Areeyah's POV
Nandito ako sa room ngayon. Economics ang subject namin ngayon. Inflation ang topic namin sa araw na to.
Ewan ko ba! Wala akong kagana gana ngayong araw. -______-
*Vibrate*
Alam ko naman kung sino yung nagtext e. Kaya palihim kong kinuha yung phone ko at binasa ang message nya.
Frm: Yuan
Goodmorning, my! :) Kagigising ko lang. Haha. Kumain ka na mamaya ha. Text mko. Iloveyou! :')
Sigh......
I can't feel anything! Ugh. 3 days na ang nakakalipas simula ng pinayagan ko syang manligaw. Okay naman, so far. Wala syang mintis sa pagpapaalala sakin like, "kumain ka ha", "ingat ka sa paguwi", "Iloveyou" at etc.
Naaappreciate ko naman lahat ng yun. Pero, ewan ko ba. Baliw na ata ako at wala akong maramdamang kilig kundi, awkwardness. Tsss.
Nakatanga lang ako kay Sir Panganiban habang nagtuturo sya ng may kumatok.
"Any problem, Erika?" Tanong ni Sir doon sa babaeng kunatok. She's the SG President, anyway.
"Pwede po ba kay kay Areeyah, Sir? SG Meeting." Tanong niya at doon napatingin sakin si Sir.
Oh shoot! How come, I forgot abt our meeting? Aish. Tumango lang si Sir kaya tumayo naman na ako.
Paglabas ko, sumunod na ko sa kanya sa may library.
-----
Library..
Umupo ako agad sa upuan na bakante. Nakita ko na si Chelsey sa may kabilang upuan. Ngumiti lang ako sa kanya. She's the SG Vice President.
Kulang pa kami. Wala pa yung dalawang 1st year representatives.
Position ko? 4th year representative. Hahaha! Actually, dalawa kami ni Kimberly.
At dahil hihintayin pa namin sila. Kinuha ko yung phone ko at tinext si Yuan. Ang unfair naman kung hnd ako magrereply dba?
To: Yuan
Hi, Dy. :) Uhm, may SG Meeting kami ngayon e. Hehe. Kain ka na. Takecare! ;)
And sinend ko na. Alangang magIloveyou ako e, hnd ko nga malaman feelings ko sa kanya? Wew. Corneh b3h.
Mayamya, dumating na din yung dalawang first year. At nagsimula nang magsalita si Erika.
"This is regarding the Christmas Lighting next week. So, friday natapat ang event kaya wala tayong pproblemahin abt kinabukasan dahil weekend." Sabi nya.
"And, according to Dr. Santos (Our Principal), gagawing shortened ang schedule nun. Wala pang further info kung 40 minutes or 30 minutes per subject." Sabi naman ni Chelsey.
"So ano nang plano natin?"
"5:00 pm natin pabababain ang 3rd year and 4th year students since sila ang maghahawak ng lights. Ang representatives ng 1st and 2nd year, kayo nang bahala sa batchmates nyo. Hnd naman sila required na magstay dito. 5 pm ang thanksgiving mass. Then, 6 pm ang start ng ceremony." Mahabang explain ni Erika.
"May tanong ba kayo?" Sabi naman ni Chelsey.
"Uhm, magkakaroon parin ba tayo ng practice before sila pababain?" Tanong ni Arva (4th year peace officer).
"Yes. 3:00 pm. Ipapababa sila for the practice. Tsaka, para alam nila yung pwesto nila sa paanan ng christmas tree." Sagot ni Erika.
Nagtanguan naman kaming lahat.
"Kung wala nang questions, bumalik na kayo sa classes nyo. Magmeeting nalang ulit tayo next week." Sabi ni Chelsey.
Lumabas na kami ng library at dumiretso na sa room ko.
Every year kasi nangyayari ang Christmas Tree Lighting. 3rd and 4th year students lang ang required dahil hapon ang uwi namin. Yung lower years, hnd naman sila required. It's up to them kung magsstay sila or hnd.
Ang gagawin ng mga 3rd and 4th year students, magfform sila ng christmas tree sa ilalim ng christmas tree. Hahahaha! Bale, sila ang sisilbing shadow nun. Habang may hawak silang lights ng iba't ibang kulay. Gets nyo? Igets nyo. Hahahaha!
--------
Kinagabihan..
Pagdating ko sa bahay, umakyat agad ako. Sobrang nakakapagod tong araw na to. Bukas, tadtad ako ng quizzes. Aish naman.
Bukas nalang ako kakain, diet e. Hahahah!
Binuksan ko naman yung phone ko. Mamaya na ko magrereview para masaya.
May mga texts sya. Madami. Sus, lagi naman e. Sanay na ko.
Nagtext naman ako sa kanya.
To: Yuan
Dy, kakauwi ko lang. :) Hehe.
Ang tipid ko ba? Ehhh. Ganon kasi. Hahahaha!
Mayamaya, nagtextback na sya.
Frm: Yuan
Pahinga ka na, my. :) Musta naman araw mo? :)
Nagtextback na ko. Nagkatext pa kami hanggang 10 pm.
To: Yuan
Dy, antok na ko. Haha! Goodnight na. :)
Nagready na ko sa pagpapahingang gagawin ko ng magtext sya ulit.
Frm: Yuan
Osige po, my. :) Goodnight din. Thankyou ulit ha? Kasi binigyan mo ulit ako ng chance. Hnd mo alam kung gaano mo ako napasaya. :) This time, hnd ko na sasayangin yung chance na binigay mo. Hnd ko man maipangakong hnd kita sasaktan, gagawin ko naman lahat wag lang na masaktan at umiyak ka. Mahal na mahal kita. :) :*
Pagtapos kong basahin yun, ewan ko kung bakit pero, napangiti ako. :)
-----------
Yung iba kasi hanggang salita lang. Hahahaha. Mga ptngna. Jkz.

BINABASA MO ANG
Forevernomore
Non-FictionMarami na tayong pinagdaanan, ngayon pa ba tayo susuko? Marami na tayong pangarap, ngayon pa ba tayo mag-iiwanan? Papatunayan natin sa kanilang, FOREVER DO EXISTS.