ko sa tanong nya? Titigil ko ba? O, bigyan ko sya ng chance? Ayoko nang masaktan e. Tss.
Pero, hnd ko alam kung anong pumasok sa utak ko at iyon ang nasabi ko.
To: Yuan
Oosige, pumapayag ako. :)
-----
Hmmmmmmmm.
BINABASA MO ANG
Forevernomore
Non-FictionMarami na tayong pinagdaanan, ngayon pa ba tayo susuko? Marami na tayong pangarap, ngayon pa ba tayo mag-iiwanan? Papatunayan natin sa kanilang, FOREVER DO EXISTS.