Areeyah's POVSobrang busy namin ngayon. Nandito kami sa room. Tadtad kami ng quizzes. Naghahabol naman ng ibang lessons yung teachers namin dahil before christmas break ang 3rd periodical exams namin. Odba, pasakit muna bago pasarap. Hahahaha!
Abt kay Yuan? Ayon, nagtetext parin sya sakin. Goodmorning texts. Gms. Pero, hnd ko na pinapansin. Mamaya umasa pa sya e.
"Bat ba kasi napakadaming quiz ngayon? Wala silang awa."
"Oo nga! Ang hirap kayang ipasok sa utak lahat ng lessons sa lahat ng subjects!"
"Kung sila nga nahihirapang pagsabay sabayin ang lessons sa isang lecture lang, tayo pa kayanv estudyante?!"
Ilan lang yan sa mga rants ng kaklase ko. Well, kahit naman ako walang magagawa e.
"Areeyah, paturo nga sa trigo." Biglang lapit ni Robert kasama yung barkada nya.
"Ako pa talaga tinanong mo? Jusq, iyak na iyak na nga ako sa pagrereview e." Simangot kong sagot sa kanya.
"Sheena! Paturo nga ako sa Physics!" Lapit naman sakanya ni Kent Paul.
"Wala rin akong alam dyan no." Sagot ni Sheena.
Nagkatinginan naman kaming tatlo at sabay sabay na ngumiti. Hahaha! Si Kent Paul kasi, gwapo yan. Actually, crush naming apat yan. Pero, pinaka may crush dyan si Sheena. Sssssh! Hahahahaha.
"Sabay sabay nalang tayo magreview." Nakangiting aya ni Tineng sa kanila. Kaya ayun, nagreview nalang kami kasama pa ang ibang kaklase namin.
-----
Haay sawakas! Tapos na quiz namin sa Physics at Economics. Trigo nalang. Papunta kaming apat sa field para kumain ng lunch. After kasi nito ang quiz namin sa trigo.
"Jusq naman. Bat ba kailangang pagaralan itong tangents at cotangents na to!" Yamot kong sabi sa kanila na kumakain habang nagrereview.
"Oo nga e. Hnd ko naman magagamit yan kapag nagbunot ako ng ngipin." Sabi ni Sheena. Dentistry kasi ang balak nyang kunin.
Ako, balak kong kunin Accountancy o kaya FinManagement. Habang si Thea at Tineng, parehong engineering.
Kumakain na kami ng magvibrate ang phone ko.
Frm: Yuan
Hi my. :) Ingat ka. :)
Pagkabasa ko, ini off ko na agad yung phone ko. Kajirits e. Ayaw akong tantanan.
"Oh bakit? Nagtext si Yuan no?" Takang tanong ni Thea.
"Malamang. Naknang, hnd makuha sa isang salita." Irita meh.
"Hahaha! Nabasa ko Gm nya no! He's still into you daw. Yie!" Asar ni Tineng sakin kaya nagmake face ako sa kanya.
"NakaPm ko nga yan. Sabi nya, mahal ka daw talaga nya. Sabi ko nga, wag na umasa sayo e. Pero matigas ang kuya mo, Areeyah! Mahal ka daw talaga nya kahit anong mangyari." Natatawang paliwanag nya.
"Ang lakas ng tama sayo nun no? Iba talaga gums ni Areeyah!" Sabi ni Thea kaya binatukan ko sya. Natatawa naman yung dalawa.
"Letse ka ha! Mas malupit noo ni Sheena, nangmamagnet ng mga lalaki!"
"Gago! Noo ko na naman!" Sabi ni Sheena. Puros tawa lang ginawa namin habang nagrereview.
"Bits!"
Napatigil naman kami sa pagtawa ng dahil sa tumawag.
"Oy Louis!" Sabay sabay naming sigaw sa kanya. Remember him? Barkada din namin sya. Kasama nya Gf nya. Si Nicole.
Naghi lang sila tsaka umalis na."Tinde nung dalawa no? 5 months na sila." Sabi ko sa kanila habang nakatingin padin doon sa dalawang naghaharutan.
"Oo nga e. Kita mo nga naman, may magtatagal pala kay Louis no?" Napapailing na sabi ni Tineng.
"Ang sabihin mo, may nagseryoso dyan! Hahahaha." Natatawang sabi ni Thea.
"Oy grabe kayo. Ang tatag din nila kaya. Sobrang seloso nyan ni Louis pero, nilalambing sya ni Nicole kapag ganon." Sabi ni Sheena.
"Ang swerte nila sa isa't isa. Sana tumagal pa sila." Sabi ko naman.
Nanahimik naman sila. Napatingin sa kanila. Ako kaya? Kailan kaya ako tatagal sa isang relasyon?
Usually kasi, 1 month lang ang kaya ko. Hahaha! Madali akong magsawa e. Siguro, dadating din yung araw na magseseryoso na ko. Yung hnd na ko maloloko pa.
------
Updated yehey
BINABASA MO ANG
Forevernomore
NonfiksiMarami na tayong pinagdaanan, ngayon pa ba tayo susuko? Marami na tayong pangarap, ngayon pa ba tayo mag-iiwanan? Papatunayan natin sa kanilang, FOREVER DO EXISTS.